04: There were Three

109 7 0
                                    

Ang unang dapat mong malaman during zombie apocalypse is that the air you'll be breathing kapag apocalypse na ay iba sa nakasanayan mong hangin. Mahirap huminga at medyo masikip sa dibdib ang hangin. Naghalo ang fresh air at amoy ng nabubulok na laman, at sinabayan pa ito ng minsanan na amoy  ng pawis na kung hindi galing sa iyo ay galing sa zombie na lumalakad sa patay na kalsada at patay na City.

"Itigil... na... muna... natin ito." Hinihingal na bangit ni Katie. Magsasampung minuto na kasi silang tumatakbo mula nang makalabas sila sa apartment. There's no infected inside the lobby kaya hindi sila nahirapan sa loob pero sa labas naman sila nahirapan.

I don't know if you can call them lucky. Hindi kasi agresibo at mabilis ang mga naiwang mga infected sa labas. BUT, mabaho ang mga ito na parang ilang taon nang nabubulok na karne sa ref.

Katie find it weird. Paanong nangangamoy ng ganon kalala ang mga infected eh ilang araw pa lang naman silang infected? Isama mo pa ang mga itsura nilang mukhang naaagnas na at inuuod. May nakita silang isang infected na mabagal ngunit may mga bullae o skin condition na kung saan may sac ng tubig sa balat nito.

They turned right pagkalagpas nila sa Gas station, malapit lamang ito sa restaurant kung saan nila iniwan sila Oscar. Nakita nila ang kalsada papunta sa restaurant na walang naglalakad na infected kaya naman huminto muna sila sa gilid kung saan may eskinita at may isang malaking lalagyan ng basura.

Napaupo si Katie sa gilid ng basurahan samantalang si Paris naman ay hingal din na naka pamewang. "Malapit na tayo." Sabi ni Paris.

Hinihingal na ngumiti si Katie at umubo. "Alam mo bang naiwan mo yung kutsilyo mo sa kalsada?"

Parang nagulat naman si Paris sa sinabi ni Katie. Hindi niya napansin na hindi niya pala nahugot ang kutsilyo niya sa ulo ng isang infected. Nabawi niya naman ang pagkagulat niya. "Wala din ang baril mo."

Katie chuckled. "Wala na din naman akong bala." Pinunasan niya ang pawis niya na tumutulo mula sa noo pababa sa pisngi.

Moments later, may narinig silang mahina ngunit tuloy tuloy na ringing noise mula sa loob ng basurahan. Medyo lumayo si Katie dito at napatayo.

"Ano--"

Tinakpan ni Katie ang bunganga ni Paris nang magtatanong sana ito. "Shh.."

She pushed Paris back, preparing herself to fight the infected inside the garbage bin. Dinampot niya ang nakita niyang kahoy sa mga tambak ng malalaking kahoy sa gilid ng pader kaharap ng basurahan.

Bubuksan niya sana ang basurahan nang bigla itong bumukas. Hahampasin na sana niya ito nang biglang pinigilan ng taong lumabas ang kahoy na ipanghahampas niya. "Wag!"

Nanlaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. "Gw-gwen?"

Nanghihinang ngumiti si Gwen sa kanya, may mga marka ng natuyong dugo sa pisngi nito at braso. Maluha luha si Katie sa lagay ni Gwen. Bukod kasi sa itsura nitong madungis ay tanging sandong itim lamang ang suot nito at may butas pa. Sa isip isip niya ay nalulungkot siyang baka nilamig ang kaibigan niya.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na tulungan ang kaibigan niyang makalabas sa basurahan. Tumulong din si Paris. Pagkalabas ay agad na niyakap ni Katie si Gwen samantalang chineck naman ni Paris ang loob ng basurahan.

Nagulat siya sa nakita niya at napatakip ng ilong. Umaalingasaw kasi ang amoy sa loob at bukod pa doon, may bangkay sa loob. Nakilala niya agad kung sino ito.

Magtatanong sana siya kay Gwen nang makita niyang umiiyak ito habang nakatingin sa kanya. "Naging... Naging kagaya rin niya yung mga ano... Yung mga zombies. S-sinubukan n-n-naman namin ma-mabuhay kaso may asth.. may asthma si Markus..." Humihikbi siya habang nagkkwento.

Zombie Outbreak Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang