07: The Hospital

104 6 0
                                    

Hingal na hingal at tumatagaktak ang pawis ni Katie nang makapasok sila sa Hospital. Akala niya ay okay na ang lahat nang biglang nagkaroon ng sigawan sa kung nasaan sila ngayon. She thought it was the lobby when she saw the scattered chairs, the front desk, and the staircase that leads to the second floor. Then there were two people blocking two different doors. She have read the sign written above the doors, Emergency Room & East Wing.

"HOY!! BITAW!!" Rinig nyang sigaw ni Gwen sa mga tauhan ng Hospital.

Nakita niya nang buo kung ano ang nangyayari. Ang dalawang lalaking tumulong sa kanila sa labas ay biglang tinulak at diniin si Paris sa pader. One of them is a girl who is shouting too kay Gwen.

"NAKITA NAMIN SIYA!! HINDI NIYA NA MAITATANGGI ANG LAHAT!!"

Another man came in to the scene and shouted at them. "Kasabwat nyan yung mga babaeng ito!" Then he pointed his gun at Katie. Ang iba naman ay tinutok na rin ang baril kay Gwen at Paris.

Gulong gulo man ay hindi na pumalag pa si Katie. Itinaas niya nalang ang kamay niya at pinakinggan sila. Si Gwen naman, she's still whispering things they could hear. Sanay na sa ganito si Katie. Gwen is a fighter even before she met her. Madaldal ang bunganga nito at madaming gustong sabihin. Kaya nga sila naging magkaibigan.

"Ano ba kasing sinasabi nyo jan?!" Tanong ni Gwen.

The man pointed his gun on Paris's head. "Nakita namin siya kanina. May military bag siyang kinuha at niradyohan. Kagaya siya nung naunang tinanim ng gobyerno para patayin tayong lahat." Madiin at may galit na sabi ng lalaki.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Katie. "Paris? Totoo ba?"

Hindi makapagsalita si Paris. Nakayuko lang ito habang nakadiin siya sa pader. Ang lalaki naman ay ngumisi na ani mo ay tumama ang hula niya. "May nauna sa kanya na isang scientist. Nahuli namin siya matapos niyang ihagis ang ilang bote sa fire station. Kinuha namin siya at tinanong, umamin siyang pinadala sila ng gobyerno mula sa district 3. Ang sabi niya, sample daw iyon sa experiment nila. Sinubukan namin kunan pa siya ng iba pang detalye pero bigla nalang siyang nanlaban at tumalon sa third floor."

Hindi pa rin naiintindihan ni Katie ang lahat. She understand na some scientist were sent to experiment on district 5 pero anong koneksyon nila kay Paris? "So? Bakit nadamay si Paris?"

"Nagreport siya sa boss nila. Nakita namin siyang umakyat sa itaas ng convenience store at nilabas ang nakatagong army bag. May niradyohan siya." Sabi ng babaeng nantutok ng baril kay Gwen.

Shit. Hindi makapaniwala si Katie sa mga sinasabi nila. Sinubukan niyang tumingin kay Paris para alamin ang reaksyon niya ngunit mukhang tama ang sinasabi ng mga taong ito sa kanila. Tahimik lang si Paris na parang isang guilty.

"HAYUP KA!!" Nagulat si Katie nang biglang nagwala si Gwen at pilit kumakawala sa mga humahawak sa kanya. Susugurin sana niya si Paris ngunit pinigilan siya ng babaeng nasa harap niya.

Katie can't believe everything. She was with him the entire time and she didn't question him noong may mga nakikita na siyang hint. She knew it was weird for him to be there when she was a attacked at the fire exit. She saw him act differently. Hindi niya pa minsan nakita si Paris na lumaban sa mga infected. Matatakutin siya eh. Then she saw his gaze noong papunta sila sa store. And how he vanished when they were inside. Lahat ng sinasabi nila tungkol kay Paris ay totoo.

"Pakawalan nyo kami." Mahinang sabi ni Katie habang nakatingin sa sahig.

"Ano?" The man asked.

Tinaas niya ang tingin niya sa lalaki na puno ng galit. "Pakawalan niyo kami. Hindi namin alam na traydor pala ang kaibigan namin. Hindi namin alam ang mga balak nya!"

Natahimik ang paligid at tanging tunog lang mula sa kalabog ng pinto ng Emergency Room at East Wing ang naririnig nila. "Bitawan niyo sila maliban dito sa hayop na to." And they let Katie and Gwen go.

Ang agad na ginawa ni Gwen ay ang sugurin si Paris. Sinuntok niya ito sa mukha nang malakas. Agad siyang hinila palayo ng mga lalaki pero nakaisa pa siyang sipa dito hanggang madala siya, 2 blocks above the stairs.

"HAYOP KA!! DEMONYO!! AHAS!! IBALIK MO ANG BOYFRIEND KO!! AHHHHHHHHHHHHHHH PAKAWALAN NYO AKO PAPATAYIN KO YAN!!"

The man stood in front of them with a contented look on his face. "Siguro naman ay lahat tayo sang-ayon na sipain palabas ng hospital ang hayop na to? May tutol ba?"

No one answered. Katie just watched them pushed him away from her, them. Nang magsimula nang magmakaawa si Paris na huwag siyang palabasin ay doon na nakaramdam ng kaunting kalungkutan si Katie. Pero nanaig pa rin ang galit niya dahil naaalala niyang hindi pa nila nakikita si Oscar.

Once he got outside, he started banging the door and begging them to let him in. They thought it was the only voice they will hear nang biglang sumigaw ang isa sa mga lalaking humaharang sa pintuan ng emergency room. The door flew open and an infected jumped at the man at kinagat siya nito sa leeg.

Three men walked towards the man and killed the infected. Sinubukan nila i-contain ang lahat ngunit sunod sunod na ang mga infected na lumabas mula sa loob ng Emergency Room. The man standing at the East Wing door leave his position and left his gun blocking the knob of the door of east wing.

"Umakyat na tayo! Dali!"

Tumakbo na sila pataas at iniwan ang mga lalaking kinakagat ng mga infected. Mahigpit na hinawakan ni Katie ang kamay ni Gwen at ganon din ang ginawa ni Gwen sa kamay ni Katie. Sabay silang tumakbo pataas at sinundan ang babaeng nauuna sa pagtakbo. When they reached the second floor, may isang infected ang biglang sumulpot mula sa isang hallway. Gwen let go of Katie at pinatay nito ang infected. Katie saw Gwen was being dragged by the man pataas habang nauuna na siya.

Pag-akyat nila sa third floor ay agad silang lumiko sa isang hallway. Napansin ni Katie na may mga tao sa gitna ng hallway. Mayroong hawak na pana ang mga ito na nakatutok sa kanila.

The girl ahead of her faced her and the others at the back and screamed something. "Kumanan tayo sa pader!"

And they followed her. Habang tumatakbo sa gilid ay nakita ni Katie kung paano pinakawalan ng mga taong nasa gitna ang kable na nagbibigay ng tulak sa palaso. Para bang bumagal nang mga oras na iyon at nakita ni Katie ang pagdaan ng mga palaso sa gilid nila papunta sa likod. Huminto siya saglit at tumingin sa likod upang tignan ang naging resulta nito. Nakahiga na sa sahig ang ilang mga infected na humahabol sa kanila kanina.

May iba pang infected ang nakasunod sa kanila ngunit hindi na ito napatay ng mga namamana dahil nang makarating sila sa isang pinto na nasa bandang gitna at agad silang pumasok pati na ang namamana at agad sinarado ang pinto. May mga taong nagmadali na lagyan ng harang ang pintuan, mga lamesa at isang pang pasyente na kama na walang nakahiga.

Naagaw lang ang atensyon ni Katie nang marinig niya ang kumusyon ng mga tao sa loob ng silid. Napansin niya ang laki ng silid. Para itong isang function hall na may mga beds.

She looked around and saw people, some are wearing patient gowns na may mga nakakabit pang IV tubing sa kamay at sa pole, and some wearing civilian clothes. The people must've been the patients and the companions of this hospital. Ngayon lang ulit nakakita ng maraming tao si Katie kaya medyo natatameme siya at tahimik.

One of the patient, an older lady with a grey hair at hatak hatak ang IV pole, stepped forward and faced them. She asked them with an authoritative voice. "Ano ang nangyari at sino ang mga ito?"

Katie was wondering the same thing. Why are these people here?

Zombie Outbreak Donde viven las historias. Descúbrelo ahora