03: Day Five

85 5 0
                                    

Angel stared at her reflection in the mirror and saw nothing but a dirty version of her. Iba siya sa itsura niya kaninang umaga. Ang balat na malinis ay naging malagkit. Ang mabangong amoy ay napalitan ng amoy ng pawis.

It's been 5 hours since those bodies on the shore started to move. Hindi niya alam kung bakit pero sa loob loob niya ay parang nakita na niya ito dati. Sa movies at tv series, they weren't real. They weren't supposed to. Hindi siya makapaniwala na nagkatotoo na ang mga ito ngayon.

*Knocking*

Agad siyang tumakbo sa pinto upang iharang ang katawan niya dito. She doesn't want to see her like this. Ayaw niyang makipagusap sa iba. She doesn't think she wants to.

"Angel? Matagal ka pa ba?" Alam niyang si Manuel ito. His voice never failed to make her heart flutter. Not even once.

Inayos niya muna ang kanyang boses bago siya nagsalita. "Oo.. matatapos na."

Pagkatapos ng mga nangyari kanina, wala na silang oras para magpanic pa. Mga galit na guests ang bumungad sa kanila. Ang mga ito ay maraming tanong patungkol sa kung ano na nga ba ang totoong nangyayari.

"Three days ago, we have lost contact with airport and the City Hall of this island."

Madami sa mga guest ang umiyak. Nagsisisi dahil mas pinili pa nilang maging masaya kahit na may mga masasamang nangyayari na pala sa paligid nila.

"Manuel?" Mahinang tawag ni Angel.

Hindi na siya umasa pang maririnig ito ni Manuel dahil alam niyang busy ito ngunit nagulat siya nang sumagot ito. "Ano yon?"

He didn't left her. Sa tingin ni Angel ay nanatili ito sa labas at nakatayo din ito sa pintuan dahil sa lakas ng boses nito. Para malaman, binuksan niya ito ng maliit upang silipin si Manuel at doon nga ay nakita niya itong nakatalikod sa pinto.

Humarap si Manuel at sumilip din kay Angel. Maglapit ang mga mukha nila. Ramdam ng balat nila sa mukha ang pakiramdam ng hininga na humahaplos dito. Pinasok ni Manuel ang kamay niya upang abutin ang kamay ni Angel. Ibinigay naman ito ni Angel sabay tumingin sa mata ni Manuel.

"Ayoko pang mamatay." Mahina ngunit mapait na sabi ni Angel. May maliit na luha ang mabilis na umagos pababa sa pisngi niya.

Ngumiti si Manuel sa kanya. "Hindi ko hahayaang mangyari yan."

Sa lobby, makikita ang ilang mga guest na nagdesisyon na manatili na lamang doon upang makita ang nangyayari sa labas. Ang ilan ay piniling bumalik sa kanilang kwarto upang matulog.

Nagsama si Rita at Leo upang tumulong sa ginawa nilang triage sa may restaurant kung saan nakahiga ang mga guest na may sakit. May background sa first aid ang dalawa na kailangan nila ngayong gabi. Ang doctor na si Farrah ay hindi na malaman kung ano ang gagawin dahil ang ilan ay nahihirapan nang huminga. Everything is beyond her capacity. Hindi hotel doctor ang kailangan ng mga ito kundi mga doctor sa hospital.

They were just having a meeting with China when they were interrupted by a scream. Lumabas mula sa kitchen sila Rita upang tignan kung ano ang nangyayari at doon ay nakita nilang umiiyak ang isang dalagang babae habang nakadantay ang ulo nito sa dibdib ng kanyang amang walang buhay.

Lumapit si Farrah at Rita upang  tignan ang lagay ng Lalaki. Si Leo naman ang lumapit sa dalagang babae upang alalayan ito at tabihan habang nagdadalamhati. Nakikita niya na nakalaylay na ang kamay ng lalaki at indikasyon na itong wala na talaga ang tatay ng dalaga.

Si China naman ay dahan-dahan na lumayo sa kanila. Hindi siya makapaniwala na may namatay na naman sa mga guest niya. Akala niya noong una ay normal na sakit lang ito kaso nagbago ito dahil sa nangyari sa mga guest.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now