08: First Death

231 6 3
                                    

Maggie POV

"Alam mo ba kung paano gumamit ng baril?" tanong sa akin nung isang militar na nasa 20's na ang pangalan ay Harold.

Umiling ako. Paano ako matututo eh takot nga ako pumatay kahit ipis. Noong nagturn yung Francis takot na takot ako kasi baka ako ang utusan ni Chixie na patayin si Francis buti nalang siya ang gumawa.

"Sumama ka sa akin para maturuan kita kasama nung iba pa na hindi marunong gumamit ng baril."

Isa akong teacher before mangyari ang lahat ng ito. May pamilya ako na mapagmahal at maalaga sa akin. Nakatira sila sa Nueva Ecija kung nasaan ang farm namin. Miss ko na sila.

Sumubok akong tumawag sa kanila 3 days ago para sana mangamusta kung ano ang lagay sa lugar namin kaso walang signal. Sumabay pa yung pagkawala ng kuryente kaya ayun hindi ko magamit ang phone ko at iniwan ko nalang doon sa bahay ni Chixie.

Naaalala ko pa noong simula ng virus. I was in a classroom kasama si Sophie na kumakain ng lunch niya. Tanda kong nainom ako ng kape ng mga oras na iyon habang may binabasa sa phone ko.

*High pitch scream*

Napahinto ako sa pagscroll at napatingin  kay Sophie. Nakatingin din siya sa akin na may pagtataka. Tumayo ako papunta sa pinto at nakita kong may mga nagtatakbuhan sa hallway.

"Iho iha! Huwag kayo dito maglaro sa hallway baka madulas kayo!" Saway ko sa mga bata pero hindi sila nakikinig sa akin.

Nakarinig ako muli ng mga sigaw and this time, may pagsabog na akong narinig mula sa labas. Napaupo ako sa sahig nang may bumangga sa aking bata . Lumapit naman sa akin si Sophie para tulungan ako.

*Screams*

I froze when I saw this student on the floor. Nasa dulo siya ng hallway malapit sa entrance. Nakahandusay lang siya doon, nakatihaya habang nakatingin sa akin at nagmamakaawa. May dugo ang uniform niya.

May mga outsiders na naglalakad patungo sa direksyon namin. They were moving very weird. Limping ganon. They also have blood all over them na hindi ko masabi kung saan galing kasi medyo malayo sila sa akin.

May isang student na hindi ko alam kung saan galing ang lumitaw sa gilid ko. He was walking slowly palapit sa akin. I can see his flesh bleeding out on his left cheek.

I crawled backwards palayo sa kanya. What's happening? Bakit sila may mga dugo at ganyan maglakad? Hindi na ako nag isip pa ng sagot at agad akong tumayo. Nakita ko si Sophie na nasa pintuan nakatingin sa akin at nagugulat sa nakikita niya kaya agad ko siyang hinila at sabay kaming tumakbo.

*Screams*

Huminto kami dito sa may hagdan. If these wounded people are everywhere, then hindi kami safe kung lalabas kami sa kabila. All these people na tumatakbo sa direksyon palabas, they're going to die.

"Ms. Kaye!" Sigaw ni Sophie.

May palapit sa amin na highschooler. Probably, 3rd year student? May nakatusok na pencil sa braso niya habang may pumapatak na dugo sa sahig mula sa likod ng ulo niya.

What do I do?

"Stop!" I said with authority. Hindi siya tumigil.

Malapit na siya sa amin kaya napaurong na kami hanggang sa mapasandal kami sa pintuan ng storage dito sa ilalim ng hagdan. "Sabing tumigil ka eh!"

Hindi nakinig sa akin ang estudyante. It was about to grab me pero buti nalang at may biglang tumulak sa estudyante at bumagsak silang dalawa sa sahig. When I saw who saved us, it was Principal Saavedra. He was bleeding on his back.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now