10: Aling Vickie

76 8 1
                                    

Malapit na sila sa Evacuation Center nang biglang huminto ang sasakyan nila sa gitna ng kalsada. Emet checked the gas tank. "Wala na tayong gas."

Katie looked outside and saw a lot of slow moving infected. "Masyado silang madami."

"Swerte tayo dahil parang wala silang kasama na agresibong infected." Dagdag ni Gwen.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi niya. Nanguna si John sa paglabas at sinundan nila siya hanggang sa magmadali silang lumakad palayo sa sasakyan. Hindi na sila nag-abala pang isara ang pintuan at iniwan na lamang nila itong nakabukas. Hindi na kasi nila ito kakailanganin dahil aalis na sila sa lugar.

Lahat sila ay may kanya-kanyang mga infected na pinapatay. Gwen aggressively used her knife and jumped to stab the infected on it's head. Pagkatapos ay hinugot niya ang kutsilyo upang muling pumatay ng infected na papalapit sa kanya.

Sa bawat pagpatay nila ay patuloy silang lumalakad palapit sa evacuation center. John, who was distracted by the sight of the evacuation center, missed the infected walking towards him. Naitulak siya nito sa sahig kasabay pa ng isang infected na susubukan niya sanang butasan sa ulo. His left hand was pushing the neck of the infected away from him while his right hand was is trying to cut the neck of the other infected. Napapasigaw na siya sa takot na baka mamatay siya dahil sa kagat ng mga ito habang pilit na inilalayo ang sarili sa mapamatay nitong ngipin.

Busy man sa pagpatay ng infected si Emet ay napansin pa rin nito ang nangyayari kay John kaya agad niya itong nilapitan at tinusok sa bunbunan ang infected na pigil ng kanang kamay ni John gamit ang  palaso niya. Ang ginawa naman ni John matapos siyang tulungan ni Emet ay ginamit niya ang kutsilyo niya upang isaksak ito sa tagilirang ulo ng infected na nasa kaliwang kamay niya.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Emet habang tinutulungan tumayo si John. "Nakagat ka ba?"

Umiling lang si John at parang wala ito sa mood. Bakas pa rin sa kanya ang kalungkutang nadarama niya dahil sa pagkawala ni Dianne.

Umakyat naman sa isang sasakyan si Charles upang  mapatay makita ang mga infected na papanain niya. Malapit na sila sa Evacuation Center at kitang kita niya ang iilang infected na nasa labas nito.

"Emet!" Tawag niya kay Emet.

Nakita niya naman na may papalapit mula sa gilid ni Emet na hindi nito napapansin kaya naman pinana niya ito. Saka lang napansin ni Emet ang infected nang tumumba na ito sa kalsada.

"Bakit?!"

Tinuro ni Charles ang Evacuation Center. "Parang may mali sa center!"

Emet looked at the Evacuation Center and didn't see anything wrong. "Anong mali?"

Sumaglit siyang pumatay ng isang infected na papalapit sa kanya. Napansin niyang nakasuot ito ng armadong sibilyan na uniporme at medyo kinutuban. Bumalik siya ng tangin kay Charles.

Charles looked at him like they know what they were both thinking. "Walang tulong mula sa loob.."

John stopped and listened to the two. Si Katie at Gwen naman ang nagpatuloy sa pagpatay sa mga infected na lumalapit sa kanila. Dama na nila ang pagod dahil sa patuloy na mag-angat at baba ng mga braso nila pero hindi nila ito ininda.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ni Emet.

Nagpalingon-lingon si John sa paligid na tila ba ay may hinahanap. What he was looking for was a sign for other people out there. Napaka-imposible na sila na lamang ang natitirang buhay sa buong distrito nila. There must be someone out here near them na makakatulong sa kanila.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now