02: The Bodies

69 2 0
                                    

On the contrary, Rita didn't plan to wake up. Nagising nalang siya sa lakas ng sigawan sa labas ng bintana ng room niya.

Kinusot niya ang mga mata niya. Inalala ang mga kaganapan kagabi bago siya nakatulog. Naalala niya ang bigat ng emosyon niya na siyang nagpatulog sa kanya. She's about to cry again pero pinigilan niya nalang ito at tumayo na upang makaligo.

Habang naliligo siya ay nakarinig siya ng kalabog mula sa kabilang room. She thought it was just the usual couples fight dahil sa sigaw ng babae kaya hinayaan niya nalang ito. Tinapos nalang niya ang pagligo niya at lumabas na para magbihis.

Umupo siya sa balcony at tinignan kung may nag text ba sa kanya o tawag ngunit wala pa rin. Hindi pa rin bumabalik ang signal maging ang internet sa buong resort. Ang akala niya ay magigising siya na normal na ulit ang lahat kaso ganoon pa rin.

Nakarinig siya ng komusyon sa ibaba. Sumilip siya at nakita niyang may mga nagtitipon-tipon sa garden at nagtaka siya dahil wala namang nasabing meeting ngayong araw. Doon sa ibaba ay nakita niya si Christina na may suot na mask sa mukha at parang nakikipag-away. Naisipan niyang bumaba upang malaman kung ano na ang nangyayari.

Sa hallway, nakita niyang bukas ang ilang pintuan ng mga rooms sa floor niya. Walang tao dito pero makalat ang loob. Inisip niya agad kung may magnanakaw ba na nakapasok sa resort o ano.

Wala pa ring kuryente? Tanong niya sa sarili. At dahil hindi niya magamit ang elevator ay naghagdan nalang siya. Pagbaba ay nakita niya ang ilang mga ilang mga tao na may buhat buhat na kumot na pansin niya ay tao din ang laman. Pumasok ito sa pintuan ng indoor restaurant.

Rita thought it's weird. Tao nga ba ang laman ng tela na iyon?

Naglakad siya paglabas ng garden. Sinalubong naman siya ni Christina na sinuotan siya agad ng mask. "Wear this. Don't take it off, okay?"

Tumango nalang siya kahit na gulong gulo siya sa nangyayari. Wala na siyang plano mag-react pa dahil ang mga taong kasama ni Christina ay galit na galit na sumisigaw sa pinalilibutan nila, si China. Tinutulungan ito ng dalawang intern at ni Leo na huwag mahawakan ng mga guest. "Paanong hindi mo alam?! Supervisor ka! You should know everything!"

Hinila siya ni Christina palayo sa kumpulan ng mga tao. Doon sila tumigil sa labas ng restaurant. "May nararamdaman ka din ba? Ubo? Sipon? Nanghihina?"

Nagtataka siya sa mga tinatanong ni Christina. "Wala po akong nararamdaman na iba. Bakit po?"

"I think tama ang hula natin. Hindi normal ang nangyari 3 days ago. Madaming guest ang may sakit ngayon."

Inilibot ni Rita ang tingin niya sa buong garden. Mostly ng tao dito ay naka mask. "How about them? Wala ba silang mga sakit?"

Saglit naman na tinignan ni Christina ang tinutukoy ni Rita. "Hindi. So far, nasa loob na ng indoor restaurant ang mga may sakit. Hindi ko lang alam yung mga hindi pa lumalabas ng ibang room."

Rita knew right from the start. Hindi maganda ang nangyayari. Now, it's getting worse.

Someone screamed. Galing ito sa beach. Tumakbo sila Rita upang tignan kung ano ito at nang makita nila ito ay natakot sila sa nakita nila. Ang iba ay nagsisi na tumingin sila.

May mga katawan sa beach. Hindi na ito buhay at may mga sugat ito sa katawan. Nakakadiring tingnan ang mga ito kaya ang ibang guest ay napatakbo nalang pabalik sa loob ng hotel.

Agad na tumakbo pababa ng beach sila China at ang ibang staff upang tignan kung ano ang nangyari. Napagdesisyunan naman ni Leo na manatili nalang sa kinatatayuan upang may kasamang staff ang mga guest na piniling manood sa itaas.

"Anong nangyayari..?" mahinang bulalas ni Rita.

Her life before she came to the resort flashes in her eyes. Ang mga kaibigan niya, coach, at ang tatay niya. Gusto na niya itong makita. Gusto niyang malaman kung ayos lang ba ang mga ito.

Habang inoobserbahan ni Leo ang mga guest na kasama niya ay napansin naman niya na malapit nang sumabog sa pag-iyak si Rita. Lalapit na sana siya dito nang biglang nakarinig sila ng sigaw mula sa hotel. Pagharap nila ay nakita nila ang isang balcony sa 5th floor na may dalawang taong nakatayo. Ang lalaki ay pilit na itinutulak o inilalapit ang ulo sa babaeng pilit naman na lumalayo. Sa paglayo niya ay hindi niya inaasahang dudulas ang likod niya at doon na siya nalaglag sa mataas na palapag.

Napatakip ng bibig si Rita at paimpit na sumigaw samantalang ang iba ay hinayaan ang mga sariling ilabas ang kanilang takot. May mga guest na nag-panic na at tumakbo.

Hindi pa doon natapos ang nangyari, bigla na lamang kasing sumunod na tumalon ang lalaki na parang alam niyang gusto niya itong gawin. Nalaglag ang lalaki doon sa babaeng unang nalaglag. They thought he's dead but he started moving again. Kahit na bali-bali na ang katawan at kita na ang buti at mga laman ay nakagalaw pa rin ito. Doon na naghiyawan ang lahat nang biglang inilapit ng lalaki ang ulo niya sa katawan ng babae upang kainin ang laman nito. Ninanamnam ang wasak na laman habang babad sa dugong umaagos sa naputol na ugat ng daluyan ng dugo ng katawan ng babae.

Magulo ang lahat. Nagsitakbuhan kung saan-saan ang mga guest maging ang mga staff. Si China na kababalik lang mula sa beach ay hindi makapaniwala sa nakikita niya.

One of the staff who stayed at the beach started screaming. Gumagalaw na kasi ang mga taong inanod ng dagat at gaya ng lalaking tumalon ay hindi nito iniinda ang kahit anong sugat na mayroon sila. Hinila ng isang tao na may suot na parang daster ang paa ng babaeng staff na nakaupo sa buhangin. Humihingi ito ng tulong habang umiiyak. Balak sanang tulungan ni Leo ang katrabaho niya ngunit huli na nang mailapit ng tao ang ulo nito sa binti ng staff at kinagat ito. Ang ibang mga taong inanod ng dagat ay ginaya ang ginawa ng unang kumagat.

Humarap si Leo kay Rita at doon na niya naisipan na oras na para tumakbo. Napansin napansin naman ni China na siya nalang ang naiwan sa gilid ng beach kaya mabilis na din siyang tumakbo papasok ng hotel. Mas nauna pa nga siya makapasok sa loob dahil biglang bumagal ang takbo ni Rita dahil pinagmasdan pa niya ang nangyayari sa babaeng nahulog at ang kumakain dito.

Hinatak na ni Leo si Rita papasok ng hotel. Ang ibang guest na nasa lobby ay agad na nagtulong tulong upang isara ang glass door at i-lock ito. Nagalit ang iba dahil tila ayaw pang ibigay ni China ang mga susi dahil sa mabagal nitong pagkilos.

"Now what the hell are those?" Sigaw ng isang foreigner guest habang tinitingnan ang mga inanod na katawan kanina na ngayon ay naglalakad na palapit sa hotel.

Nagulat ang lahat at napaatras nang lumabas sa gilid ang lalaking walker na tumalon. May mga dugo dugo siya sa mukha at kamay at napapahid niya ang mga ito sa pinto nang idikit nito ang katawan at mukha.

"Hindi sila tao. There's no way tao sila!"

----
A/N:

Next update will be 2 weeks from now. Thank you!




Zombie Outbreak Where stories live. Discover now