01: Three Days Later

87 3 0
                                    


News came in, a lot has happened in Luzon. Malawakang sunog, maraming casualties. The whole Resort knows nothing about this. Not even China.

2 days ago, nawalan ng internet ang buong isla. Lahat ng tao sa resort alam ito ngunit hindi sila nagbigay ng kahit anong pake sa bagay na iyon. When China said everything is fine and well, they believed it. It was not because it's reassuring to hear it from someone who has the authority but because they needed it. Sa ganitong situwasyon, mas gugustuhin mo nalang makarinig ng magandang balita kaysa sa negatibo.

"Ms. China?" Biglang pasok ng intern na si Mico sa loob ng office ni China. "Ano pong gagawin natin? Last na box nalang ng champagne at beer ang nasa storage. Hindi dumating kahapon ang magde-deliver ng mga pagkain at inumin."

Nanlambot si China at tila ba parang nakaramdam siya ng pagkahilo. Hindi niya na alam ang gagawin niya sa problemang ito dahil sa totoo lang, iyong si Manang Silva ang dapat na umaasikaso nito, siya ang kadugo ng may-ari ng resort na pinagtatrabahuhan ni China.

"Hindi parin ba nakakabalik si Manang?"

Ang huling paalam sa kanya ng matanda ay pupunta lamang ito sa bahay ng may-ari upang magdala ng report ngunit mula kahapon sa pag-alis nito ay hindi na ito bumalik. Hindi nila ito matawagan dahil walang linya ang mga telepono.

Sa loob ng lounge, nakaupo mag-isa sa mahabang sofa si Rita. Hawak niya ang kaniyang cellphone at sinusubukan na kontakin ulit ang kanyang coach ngunit out of service na ito. She also tried to access the internet kaso ang sabi sa kaniya kanina ni China ay may problema ang provider ngayon but maaayos din ito soon.

Nagduda na siya doon. Kung totoo ngang wala silang dapat ikabahala ay sana normal pa din ang lahat. Iyong nangyari sa Batangas, hindi iyon normal na riot lang. Something else happened there. Rita know something bad is happening on that island.

Out of frustrations, tumayo siya at lumabas sa garden kung saan makikita ang Batangas. Mukhang tahimik na ito at wala nang ibang nangyayari.

"What do you think is happening on the other side of that ocean?"

Nabigla si Rita nang biglang may tumabi sa kanya at nagtanong. Ang pangalan nito ay Christina at nandito sila sa Resort upang magbakasyon ng kanyang asawa at anak.

Rita stared at her weirdly, assessing if she's foreigner or not. "Are you a foreigner?"

Hindi inaasahan ni Christina ang tanong na ito. Ngumiti lang siya saglit habang nakatingin kay Rita sabay balik ulit ang tingin sa dagat.

"My husband and I thinks it's something else. Iba ang itsura nung nakita natin 3 days ago, right?"

Medyo nakaramdam si Rita ng kaunting comfort ngayon na may nakausap na siya na may kapareho na iniisip. Ilang araw na kasi siyang nahihirapan na kimkimin sa sarili ang mga opinion niya. Back in Batangas kasi, may nasasabihan siya. Dito, mag-isa lang siya. May supervisor pero mukhang sinungaling.

"Do you trust the supervisor?" Dagdag na tanong ni Christina nang hindi sumagot si Rita.

Mariing umiling si Rita. "Nagsisinungaling ang supervisor. Best guess, she doesn't know anything about Batangas."

Ngumiti si Christina. Akala mo ay tama na sa kanya ang narinig niyang sagot ni Rita. Para sa kanya, ito ang hinahanap niyang sagot simula palang ng una niya itong kausapin.

Kinuha ni Christina ang sunglasses nitong nakalagay sa ulo at sinuot. "There are others like us. Pwede natin pagusapan ang tungkol dito mamayang gabi, habang nag pparty ang lahat. Room 333." Agad na umalis si Christina na may ngiti sa labi.

She's coming. Rita is definitely coming. Kung sakali man na hindi maganda ang nangyayari sa Batangas, alam niyang mas maigi na may alam siya at makakapaghanda siya.

The day goes like a normal day. People laughing. Some are even drinking. I think sa lahat ng taong nasa ground floor, si China lang ang pinaka stressed sa nangyayari.

Why? Konti nalang ang pagkain nila. May pinapunta na siya kanina pa para sunduin si Manang Silva peri maging ito ay hindi na nakabalik pa.

And then gabi na. Nagtipon-tipon na ang mga guest sa function hall. Magagandang design ang nilagay ng staff dito na may light show sa labas ng garden para maaliw ang mga guest.

Binuksan na ni China ang pintuan ng hall kung saan pumasok ang guest na nakasuot ng magagarbong kasuotan. Namangha sila at natuwa sa ganda ng itsura ng hall. Ang mga bata ay masayang tumakbo papunta sa gitna ng hall kung saan pinaglaruan nila ang usok na nanggagaling sa fog machine.

China and the crew left everything open. Inasikaso ng crew ang pagkain ng guests while ang ilang interns ay naatasang kumanta sa unahan upang i-lead ang buong party.

Umikot sa buong hall si China, asking if everyone is having a good night. Masaya niyang nginingitian ang lahat ng magpapasalamat sa kanya dahil sa magandang experience na binibigay ng resort sa kanilang mga guests. Deep down, China wasn't happy at all. Kinakabahan siya. Bukas, half of resorts guest will checkout. Hindi niya ma-contact ang mga drivers nila outside resort just like Manang Silva.

The female intern started singing a trot song. May ilang mga guest na ang tumayo upang sumayaw sa gitna. Ang isang matandang guest ay hinila si China upang isayaw ito.

"Good evening, Rita."

Tumango lamang na may kasamang ngiti si Rita nang binati siya ni Christina pagkabukas ng pinto. Pumasok siya sa loob ng silid at doon ay nakita niya ang ilang guests na nagsisimula nang mag-usap usap tungkol sa posibleng nangyayari sa Batangas.

Christina tap the chair beside her, giving Rita the signal to sit beside her since wala namang ibang nakaupo doon. "Um-attend ka ba sa party?" Bulong na tanong niya kay Rita pagkaupo nito.

"I can't. Baka hindi na ako makalabas doon." Pabalik na bulong ni Rita. Tumawa naman ng mahina si Christina kaya napatawa na rin si Rita.

Tumayo ang hindi gaanong matanda na  lalaking naka white na longsleeve na sa tingin ni Rita ay aattend sana sa party pero naisip nalang na dito pumunta. "Narinig ko sa isa sa mga staff na hindi pa dumarating ang panibagong supply ng groceries ng resort. Nagsimula itong ma-delay pagkatapos noong nangyari 3 days ago." He coughed after he relayed his opinion.

May lumabas na dalagang babae sa isang silid ng room na nagtungo sa terrace. May suot itong earphone habang may tinitignan sa cellphone.

"Hindi kaya under war na tayo? You know, may conflict na tayo sa ibang countries eh." Tugon ng lalaking payat na medyo bata pa at may suot itong salamin.

"We are so getting out of this island tomorrow." Maarteng sabi nung babaeng may makikintab na accessories sa leeg at tenga. Rita thinks she's a celebrity. "Kung ako sa inyo, aalis na din ako bukas."

Rita wanted to say something. Gusto niyang sabihin na dapat muna nilang komprontahin ang supervisor ng resort dahil ito ang may responsibilidad sa mga guest ng resort. She wants peace of mind more than panicking. At this point, gusto na niyang maiyak.

Magsasalita sana siya nang biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng silid. Pumasok sa loob ng silid ang dalagang babae at sinabing nawalan din ng ilaw sa ibaba ng hotel. It means hindi lang kwarto nila ang walang kuryente kundi pati ang buong resort. Or buong island.

Rita is about to have a nervous breakdown. May nagpa-panic na kasi sa loob ng silid kung nasaan siya. Nang hindi niya na ito matiis ay dali-dali nalang siyang tumayo at lumabas ng silid. Nagpatuloy siyang naglakad sa madilim na hallway.

Sumikip at bumilis ang paghinga niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa mainit ang hallway o dahil natatakot siya. Tumakbo nalang siya papunta sa fire exit paakyat sa fourth floor. Agad siyang pumasok sa silid niya at humiga sa kama upang umiyak at ilabas ang kanina pang takot na pinipigilan niya.

The last thing she heard bago siya makatulog ay ang matinis na sigaw ng isang babae sa labas ng room niya. She didn't care anymore. She just wants to sleep and wake up to a normal place.








Zombie Outbreak Where stories live. Discover now