19: And Then We Gasped

177 8 0
                                    

Maggie POV

"Sophie!"

Napalingon ako sa likod nang bigla kong narinig ang boses ni Chixie na sumisigaw. Tinatawag niya yung pangalan ni Sophie.

Pagkatapos ng nangyari kanina sa daanan, napagdesisyunan namin ni Terrence na mas better na bukas na tumuloy sa lakad. Wala kasing malay si Sophie at baka wala kaming makitang maayos na lugar na matutulugan. Luckily, nakita namin itong school mula sa kalsada.

Kinalabit ko si Terrence na katabi ko. "Narinig niyo ba yun?"

Hindi ko kasi alam kung totoo ang narinig ko. Last time I checked, walang malay si Chixie sa isang classroom sa second floor. Iniwan namin siya kasama ni Mary at Amy.

Umiling siya.

Hmmm. Weird.

Bumalik ako ulit sa position ko. Pilit kasing hinaharangan nila Mico ang gate dahil sobrang dami ng walkers sa labas na tumutulak dito. Buti nalang gawa sa bakal ang gate.

Sa pag-focus ko dito sa tabi nila Terrence, narinig ko nalang bigla na may tumatawag sa amin mula sa itaas. Lumingon kami at nakita namin si Mary. She kept saying something pero hindi ko ito maintindihan dahil bigla nalang humina ang pandinig ko. Every muscle sa katawan ko parang nanlambot.

Nakita ko si Terrence na tumakbo papasok sa isang maliit na espasyo sa gilid ng building. Sinundan ito ni Mary na medyo taranta ang itsura. Sumunod na din ako sa kanila at naiwan lang sa ground si Mang Jose.

Pagpasok ko ay nasikipan ako sa daan. Pagdating sa dulo ay may mga halaman. Naabutan kong paakyat si Mary kaya sumabay na ako sa pag-akyat. Sumabit pa nga ang soot kong pantalon sa pagbaba ko at nabutas ang tela sa bandang kanan na binti ko. Napaaray ako pagbaba at napatingin sa binti ko. Doon ko nakita na may dugong lumalabas sa nabutas na pants at medyo malaki ito.

Mary heard me and she was about to help me pero pinigilan ko siya. "Huwag. Puntahan niyo si Chixie, dali!" Sigaw ko.

She tried to hesitate pero siguro naisip niya na tama ako, so tumakbo na siya kung saan pumunta si Terrence. Naiwan lang ako dito sa tabi ng fence, nakaupo sa lupa.

I was bleeding too much. Para mapigilan ko yung paglabas ng dugo mula sa sugat ko, pinunit ko na yung tela mula sa nasirang parte. Itinali ko ito sa may sugat. It stopped bleeding.

Sinubukan kong hindi sumigaw noong tumayo ako ng dahan-dahan. God, it hurts so bad!

"Sophie!"

Sinundan ko ang sigaw ni Chixie at dinala ako nito kanila Terrence at Mary na nakatayo at nakatitig sa matataas na damo. Para siyang 6ft tall na grass.

"Bakit kayo nakatayo lang dito?" Takang tanong ko.

"Masyadong mataas ang damo."

Inirapan ko silang dalawa. Ako na ang naunang pumasok habang sila ay nakasunod sa akin. Tama sila. Mataas ang damo. Pagpasok naman medyo nawala agad ako sa direksyon at ang ending, bumalik kami sa pinasukan namin.

I gasped. Hindi magiging madali ito.

Pumasok kami ulit, ako ang una. Diretso lang kami. I stopped kasi sa tingin ko nakakalayo na kami. I tried to look back pero hindi ko na alam kung saan kami galing.

*Weak growling*

Nagtitigan kaming tatlo. Hindi kami gumagalaw. And then we heard movements, lot's of it.

We ran as far as we can. And then we reached another fence. Iba ito sa fence kanina. Pumwesto si Terrence sa tabi ng fence samantalang ako naman ay nagmamasid sa damuhan. Si Mary naman ay pumatong sa fence at inangat ang baril patutok sa kung ano ang gumagalaw sa damuhan.

"Nakikita ko na!" Mahinang sabi ni Mary.

Lumingon lingon ako. Naghahantay ako ng walker na biglang tatalon sa akin pero wala. Patuloy lang ang ingay na nanggagaling sa damuhan.

Sa paglingon ko sa bandang kaliwa, may nakita akong puting tela at akala ko ay si Chixie iyon kaya pinuntahan ko. Hinawi ko ang mga damo papasok sa damuhan. Ilang saglit pa ay nakita ko na ang likod ng may suot ng puting tela sabay hila ko dito papunta kung saan ko iniwan sila Terrence.

"Ano bang ginagawa mo?!" Medyo tumaas ang boses ko nang kausapin ko si Chixie.

Parang wala siya sa sarili. Basa ang mga mata niya, kung saan saan tumitingin ang mga mata niya, nanginginig. I knew this will happen. I knew it.

Umusog kaming dalawa padikit sa fence. I let her stand by my side and do nothing because she's in shock. I raised both of my arms to prepare to fight. Mahigpit ang hawak ko sa mahabang baril ko at itinutok ko ito sa damuhan.

Palakas nang palakas yung kaluskos. Alam naming papalapit ito sa amin dahil sa nag iiba na ang tunog nito. May growls na kasama.

Ilang saglit pa, may lumabas sa damuhan. Isang aso. Yellow askal. Natawa pa ako dahil sabay sabay kaming tatlo na napa gasped pag-uwang ng mga damo.

Bumaba sa fence si Mary. Lumapit naman sa aso si Terrence. Humarap naman ako kay Chixie para yakapin siya. Naluha pa ako dahil naalala ko yung mga pinagdaanan namin noong simula pa lang.

"Huwag mo nga ako iwanan." Naiiyak kong sabi sa kanya habang nakayakap.

Hindi siya nagsalita. Yumakap lang din siya at hinigpitan niya ito. We stayed like that for a minute tapos bigla kaming nagulat nang makarinig kami ng putok mula sa gilid namin kung nasaan ang kalsada. Dumapa kaming apat at hindi gumawa ng ingay. Yakap ni Terrence ang aso at takip nito ang bunganga.

*Continues gunshots*

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mary at gumapang siya papunta sa gilid mismo ng kalsada. Hindi kami gumaya sa kanya.

Nakarinig kami ng mga sigaw. May narinig din kaming batang umiiyak. Wala sa katinuang tumayo si Chixie kaya tumayo na din ako. Pinilit ko siyang pinaupo pero nagpumilit siyang tumayo. Nagsimula na naman siyang umiyak habang may tinitignan sa unahan.

Sinundan ko ang tingin at doon ko nakita ang ilang mga tao na tumatakbo palayo habang ang ilan ay tumigil para bumaril sa pinanggalingan nila. Is it walkers?

We were just staring when one of them, one who has dark brown skin and wearing a color red scarf sa ulo ang lumingon sa amin. Mukhang gulat siya na may tao dito sa damuhan.

Kakawayan ko sana nang bigla siyang sumigaw. "Tumakbo na kayo! May mga sundalo!"

That's when we realized, we have to hide. I quickly grabbed Chixie at saka tumakbo. I almost forgot na wounded ako. I mean, hindi ko siya nararamdaman kanina. Now ko lang naramdaman nang bigla akong natumba noong sinubukan kong tumakbo.

Chixie and Terrence dragged me away. I told them wala pa si Mary pero hindi sila nakikinig.

I don't know how we got inside the fence kasi hindi naman nila ako binuhat. Nakapikit lang ako the whole time and pinigilan ang pagsigaw dahil sa sakit. Nang dumilat ako nasa loob na kami ng isang silid dito sa ibaba.

"Si Mary?!" I heard one of them saying. Hindi ko kilala kung sino dahil I was getting dizzy. Halos hindi ko na nga sila marinig dahil hinang hina na ako.

I tried my best to raise my head. "I.. I told you so.."

Then there was this silence. Hindi ko alam ba't sila natahimik. Basta tumagal ito ng I think 5 seconds?

"Nawalan siya ng dugo. Kailangan natin ..."

I heard screams. Ewan. Hindi ko na sila binigyan pa ng atensyon dahil bumibigat na ang mga mata ko. Nag give in nalang ako sa feeling ng antok.




Zombie Outbreak Where stories live. Discover now