06: One Morning

358 16 0
                                    

Chixie POV

Gumising ako kinabukasan. Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako or ano. Ganoon pa din. May mga infected pa din sa labas. Nandito kami sa loob at nagtatago.

Bumangon ako at lumabas upang maghilamos sa malaking drum kung saan kumukuha ang lahat ng tubig. Halos wala na kaming pake kung malinis ba ang tubig na iniinum namin. Ang mahalaga ay ang makainom kami at makaligo.

Tumingin ako sa kanan ko dahil palapit sa akin yung binatang lalaki kagabi na si Jacob. "Kamusta po ang tulog?" Tanong niya.

Ngumiti ako ng pilit habang patuloy na lumakad pabalik sa tent. "Hindi ko alam. Lahat naman ata tayo dito hindi maayos ang tulog, diba?"

Pumasok ako saglit sa tent at kinuha ang jacket ko dahil malamig. Masyadong malamig dito sa camp siguro dahil na din sa nasa itaas ito kaya ganoon. Umubo siya pagkalabas ko. Alam kong may itatanong pa siya kaya naman huminto ako at tumingin sa kanya.

"Hindi pa po bumabalik sila Kuya Tris. Konti lang po ang mga nagbabantay sa atin ngayon." Mahinang sabi niya. Tinitigan ko siya ng maigi at nakita kong natatakot siya. Anong kinakatakot niya? May mga sundalo naman kami dito.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang bewang ko. "Hindi ka ba sundalo?" Tanong ko.

Umiling naman siya. "Galing kami sa Airport ni Mama at ng kapatid ko nang magkaroon ng infected. Mabuti nalang at nakalabas pa kami ng buhay doon sa Airport."

Mahirap sigurong maipit sa Airport noong nagkaroon ng infection. Masyadong maraming tao. Magulo. Mabuti na lamang at nasa trabaho ako noong mangyari ang lahat.

Kamusta na kaya ang mga katrabaho ko? Kung hindi siguro ako umalis noon ay hindi ko makakasama ang anak ko. Hindi ko alam kung mabubuhay ba silang dalawa ni Ma'am Kaye sa school.

Umubo siya ulit kaya napatigil ako sa pag alala ng mga nangyari. "Pinuntahan ba nila yung kabilang grupo kanina?" Tanong ko.

Tumango siya. "Ang sabi niya eh babalik sila kaagad pero hanggang ngayon ay wala pa din sila."

Umubo siya ulit at ngayon ay may kasama na itong pagbahing. Umurong ako ng kaunti dahil muntik na akong mahagip ng laway niya.

*Coughing*

Inilibot ko ang paningin ko. Halos lahat ng mga tao dito sa Camp ay nag uubo at bumabahing. Sa kaliwa. Kanan. Kahit saan ka lumingon may umuubo.

Tinakpan ko na ang bunganga ko pati ang ilong. Anong nangyayari?

Mukha namang nagtaka siya sa akin dahil nagtakip ako ng ilong at bibig. "Bakit Ate Chixie?"

I stayed silent for a second. Tumalikod ako sa kanya at tinignan ulit ang mga tao. Most of the people are coughing. Hindi ba ito kasama doon sa sign and symptoms ng virus?

If I'm not mistaken, isa sa cardinal signs ang cough. Kahit ano pang sakit iyan, cough is always there. Natutunan ko iyan once noong nag reunion kami ng highschool friends ko na nag nursing. Sinilip ko lang kasi yung notes niya sa bag atribida ako eh.

*Coughing*

Humarap na ako sa kanya. Umubo siya ulet and this time, tinakpan ko na ang ilong at bibig ko.

"Hindi mo ba napapansin?" Malakas kong tanong. Mukhang narinig nung iba sa likod ko ang boses ko kaya napatingin sila sa amin. Medyo namula naman ako sa hiya.

He shrugged. "Hindi ko po maintindihan."

Lumayo pa ako sa kanya ng kaunti bago magsalita. I have to be safe for my daughter.

"Hindi normal na lahat kayo ay umuubo ngayon."

Hindi siya nagsalita. Pinakinggan niya lang ako na magpaliwanag sa kanya. May mga lumapit sa amin na nakinig din at nangamba sila na baka totoo ang sinasabi ko. Some of them started to cover their faces using their clothes and hands.

Pero teka. They should've know this. May nurse sa subdivision eh. Kung hindi ako nagkakamali ay si Shiela iyon na kakagradruate palang. Nakikain pa ako sa handa ng pamilya niya last year.

"Hindi po ba nasabi ni Shiela sa inyo ang tungkol dito?" Tanong ko.

Nagtinginan naman ang mga kapitbahay ko. Anong meron?

"Wala si Shiela sa bahay nila nung nangyari ang evacuation." Sabi ni Felie, isa sa mga kapitbahay ko.

Medyo nalungkot naman ako. Isa siya sa mga hindi nakaligtas sa virus. No. Hindi ko alam kung patay na ba talaga siya or not. Nanghuhula nalang ako. Who knows? Baka nakaligtas siya somewhere just like us.

I brushed my hair up. "You see, kailangan natin ihiwalay yung may sakit sa wala. Kailangan natin ng mga gamot. Antibiotic. For phlegm."

"Pwede natin ilipat yung mga taong may sakit sa kanan at sa kaliwa yung wala." Suwestyon ni Jacob.

So we did what he suggested. Most of the people are sick at bilang lang ang walang sakit. Nilipat ko ang tent namin sa pinaka malayo para hindi kami malapit sa mga kasamahan namin. I asked Ms. Kaye to not go out of the tent and as much as possible huwag lalapit sa mga tao sa labas.

I have no choice but to help this people. Ako, si Kurt, yung dalawang sundalo, at si Felie. We asked people who are experiencing flu symptoms to move on the left side and those who are fine on the right. Nakakuha kami ng ilang malaking tents at itinayo namin ito para sa mga may sakit.

I was fixing the side of the tent nang may kumalabit sa akin. Humarap ako at nakilala ko naman ito. Si Kuya Terrence, kapitbahay namin na laging umiinom at kumakanta sa kalsada.

Pinagpag ko sa hita ko ang mga kamay ko at kinausap siya. "Ano po iyon?" Tanong ko.

"Gusto ko sana tumulong." Nahihiya niyang sabi sa akin.

Nginitian ko naman siya. I checked first if he's sick pero wala naman kaya I asked him to come with me sa loob ng tent aside sa tent ng mga may sakit. Naabutan namin sa loob si Kurt at si Felie.

"Anong meron?" Tanong ni Felie.

"Wala tayong marunong sa panggagamot dito diba?" Tanong ni Kuya Terrence.

I nodded. Nagkibit balikat si Kurt habang nakikinig sa amin.

"May.. may medicine books ako sa bahay. If okay lang sa inyo, ako na ang mangunguna sa panggagamot."

Natahimik kaming tatlo. Parehas ata ang nasa isipan naming tatlo ngayon. Si Kuya Terrence? Yung manginginom sa subdivision namin? Manggagamot? How?

Binasag ni Felie ang katahimikan namin at nasamid. "Teka. Ikaw? Alam mo ba yung mga ginagawa ng doctor at nurse?" Tanong niya kay Kuya Terrence.

Hindi siya agad agad sumagot. Natahimik siya at yumuko. Sinenyasan ko si Felie kung seryoso ba si Kuya Terrence sa sinasabi niya at ewan daw. Nagtanong din ako kay Kurt kung may alam siya pero he just shrugged.

Kakalabitin ko sana siya pero bigla siyang bumalik ng tingin sa amin. Binalik ko nalang ang kamay ko sa mga bulsa ko at nakinig sa kanya.

"Isa akong... isa akong student ng nursing dati."

WHAT?





Zombie Outbreak Où les histoires vivent. Découvrez maintenant