04: Spiked

80 2 0
                                    

Sitting on a couch, drinking vodka, nakikinig lang sa mga sigaw sa labas ng hallway si China. She's trembling out of fear and anxiety. Ayaw niyang tumulong sa mga guests dahil ayaw niya pang mamatay.

Pagkatapos ng mga nasaksihan niya kanina, agad siyang nagtungo sa kwarto niya sa ika-tatlong palapag. Binuksan niya ang mga bintana at ni-lock ang pinto. Kumuha siya ng isang bote ng vodka at saka ito tinungga habang may mga luha na kusa na lamang pumapatak galing sa mata niya.

It's been a while since the last time she had alcohol. Nag-wwithdrawal kasi siya galing sa last addiction niya. Itong trabaho lang na ito ang tumanggap sa kanya kapalit ng pagtigil niya sa pag-inom ng alak. She's been successful tho. Kaso lang, hindi niya alam kung worth it pa ba ang pagtigil ngayong magugunaw na ang mundo.

*Gunshot*

Napakislot siya nang makarinig siya ng putok ng baril. Hindi nito natigil ang pag-inom niya ngunit sinimulan naman nito ang walang tigil na pag-iyak niya.

"Ayoko pa mamatay. Ayoko pa mamatay. Ayoko pa mamatay. Ayoko pa mamatay." Paulit-ulit na sabi niya habang yakap yakap ang mga binti matapos bitawan ang bote ng vodka.

She heard screams and then she also screamed. "Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na."

And then she started hearing someone banging at her door begging for help. Tumigil na siya sa pag-iyak. Agad siyang tumakbo papasok sa isang matangkad na Cabinet sa gilid ng TV niya at doon nagtago.

Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kwarto niya kasunod ang boses ng isang babaeng hinihingal. "Wala siya dito."

"Isarado mo ang pintuan." Hindi niya makilala ang boses ng dalawang pumasok pero alam niyang babae at lalaki iyon.

Biglang tumahimik ang silid. Nakiramdam si China kung ano na ang nangyayari sa loob ng room niya. Sa pagkainip niya ay naisipan niyang sumilip. Binuksan niya ng maliit ang pintuan ng cabinet para sumilip dito. Nagulat na lamang siya nang sa pagsilip niya ay may mukhang bumungad sa kanya na nakasilip din sa kanya.

Tuluyan nang bumukas ang pintuan ng cabinet dahil sa marahas ng paghila dito ng tao sa labas. Kahit na takot na takot siya ay sinubukan niya itong isarado ngunit hindi niya kaya dahil mahigpit ang pagkakapigil dito ng nasa labas.

Napasigaw si China habang hinihila pabalik ang pintuan. Hindi ito binibitawan ng taong humahawak. Sa isip-isip ni China, papatayin siya ng mga ito.

Napatigil siya sa paggalaw nang biglang nagsalita ang isa sa mga taong pumasok sa silid. "Ma'am China?"

Agad na tumingala si China at nakita niya ang mukha ng dalawa niyang intern na si Angel at Manuel. Masaya niya sana itong babatiin kaso ay bigla niyang nakita ang mga dugo nito sa dati. Natakot siya na baka magiging kagaya na din ito nung mga patay kanina sa restaurant. Mga zombies.

"Lumayo kayo sakin! M-mga halimaw! Zombies! Waaah!"

The two stood frozen. Hindi sila makapaniwala na ang kahapon lang na prim and proper na Ms. China ay parang wala na sa katinuan. Her hair looked messy and dirty.

Napansin ni Angel ang tingin sa kanya ni China kaya sinuri niya ang kanyang sarili at doon niya nalaman na natatakot ito sa kanya dahil sa suot nitong may marka ng dugo. Lumayo ito kay China upang bigyan siya ng reassurance na hindi nila ito sasaktan. Ginaya naman siya ni Manuel.

"Ms. China? Kami ito. Mga interns mo." Nagagalak na sabi ni Manuel.

Nanginginig naman habang nakatingin si China kay Manuel. She's wondering what had happened downstairs that made them looked like shits.

They heard screams outside the hall. Natahimik lamang sila habang pinakikinggan ito. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang mga sigaw. Agad na gumapang si China papunta sa pinto upang iharang ang sarili niya.

Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon