03: Gwen

117 9 0
                                    

On the night of the outbreak, Oscar was left in the restaurant with Katie's friend, Gwen. Medyo may tama na si Gwen dahil sa mga ininom niya ngunit hindi ito nagpapigil sa pag-inom.

Patingin-tingin naman sa loob ng restaurant si Oscar. Inaalala ang bakas ng nakaraan bago magkaroon ng virus. Iniisip niya at inaalala kung ano ang itsura ng restaurant noon. Restaurant ba ito dati o ibang establishimento. Mukha kasing bago ang magarbong desenyo ng pader at mga kagamitan. Ang tanging naiiba lang dito ay ang mga ilaw na imbis na bumbilya ay mga lampara ang nakasabit.

"Nasabi ba sayo ni Katie?" Medyo tunog lasing na tanong ni Gwen kay Oscar.

Natigil si Oscar sa pag observe ng paligid at ininom ang natitirang alak sa baso. "Ang alin?"

"Namimiss niya ang pamilya niya."

"Lahat naman tayo nakakaramdam niyan."

The fall has been hard for him. That day, nasa labas ang mga magulang niya kasama ang mga kapatid niya. Siya lamang ang naiwan sa bahay dahil may sakit ito. Nalaman niya na lamang ang nangyari nang magkagulo na sa street niya at may mga infected sa labas. He was stuck alone inside the house for almost a day. Kinabukasan niya lamang nalaman na sarado na ang mga daan palabas ng City nila at wala nang balak pang mabuksan ito kahit kailanman.

He was forced to move out of their house. Masyado kasing maraming infected sa barangay nila kaya naisipan ng mga sundalo na iligtas na lamang ang mga masuwerteng naninirahan malapit sa highway. Isa siya sa masuwerteng iyon.

Mula noon, naging ganap na siyang matanda. At dahil nawala na ang paaralan, naging manggagawa na lamang siya. Nailagay siya ng mga sundalo at bagong gobyerno sa unibersidad ng District nila kung saan pinag-aaralan nila ang virus at kung may lunas ba ito. Up until now, hindi pa nila tukoy kung ano nga ba ang virus at kung paano ito malulunasan.

"Iba yung kanya. More on malungkot siya."

Oscar got quite. He knew what she was talking about. Ilang araw na kasing wala sa sarili si Katie. Lutang at balisa araw-araw. One time, he asked her kung anong bagay sa kanyang kulay at ang sagot lamang sa kanya ay: "Kahit anong kulay basta yellow."  He got scared.

Biglang tumayo si Gwen at akmang lalakad papunta sa likod niya kung nasaan ang pintuan palabas ng Restaurant. Pinigilan siya sa braso ni Oscar. "Saan ka pupunta?"

Hinila naman si Gwen ang braso niya upang kumawala, at nagsalita nang may bahid ng pagkalasing. "Chill ka lang. Ako, uutot lang ako. Bawal umutot dito, okay?"

Sumenyas siya kay Oscar ng 'Okay' at binalik naman ito ni Oscar nang may pagpipigil ng hagikgik. Pinagmasdan niya na lamang si Gwen na lumakad palabas habang gumigewang. Bago siya makalabas ay napansin niyang may nasagi siyang nakatayo sa may pinto ngunit hinayaan niya lang ito at nagpatuloy sa paglabas. He called for another bottle of beer at naghintay habang iniisip ang mga nangyari noong nagdaang mga araw.

Sa labas naman ay napahawak si Gwen sa poste na hindi gumagana dahil medyo nahihilo siya dala ng kalasingan. Naparami siya ng inom kanina dahil sa alitan nila ng nobyo niyang sundalo. Paano ba naman kasi ay balak siyang palipatin ng nobyo niya sa District 3 kung nasaan ang bagong sentro at metro ng northern cities. She asked why pero walang magandang sagot ang nasabi ng kanyang nobyo. Medyo mainit pa nga ang ulo nito na para bang gustong agaran siyang lumipat sa distrito.

Someone approached her, a colleague from her civilian soldier job. Inabutan siya ng bottled water na agad niya naman tinanggap at ininom. She thanked him after she drank the water.

She was about to ask him nang mahagip ng mata niya ang isang lalaking medyo namumukhaan niya pero impossible dahil ang alam niya ay umuwi na ito. Kinusot kusot niya ang mga mata niya upang malaman na talagang totoo ang nakikita niya at hindi dala lamang ng pagkalasing niya. Sinundan niya ng tingin ang lalaki na pumasok sa isang establisimyento na kung saan may mga nagpapahingang mga matatanda at ilang kabataan pumupunta upang aliwin sila.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now