17: Highway

186 15 2
                                    

Chixie POV

It was like I forgot how to breathe for a minute. Para akong iniwan ng kaluluwa ko. Natauhan nalang ako nang may tumumba na walker sa tabi ko at may kamay na nakaabot sa akin. It's Mary.

"Punasan mo ang luha mo." Sabi niya.

Hindi ko alam na umiyak pala ako. Pinunasan ko ito pagkatayo at saka tiningnan ulit ang paligid. Ilang walkers ang palapit sa amin.

Nagulat ako nang biglang lumabas sa gilid ko si Ms. Kaye. She gave me a gun. "I'm sorry, Chixie. Tumakbo siya papunta doon sa gilid. Sinundan siya ng mama ni Jacob."

Hindi na ako nag-aksaya ng oras para makinig sa kanya. Tumakbo na ako papunta sa likod ng bus. Binaril ko lang ang mga walkers na palapit sa akin. Pagdating ko sa gilid ay tumalon ako dahil may harang tapos ay tumakbo pababa sa mga puno.

Sumigaw ako. "Sophie!!"

Pagkababa ko ay may mga walkers na napunta sa akin ang atensyon. Hindi ko napatay ang iba. Iniwasan ko lang ang mga ito at saka tumakbo papasok sa loob ng isang gubat.

I stopped for a second nang makarinig ako ng sigaw. It's not from Sophie. Malaki ang boses at babae. I followed the sound and it lead me to Jacob's Mother na ngayon ay nakahiga sa lupa, may dalawang walker ang nasa tabi niya. One is savoring her stomach, and the other one is on her legs.

She's screaming in pain. Napaatras ako. Where's Sophie?

Mukhang napansin niya ako na nakatingin sa kanya. She begged me to kill her. "Chixie! Maawa ka, ayoko maging kagaya nila!"

I don't know if I can do this. Sinubukan kong itutok sa kanya ang baril mula sa malayo. Nanginginig ang mga kamay ko habang parehas na nakahawak sa baril. Matagal akong nakahawak bago ko naiputok ang baril. Nabitawan ko ito sabay napaupo sa lupa habang nakatingin sa mama ni Jacob.

I did it. I can't believe I did it. Umaagos na ang dugo sa butas na gawa ko sa gilid ng ulo ng mama ni Jacob.

But why am I crying? I can feal my tears absentmindedly falling down on my cheeks. Pinunasan ko lang ito gamit ang madumi kong kamay.

I heard another scream. This time, maliit na boses ng isang babae mula sa hindi kalayuan. Si Sophie iyon. I know it's her.

I ran as fast as I can crying. Ayokong mahuli ng dating at abutan siyang kagaya ng mama ni Jacob. Sa pagtakbo ko ay hindi ko namalayan na may malaking bato pala na nakaharang sa lupa, dumausdos ako nang mapatid ako.

I think I broke my arm. Tumagilid kasi ako pagbagsak ko at kaliwang kamay ko ang una sa pagbagsak. Sinubukan kong gamitin ito para tumayo pero pag stretch ko palang ay napahiyaw na ako sa sakit.

Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw ni Sophie na hanggang ngayon ay hindi parin tapos. Sa inis ko sa sarili ko dahil hindi ako makatayo ay napahampas ako sa lupa.

Kailangan ako ni Sophie.

Ginamit ako ang kanang kamay ko sa pagtayo. I heard footsteps behind me at doon nakita ko si Ms. Kaye at Mary na magkasunod na lumapit sa akin. Each of them have blood stains sa mga damit nila.

"Nasaan si Sophie?" Agad na tanong sa akin ni Mary.

Natauhan nalang siya nang marinig niya din ang sigaw ni Sophie. Nauna na siyang tumakbo papunta doon samantalang si Ms. Kaye ay tinulungan akong itayo. Madumi ako ngayon pero wala na akong oras pa para magpagpag, tumakbo na ako at inalalayan lang ako ni Ms. Kaye sa pagtakbo ko.

The other end of the wood is getting brighter. May bahay ang natanaw sa dulo. Nakita ko si Mary na nakatayo lang sa dulo, she turned to me, and I can see on her face the sadness that I understand what it means.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now