14: Snapped

240 13 7
                                    

Maggie POV

"Ano?"

I can't believe this is happening. Us? Papatayin ng mga militar? Tama ba ang pagkakaintindi ko?

Hindi ko namalayan na nabitawan ko na ang hawak kong baril sa lupa. Nanginginig ako. Ito ako kapag natatakot. The usual sign of anxiety na nararanasan din ng iba.

Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa kamay ko at pagtingin ko ay kamay ito ni Sophie. She's trying to fake a smile para lang mapagaan niya ang loob ko. But it's not working.

"Militar na po ang may hawak ng bansa ngayon. Mayroon na silang lugar na pinoprotektahan kaya ang mga natitirang lugar na nag overrun ay sasailalim na sa extermination."

I can't breathe. Kailangan ko ng hangin. Guns. Blood. Bodies. Hindi nakakatulong ang mga nakikita ko ngayon sa paligid ko.

Lumayo ako sa kanila. Sa paglayo ko ay bigla akong napahinto nang may isa walker ang mabilis na naglalakad patungo sa akin. I tried to grab my gun pero wala akong makapa. I forgot na nabitawan ko siya kanina.

I screamed but was cut short dahil bumagsak ako sa lupa habang nakadagan sa akin ang walker. Mabigat ito. Pilit niya akong inaabot gamit ang bibig niya habang ako naman ay pilit na inilalayo ang ulo niya sa akin.

"Ms. Kaye!"

I stretched my arms as wide as I can. Sinubukan kong umabot ng kahit anong pwede kong ipampatay dito sa walker kasi wala akong makapa.

Sigaw lang ako nang sigaw. I'm dying. Ito na iyon. Nanlalambot na ang kamay ko ang the minute I let go, I'm dead. I know I am.

I just closed my eyes and let go of the walker. The numbness of my hands disappeared and I can hear the walkers' voice getting near.

As I was about to hold my breath, biglang tumahimik ang walker at nawala ang bigat na dumadagan sa akin kanina. Dumilat ako at doon ko nakita ang walker sa gilid ko na nakaharap sa akin at hindi na gumagalaw. I saw Chixie wiping her knife on her pants dahil may stains ito ng blood galing sa walker na nakadagan sa akin.

Nagsimula na akong umiyak. Walang masakit sa akin. Wala akong nararamdaman na kahit ano. Buhay ako. I fucking made it!

Humiga lang ako ng isang minuto. Hinayaan lang nila ako na ganun hanggang sa tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko.

I can't be like this. Masyado akong emotional. Paranoid. Kinakain ako ng stress masyado. Ayokong mamatay ng dahil sa stress. Nakakahiya. Hindi ako namatay dahil sa virus pero namatay dahil sa stress? Ugh!

"Okay ka lang?" Agad na tanong sa akin ni Kuya Terrence paglapit niya.

Hindi ko alam. Hindi okay ang lahat ng nangyayari ngayon. Yesterday, okay naman kami. Tapos ngayon, hindi? Are you fucking kidding me?

I just faked a smile on him. Masyado akong punong puno ng emotion ngayon and anytime pwede akong sumabog. Hindi ko gusto sumabog ngayon. Wala sa lugar at sobrang problemado ang lahat. Wala sa plano ngayon ang pag iyak. Maybe later.

As soon as I'm done cleaning myself, nagsalita ako. "Umalis na tayo dito."

"Saan naman tayo pupunta?"

Outside. Sa kalaban na lugar. Kung saan may tao. Anywhere but here. Ayoko na dito. I'm so done with this place!

"Kailangan natin lumayo dito. Malayo sa Batangas at sa Manila." Sabi ni Chixie.

I just rolled my eyes secretly. Of course, we have to stay away from here. Ito ang isa sa target ng militar ngayon. They somehow turned their backs on us na akala mo hindi nila kadugo. Shame on them.

"Cabanatuan." Mahina kong sabi habang nakayuko.

I wasn't expecting them to hear me dahil maingay yung gate dahil sa mga walkers sa labas. I was hoping not to be heard kaso narinig nila ako. "Huh? Bakit?"

I'm shy enough to speak up right now. Ano nga ba ang nasa Cabanatuan? Bakit sa dinami-dami ng lugar eh iyon ang pumasok sa isipan ko?

"Nandoon.. nandoon ang parents ko."

Yes. Doon ang birth place ko. I think they are alive. Hoping. I mean, impossible naman na magkaroon ng zombie ang buong Luzon. Isang Linggo palang ang nakakalipas. I'm sure hindi pa ganoon kalala ang sitwasyon sa mga City ngayon.

Um-oo nalang sila. What can they do? Gusto nila lumayo, edi sa probinsya tayo. Malayo sa mataong lugar.

Sumakay na lang kami ng truck kung saan kami lumapit kanina. Si Kuya Terrence ang driver at kasama niya sa unahan si Chixie at Sophie. Meanwhile, nandito ako sa likod kasama si Jacob, ang Mama ni Jacob, mga kapitbahay ni Chixie na sina Mang Jose, Amy, Sam, Mary, Eva, Charisse, Mico, Aling Dalia, Kuya Robert, at iyong militar na natira.

I don't like him. NO. I hate military people. Hindi sila mapagkakatiwalaan. Screw them!

Sarado pa rin ang gate kaya someone has to go and open it para makaalis. I was staring at this Military Guy na ngayon eh parang gusto niya pa kami ang magbukas. Nakaupo siya na sobrang komportable.

Nilagay ko na ang mga kamay ko sa bewang at tinitigan siya. Mukha naman nakaramdam siya at napatingin sa amin. Wala na siyang nagawa kundi mapakamot nalang ng ulo at bumaba para buksan ang gate.

The truck started moving. Rinig namin ang kalabog ng gate kasabay ng ingay ng  mga walkers na hindi magkamayaw sa pagpasok.

I remember a scene from yesterday. Kung paano gumalaw ang mga militar kahapon. These past few days. They are trash. Screw them.

Wala sa sarili kong nilapitan ang gate sa likod ng truck at sinarado ito. I can feel the stares pointed at me. Wala akong pake. Someone tried to stop me pero sinamaan ko lang sila ng tingin.

Bumagal ang takbo ng truck at biglang sumulpot yung militar. He froze for a minute habang nakatitig sa akin. I gulped. This is the first time I actually killed someone. Well, not really killing since I didn't do it with my own hands. I just... Sinarado ko lang yung way niyo.

There goes the walkers coming out from the sides of the truck. He tried to follow us pero hindi niya magawa dahil kung gagawin niya ito, he'll die. Either way naman he'll die. Why not try?

Nagsquat ako pa-upo. Pinanood ko lang siya habang minumura niya ako. Tumatakbo palayo sa mga Walker na gusto siya kainin.

"Anong ginawa mo.."

Lumingon ako sa nagsalita. It was that girl with a scar on her left brow. Medyo mataba ang mukha pero hindi naman mataba ang katawan. Her name is Charisse.

I stared at her, calmly. "Bakit?"

It's obvious. She's angry at me. Halata sa mukha niya na galit siya sa ginawa ko. Na hindi niya nagustuhan na iniwan ko para mamatay ang militar na iyon.

"Tao iyon! Hindi naman pwedeng hayaan mo na lang siya doon. Binuksan pa man din niya ang gate para sa atin!"

The truck moved very slowly. Medyo nakakalayo na kami sa gate at medyo maalog dahil may mga walkers sa unahan and probably nasagasaan. There's too many of them. We'll be dead if we stayed there until help arrives.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi niya kanina? Ang ginawa ng mga militar? Iniwan nila tayo. Naatasan nilang patayin tayo! What makes you think he's different from the rest of his kind?" I reminded her. Medyo napataas na siguro ang boses ko dahil may ilang walkers mula sa pwetan ng truck ang biglang humarap sa amin at naglakad palapit sa truck.

Natahimik siya. Lahat sila ay natahimik. Makikita mo sa mukha nila na naguguluhan sila sa nangyayari ngayon. Believe me, ako din. I'm about to explode at itong kalmado kong mukha? May tigreng gustong kumawala sa likod niyan.

*Metal clapping*

I think it was Mang Jose. Pinalo niya ang likuran kung saan nakaupo sila Chixie. "Bilisan niyo!"

Medyo gumewang kami nang umandar ng mabilis ang truck. Napaupo ako sa tabi ni Jacob at napahawak sa pwetan ng upuan.

Papalayo ay kita namin ang buong camp na nilalamon ng mga walkers. We heard gunshots from inside and I think it was him. His last reminder that he's inside, about to be killed by zombies.

A tearless goodbye to the place we thought home. Place of the dead.


Zombie Outbreak Where stories live. Discover now