Part 03: Northern Cities

71 2 2
                                    

Dear Papa,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Wala ka sa tabi ko. Hindi ako sanay na mag-isa.

Dalawang linggo na mula nang mabalita sa buong bansa ang pagkakaroon ng malawakang hawaan ng hindi pa matukoy na virus. Mula noon ay nagbago na ang lahat dito sa atin.

Unang nawalan ng kuryente. Akala lamang namin ay normal na brownout lamang ito ngunit ang nangyari ay mas matagal pa. Naguguluhan kami noong araw na iyon dahil nasa eskuwelahan kami noon at nasa flag ceremony. Sinubukan kitang tawagan dahil ang sabi mo ay luluwas ka sa Metro Manila. Hindi ka na bumalik pagkatapos noon.

Sunod na pumasok sa atin ang mga sundalo at iba pang mga doctor. Doon palang ay alam na naming may masamang nangyayari. Sa eskuwelahan sila nanuluyan papa kaya pinauwi na lamang kami ng mga guro. Mula noon ay hindi ko na nakita pa ang loob ng silid aralan namin.

Kumain ka na ba papa? Sana habang binabasa mo ito ay nakakain ka na. Naging mahirap ang pagkain dito sa atin matapos gawing rasyon ng mga sundalo ang pagkain at inumin, pati na rin ang mga gamot. Kada araw ay dumadaan sila dito sa gate ng subdivision natin upang mamahagi ng mga essential. Noong unang linggo ay namatay ang kapitbahay nating si Ate Chona pati ang buong pamilya niya. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkamatay. Ang alam ko lang, gumawa ng plastic at malabong pangharang ang mga sundalo upang hindi namin makita ang nangyayari.

Sa pangatlong araw ay nawalan ng signal at wifi. Akala ko noon ay guguho na ang buhay ko dahil sa kawalan ng supply ng internet. Mali ako. Hindi sa internet umiikot ang buhay natin, sa idea ng pagiging mag-isa lang pala.

Siyempre, dito na papasok si Freddie. Mabait pala ang mestiso nating kapitbahay. Siya ang nag-alis ng pagkabagot ko matapos mawala ang internet. Huwag ka mag-alala papa, wala kaming ginawang malaswa.

Sa gabi-gabi papa ay nakakarinig na kami ng malalakas na ingay. May putok ng baril at mga pagbagsak kaming naririnig. Kinaumagahan, nagulat nalang kami sa mga container na iniharang nila sa kalsada palabas ng lugar natin. Sa tingin ko, mahaba ang nilagay nilang harang dahil hindi ko matanaw ang dulo nito.

Sa ikalawang linggo, doon na nila sinabi sa lahat na may virus daw na kumalat sa buong bansa. Pinabagsak daw nito ang kalahati ng Luzon at ang buong isla ng Visayas at Mindanao. Nalungkot kaming lahat ng sabihin nilang isa sa mga nasawi dahil sa virus na ito ang Presidente at ilan pang sangay ng gobyerno.

Hindi ako naniwala papa. Kasama ni Freddie at ng iba pa, nagmartsa kami papunta sa ginawa nilang harang at doon nila pinatunayan na totoo ang sinasabi nila. Nakita naming lahat kung paano sila magpaputok at ano ang pinaputukan nila.

Tinawag nila itong mga "Infected" pero ang tawag namin nila Freddie dito ay "Biters". Kahawig nila ang mga zombies papa bukod lang sa hindi totoo ang mga zombies. Nangangagat sila, hindi tumitibok ang puso, patay na lumalakad.

Tatlong araw nakakaraan nang mag-bahay-bahay ang mga sundalo. Lahat ay required na magtrabaho kahit ano pa ang edad mo. Ibabase nila ito sa distrito mo.

May anim na district;

District 1, kung saan ako nakatira ngayon ay Alpha 2. Malapit ang community sa daanan papunta  ng district 5 at ang district 3 kung nasaan ang New Metro.

Hindi na masyadong matao dito sa atin. Umalis na ang iba para lumipat sa ibang district at community. Ang Alpha 1 naman ang nasa pinaka bukana ng malaking pader.

District 1 ang isa sa pinanggalingan ng mga manggagawa na pumapatay sa biters at nakakalabas ng gate upang sundin ang misyon na bigay ng Heneral.

District 2, kung nasaan ang community ng Foxtrot 1 and 2. Mababait ang tao doon papa. Sila ang nagpapadala ng mga kahoy na pwede namin magamit biglang siga para sa apoy. Bukod doon, sila ang isa sa pinagkukunan ng lamang dagat ng Northern Cities.

Nakapunta na ako doon papa. Sa ikatlong araw ko bilang manggagawa ng District 1, Alpha 1, naatasan kami ni Freddie at Theo, kaibigan ni Freddie, na pumunta da District 2 upang kunin ang paunang supply ng kahoy. Doon ko nakilala ang mabait na Pinuno nila. Binigyan nila ako ng madaming isda na aabot na ng isang linggo.

District 3, ang pinakasikat na distrito sa lahat. Sa pagkakaalam ko, ang populasyon ng District na ito ay umaabot sa limampung libong katao. Kaya din ito tinaguriang New Metro ay dahil sa panay building sa lugar na ito na naiiba sa lahat. Masyadong madami daw nagkalat na sundalo dito ayon kay Gwen na narinig nya sa boypren niyang sundalo.

District 4, hindi ko alam kung totoo dahil hindi pa sila nagpapadala pero ang sabi sabi ay may mga farm daw dito na nagpapalaki ng mga makakaing hayop. Bukod pa doon, may mga mangingisda din sila na napatotohanan dahil sa pinadala nilang malalaking isda noong bago mag ikalawang linggo matapos ang unang pagkalat ng virus. May tatlo din silang community; November 1, 2, & 3.

District 5, sa Beta 1 matatagpuan ang mga farmers nila. Sa kanila kumukuha ng mga gulay at kanin ang Northern Cities. Sa Beta 2 at 3 naman galing ang iba pang manggagawa kagaya ko.

Ang panghuling district, ang District 6. Sa Charlie 1 makikita ang mga farmers papa samantalang ang mga mangingisda naman sa Charlie 2. Sa District 6 din naninirahan ang mga sundalo na dumating matapos ang unang linggo. Dala dala nila ang madaming malalaking kagamitan na ikinalaki ng mata namin.

Papa, hindi ko alam kung buhay ka pa o hindi na. Ang alam ko lang ay para sa akin nanjan ka sa labas ng bakod. Umaasa lamang ako na matangay ng agos ng ilog natin ang liham na ito upang mabasa mo.

Iyong anak,
Serena.

Ibinaba ng lalaking nagbabasa ang hawak niyang papel at binalik ito sa loob ng bote. Nilagay niya ito sa bag niya sabay ngiti sa mga kasama niyang nakapalibot din sa apoy na ginawa niya kanina. Nakakakalma ang tunog ng gabi sa natatakot nilang mga sarili.

"Bakit ka nakangiti, Tris?"

Tumawa ang isang batang nakikipaglaro kanina sa ina nito na ngayon ay handang makinig sa sasabihin ni Tris. Ang iba din ay masayang nag-aabang sa sasabihin nito.

"Mukhang may iba pang ligtas na lugar dito sa Luzon."

Saglit silang natahimik. Ang bumasag lamang sa saglit na katahimikan na iyon ay si Chixie na tumawa ng malakas habang hawak ang isang bote ng beer na nakuha nila sa isang abandonadong truck sa kalsada. Mukhang hindi interesado ang lahat sa alak ngayong end of the world na.

"Holy shit. Lasing ka na din."

Sabay-sabay silang tumawa bukod kay Tris na napakamot ng ulo. Kinuha niyang muli ang bote na naglalaman ng liham mula sa bag niya sabay abot niya dito kay Chixie. Binuksan naman ito ni Chixie at binasa. Naghihintay ang lahat sa reaksyon ni Chixie habang binabasa ito.

Tumabi si Maggie sa kanya upang makibasa din. Halos mabingi siya sa lakas ng boses ni Maggie. "Seryoso?!"

"Aray ko naman!"

Tila ba nawala ang pagkalasing ni Chixie. Hinihintay pa rin siya ng mga mukha ng kasama niyang nakaabang sa sasabihin niya.

"Naka-survive ang itaas na bahagi ng Luzon."

None of them talk. Tanging kuliglig lang maririnig sa pwesto nila at ang tunog ng natutupok na apoy.

"Shit."

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now