12: The Walking Dead

259 14 0
                                    

Chixie POV

Ang sarap ng tulog ko nang bigla akong makarinig ng putok ng baril mula sa labas ng tent. Hindi ako lumabas. Bagkos ay ginising ko si Sophie na natutulog. Binalot ko siya ng kumot dahil sobrang lamig at tumayo para sana lumabas.

"Kahit na anong mangyari, huwag kang lalayo sa akin ha? Humawak ka lang sa kamay ko." Tumango si Sophie. Medyo inaantok pa siguro siya dahil nagkusotkusot pa siya ng mata habang tumatango sa akin.

Bubuksan ko na sana ang zipper ng tent ng biglang may sigaw akong narinig mula lang dito sa kabilang parte ng tent sa harap ko at may mga marka ng dugo akong nakita na tumalsik sa tent mula sa labas. Napaurong ako pabalik habang nasa likod ko si Sophie.

"Mommy, ano pong nangyayari?"

I shushed her. Wala akong time para mag explain sa kanya ngayon. Takot ang tumatakbo sa buong katawan ko. Bigla biglang lumalabas sa isipan ko yung mga nangyari kahapon, parte parte. Para bang pinaparusahan ako ng isipan ko sa paraang pagpapaalala sa akin sa kung ano ang nangyari kahapon.

Nakarinig ako ng pagbagsak ng katawan. Nagmadali akong naghanap ng pwede kong panlaban at doon ay nakita ko ang makapal na hardbound book na dinala ni Ms. Kaye galing sa subdivision.

Sakto na biglang bumukas ang zipper ng tent kaya bumuwelo na ako para hampasin ang sino man na papasok. Konti nalang sana nang biglang niluwa nito si Ms. Kaye na may bakas ng dugo sa pisngi.

"Lumabas kayo, dali! Pupunta tayo sa itaas ng truck!" Ma-awtoridad niyang sabi.

Hindi na ako nagtanong pa at agad na lumabas kasunod niya. Hawak ko sa likod si Sophie na nilipat ko sa unahan ko pagkalabas ng tent. Hindi na ako nag-abala pa na isara ang zipper dahil hindi na mahalaga iyon ngayon. Mas mahalaga na makaligtas kami sa gulong nangyayari.

It took me 5 seconds to absorb everything. Walkers everywhere. May mga nagsisigawan at nagtatakbuhan kung saan saan. Parang kagaya nito ang nangyari sa ibaba noong nakaraang Linggo.

One of the walkers tried to grab me. Kilala ko kung sino ito. Ito iyong kapitbahay ko na namatay daw kahapon. Does this mean yung mga namatay dito sa loob ang mga walkers ngayon?

Umiwas ako sa kanya at agad kong tinulak si Sophie papunta kay Ms. Kaye na siya namang sinalo niya. Hinagis sa akin ni Ms. Kaye ang isang bread knife at nasalo ko. Lumapit ako kaagad doon sa walker at sinaksak ito sa ilalim ng chin paturo sa utak nito.

Nagpatuloy kami sa paglakad. Hindi ko na halos pinapatay ang mga walkers na lumalapit sa amin. Tinutulak ko nalang sila ng malakas palayo.

I saw people on the grass, bleeding. Wala nang buhay at unti-unti nang nagiging walker. Ganoon ang process ng virus. Once nakagat ka, you'll turn into one.

O iyon lang ang akala namin.

Umabot kami ng ligtas sa mga trucks kung saan ilan lang ang nakita ko na nandoon. Eva. Charisse. Mico. Aling Dalia. Kuya Robert. Where the hell is everybody?

I faced Ms. Kaye. "Dito lang kayo. Hahanapin ko si Kuya Terrence at Jacob."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at dali daling tumakbo papunta sa maliit na tent kung nasaan ang mga baril. I need a gun kung gusto ko pang mabuhay. You know how vital guns are kapag may gulo.

When I got inside, most of the shelves and boxes are open. Walang laman. Just a blank dead air. But then I saw a box in the corner on my right. Somehow untouched. Hinihintay lang na galawin ko siya.

Binuksan ko ito. Hindi naman puno ang box. May tatlong mahabang baril lang sa loob. I think isa ito sa mga M chuchu na kagaya nung pinagamit sa amin kahapon?

Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon