05: The Army

279 8 1
                                    

Chixie POV

Tinanggap kami ng buong komunidad dito sa itaas. Noong una ay akala ko hindi kami papapasukin dahil mga sundalo ang bumungad sa amin ngunit mali ako. Mabait sila.

Binigyan nila kami ng makakain at matutuluyan. Isang malaking tent na kasya kaming tatlo ni Ms. Kaye at Sophie. Na orient din kami patungkol sa mga rules dito at kung ano ang maitutulong namin.

"Can you believe this? May mga sundalo dito." Mahinang sabi sa akin ni Ms. Kaye habang pinapasok namin sa loob ng tent ang gamit namin.

Dito kami nakapwesto malapit sa open space kung saan kita mo ang buong lungsod namin. Sobrang dilim at walang ni isang liwanag sa ibaba.

Hmm.. Hindi ko din alam kung ano nang paniniwalaan ko. Ang sabi ay wala na ang gobyerno pero heto ngayon at may mga sundalo.

"Tinanong ko yung matanda kanina nung binibigyan tayo ng food, nagulat din daw sila na may mga sundalo na kumuha sa kanila sa subdivision." Dagdag niya.

Bahala kung ano ang ano. Ang mahalaga ngayon ay may mga kasama na kami at mga marunong makipaglaban. Maipagtatanggol kami ng mga ito sa mga halimaw sa labas.

Natulog na kami at hinayaang lumipas ang oras. Naalimpungatan na lamang ako nang makarinig ako ng putok ng baril kaya lumabas ako at iniwan si Ms. Kaye at Sophie na natutulog.

Madilim pa din. Binuksan ko ang flashlight upang makita ko ang daraanan ko. Nagulat ako nang biglang lumitaw ang isang lalaki na may hawak din na flashlight na kakalabas lang ng tent niya. Actually, nakapang sundalo siya.

"Okay ka lang, Miss?" Tanong niya.

I sighed. "Yes. Nagulat lang ako."

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako. Napatingin ako sa direksyon ko kanina at tinutok ang flashlight doon.

Napansin niya siguro na papunta ako doon sa pinanggalingan ng putok kaya nagsalita siyang muli. "Mga infected lang yata iyon..."

Tinignan ko siya. Another gunshot filled the silence. This time, sunod sunod na ito.

Bigla kong namiss ang buhay before all of this. Siguro natutulog pa rin ako hanggang ngayon dahil wala akong pinoproblema na kung ano. Hindi ko iniisip kung ligtas ba ako o ang anak ko kapag matutulog kami ng mahimbing.

Lumakad siya papunta doon kaya sumunod ako. Madilim ang paligid at tanging flashlight lang namin ang tumutulong sa amin upang makita ang dinadaanan namin.

Ilang saglit pa ay huminto kami dahil nakita namin ang ilang mga sundalo na nakatutok ang mga baril sa labas kung saan bukas ang gate. May binatang lalaki ang lumapit sa amin na kagaya ko ay sibilyan lang.

"Anong meron, Jacob?" Tanong nung lalaking kasama ko kanina.

"Dumadami ang mga walkers sa labas Kuya Tris."

Walkers? Ano iyon?

Napansin siguro nung Jacob na hindi niya ako kilala pero kasama nila ako kaya nagpakilala ako. "Ah, Chixie. Ano yung walkers?"

Ngumiti naman siya sa akin. "Walkers yung tawag po namin sa mga infected sa labas. Walking dead."

Ow. So para silang mga zombies? Well, I think maikukumpara nga sila sa mga zombies. Halos magkatulad na sila maliban lang sa katotohanan na nangyayari ito sa amin ngayon.

Pero teka, ang bata pa nitong Jacob. Ang taba ng pisngi niya pero payat lang ang katawan niya. Siguro artista ito?

"Bago ka lang po?" Tanong niya sa amin. Umalis naman yung Tris at pumunta doon sa mga kasamahan niya na nasa gate.

Tumango ako. "Oo. Kanina lang dumating."

Nawala ang atensyon ko sa kanya nang magpaputok ulit ang mga sundalo. Naa amaze ako sa baril na hawak nila. Gusto kong humawak ng ganon. Parang ang saya hawakan at gamitin pampatay sa mga infected.

"Totoo po? Galing po ba kayo sa ibang lugar?" Tanong niyang muli.

Binalik ko na sa kanya ang tingin ko at napakunot ang noo. "Hindi. W-Why? Galing lang ako sa ibaba."

He hesitated. Nakita ko iyon sa mata niya. Parang hindi niya alam kung sasabihin niya sa akin ang dahil o hindi dahil pagalaw galaw ang mata niya habang nakatingin sa lupa.

Nagsalita na din siya. "Wala na pong koneksyon ang mga sundalo natin sa iba pa nilang kasamahan sa labas mula pa noong nakaraang araw. Ang sabi sa akin ni Kuya Tris.. Patay na daw ang presidente."

Biglang sumikip ang dibdib ko. Totoo ba ang sinasabi niya? So we are fucked? This is all of us. Walang direktiba o ano man. Gumagalaw lang para mabuhay.

"T-Totoo?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Ganado siyang tumango sa akin. "Hindi lang po iyon, binigyan daw sila ng utos na shoot to kill lahat ng mga sibilyan noong simula pero hindi na nila ito sinunod. Konsensya po yata sila."

Nakakaloka! It's a good thing na wala na ang mga nagbibigay ng utos. Ligtas kami at buhay.

Natigil kami sa paguusap nang biglang may sumigaw na babae mula sa gate. Kinakaladkad ito ng isang sundalo papasok sa gate. Agad akong tumakbo doon at kinausap sila.

"Teka, teka po! Anong meron?" Tanong ko.

Marahas kasi nilang hinihila ang babae at hindi ito magandang tignan. Akala ko ba ay may konsensya sila?

Masama naman na tumingin sa akin ang isang sundalo na nasa tabi ng humila sa babae at ni Tris. " Dalhin niyo na yan doon sa loob. Gawin niyo ang lahat para magsalita iyan."

"Yes, sir!"

Umalis na ang sundalo na patuloy na hinila ang babae palayo sa amin. Pipigilan ko sana siya pero pinigilan ako ni Jacob. Ngayon ay kaharap ko na yung nag utos doon sa sundalo at masama ang tingin niya sa akin.

"Sino ka? Sino to? WALA BANG NAG ORIENT DITO SA BABAENG ITO NG MGA RULES NATIN?!" Sigaw niya. Lumayo ako ng kaunti at nilakasan ko ang loob ko.

Magsasalita sana ako pero bigla siyang umalis at iniwan akong nakanganga. Sino ba iyong bastos na iyon? Walang modo!

"Hindi mo sana ginawa iyon, Miss." Madiing sabi sa akin nung Tris.

Tinignan ko siya, mata sa mata. Nakatitig din siya sa akin kaya tinitigan ko pa siya lalo.

"Babae ang hinihila nung kasama niyo."

"Tss.."

I'm speechless. Seryoso ba siya? Hindi niya ba ako narinig?

"Anong Tss?? Aba babae yung hinila--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Ang babaeng iyon ay parte ng isang grupong kumuha sa kasamahan namin kahapon."

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa hiya. Tinignan ko na lang siya habang lumalakad siya palayo sa akin.

Ah. Napaka pakielamera ko kasi eh. Tsk!



Zombie Outbreak Onde histórias criam vida. Descubra agora