04: Young Man

289 12 1
                                    

Chixie POV

Mag iisang linggo na mula nang magkaroon ng Virus. Wala pa rin kaming balita mula sa gobyerno. Hindi na din bumalik ang koryente at nangangamba kami ni Ms. Kaye dahil paubos na ang stock namin ng pagkain. Hindi na din kaya ng tubig namin dahil paubos na ang mga galon.

Pinasok na namin ang mga bahay dito sa subdivision the day after paalisin ko si Francis. Kinuha na namin lahat ng magagamit namin at dinala namin ito sa bahay namin. Thankfully, may nakuha kaming mga pwede namin gamiting armas laban sa mga halimaw.

About Francis, hindi na namin siya nakita mula noong gabing iyon. Umasa akong babalik siya dahil ang sabi niya ay kalmot lang iyon. Siguro nga'y nakagat siya at naging halimaw kagaya ng mga nasa labas.

"Parami na sila ng parami sa gate. Patayin na kaya natin sila?" Tanong sa akin ni Ms. Kaye.

Ang tinutukoy niya ay yung mga halimaw sa gate. Hindi pa kasi namin pinapatay ang mga ito dahil hindi ko maatim ang pumatay ng tao. Hindi ko alam kung paano.

Natatakot ako sa mga mangyayari sa amin sa mga darating na araw. Masyado akong mahina at walang alam sa ganito. Sa mga movies at series ko lang kasi nakikita ang mga ganito at ni minsan ay hindi ko naisip na mangyayari ito sa totoong buhay.

"Hindi ka ba naaawa? Tao sila." Sabi ko sa kanya.

Sumenyas ako na iabot sa akin ang mangkok ng ulam at inabot niya naman sakin. "Correction, dating tao. Hindi na sila ang mga taong kilala natin, Chixie. Wala na silang konsensya at matinong pag-iisip. Kung hindi tayo ang papatay sa kanila ay sila ang papatay sa atin."

Sumandok ako ng ulam at nilapag ang mangkok sa gitna ng mesa. Tinignan ko saglit si Sophie na kumakain kasama namin at mukhang okay lang naman sa kanya ang mga naririnig niya.

"May point ka pero ... Hindi ko pa kaya." Humina ang boses ko habang sinasabi ko iyan.

Hindi ko alam kung paano nila nagagawa ni Francis ang pumatay ng ganoon na lang kadali. Yung parang ni minsan ay hindi nila naisip na minsan ng naging tao ang mga iyon. Nakakasalamuha namin sa labas. May pamilya. Minsan naging anak at magulang.

Hindi na siya nakipagtalo pa at kumain na lamang kami ng tahimik. Tinapos namin ang pagkain namin at ako ang nakatoka na maghugas ng mga hugasin. Nasa sala si Ms. Kaye at Sophie at ako ay nandito sa kusina.

Miss ko na ang dati naming buhay. Yung buhay na malaya ka sa labas na walang iniisip kung ligtas ka ba o hindi. Miss ko na ang office. Kamusta na kaya sila doon? Buhay pa kaya sila?

"WAAAAAAAAH!"

Nagulat ako sa sigaw na narinig ko mula kay Ms. Kaye na nasa sala. Agad kong dinampot ang kitchen knife ko at tumakbo papunta sa kanila.

"Anong nangyari..." Hindi ko na natuloy pa ang itatanong ko dahil nakita ko kaagad ang dahilan kung bakit siya sumigaw.

"Infected?" Mahina kong tanong sa kanya. Agad kong pinatay ang kandila at hinila si Sophie upang itago sa likod ko.

Hindi siya sure kung infected ba ito dahil madilim sa labas at nakatayo lamang ito at nakatingin sa amin habang may talukbong ng hoodie niya.

Bakit nakatayo lang ito sa labas? Ang mga halimaw sa labas ay hindi ganito umasta. Lumalapit sila sa mga hindi infected at gusto nila itong kagatin.

Magsasalita sana ako upang mapansin ako ng halimaw sa labas pero bigla itong gumalaw at tinanggal ang talukbong sa ulo niya. Doon ay nasinagan ng buwan ang mukha niya at nakilala ko kung sino ito.

"Kurt?"

Lumakad ako palapit sa sliding door at binuksan ito.

"Kilala mo?" Tanong sa akin ni Ms. Kaye.

Tumango lang ako. Si Kurt ang anak ng nakatira doon sa tapat lang namin. Kilalang kilala ko siya dahil mabait na bata iyan at lagi kong nakakausap ang mama niya.

"Kurt... Anong nangyari? Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya nang makalabas ako.

Hindi muna siya nagsalita at tinitigan lang ako. Parang hindi siya makapaniwala na nakikita niya ako ngayon sa harapan niya.

"Kurt?"

Mukhang natauhan naman siya at napayuko siya ng tingin. "Ah.. paano kayo napunta dito Tita?"

Nagtaka naman ako. "Ha? Eh dito ako nakatira Kurt."

"I mean, bakit kayo nandito? Hindi niyo ba alam?"

"Ang alin?" Tanong ko.

"May pumuntang mga sundalo dito nung nakaraan lang at dinala kaming lahat doon sa mataas na bahagi. Doon kaming lahat ngayon nanunuluyan." Paliwanag niya.

So nag evacuate na ang mga sundalo noong araw na lumaganap ang Virus? Bakit hindi ko alam iyon? Ay oo nga pala, nasa trabaho ako at nasa school si Sophie.

Pero bakit siya nandito?

"Bakit ka bumalik?" Tanong ko.

Hindi muna siya nagsalita. Parang nag-iisip pa siya ng sasabihin niya sa akin.

"Ah eh may kukunin lang po sana ako sa bahay." Sagot niya.

Pinatuloy ko muna siya sa bahay at nag usap kami. Buong subdivision ang in-evacuate ng mga sundalo noong araw na iyon. Magulo na sa labas at panay infected na ang mga tao kaya tanging mga nakatira na lamang dito ang nakuha nila.

Wala na daw orders na dumadating sa mga sundalo tatlong araw matapos kumalat ang Virus. Hindi nila alam kung ano ang nangyari sa mga mambabatas at pangulo ng Pilipinas. Tila ba iniwan nila ang bansa nila nagdusa.

Tinanong ko siya kung pwede ba kaming sumama. Hindi ko na kasi alam kung hanggang kailan na lang ang natitirang pagkain namin dahil tatlo kaming kumakain dito sa bahay. Pwede naman daw at mas mainam na sumama kami dahil mas ligtas doon sa itaas kaysa dito sa ibaba.

Kumuha na ako ng mga gamit na kailangan ko at nilagay ito sa hiking bag ko. Kinuha ko din ang mga kailangan ni Sophie gaya ng damit at sabon.

Bumaba ako upang ilagay sa isang tote bag ang mga pagkain na natitira nalang. Sampung lata ng sardinas, limang lata ng meat loaf at isang pakete ng tinapay.

We hit the road as soon as we got everything. Hindi kami dumaan sa front gate dahil madaming halimaw doon. Sa likod bahay kami dumaan kung saan may bakod na tumatagos sa kabilang kalsada.

Madilim ang daan dahil walang ilaw. Takot na takot si Sophie sa mga halimaw dahil madami kaming nakita lalo na sa may bandang bridge. Buti na lamang at magaling itong si Kurt at alam niya ang daanan na hindi kami makikita ng mga halimaw.

Lumagpas kami sa isang gas station kung saan ang dulo ng bayan namin bago magkakahuyan. May nakita kaming isang tao na pababa ng kalsada galing sa itaas kaya huminto kami. Hinintay namin itong kaunting makalapit sa amin upang sana'y makausap pero hindi na namin nagawa dahil nakita naming hindi na ito tao.

At kilala namin ito. Si Francis. He turned just like those infected people.

Sinabi ko kay Kurt na huwag ng patayin pero sabi niya ay kailangan dahil baka daw makakagat ng iba. Pinigilan ko siya. Sinabi ko sa kanya na ako na lang. Kaya ko ito. Kaya ko.

I took a deep breath and exhale. "I'm sorry, Francis."

I stabbed him right in his head.


Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon