03: Two Days Later

506 26 1
                                    

Chixie Pov

Dumiretso kami sa bahay after namin umalis sa school. Sumama si Ms. Kaye sa amin pati na si Francis. Hindi na kasi ligtas ang daanan pauwi sa kanila at wala din naman naghihintay sa kanila.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa Subdivision namin. Pagkadating kasi namin ay wala kaming naabutan na mga tao o mga halimaw. Bukas ang ilaw ng ilang mga bahay dahil gabi na noon ngunit walang tao. Bukas din ang gate ng subdivision pero wala namang nakapasok na halimaw. It was like they vanished or something.

"Two days na ah? Wala pa rin bang balita tungkol sa tulong ng gobyerno?" Out of the blue na tanong ni Ms. Kaye habang nanonood siya ng TV. Actually, hindi Ms. Kaye ang gusto niyang itawag namin sa kanya dahil wala na daw kami sa school. Maggie nalang daw. Pero kasi hindi ako komportable sa Maggie kaya Ms. Kaye nalang muna ang itatawag ko sa kanya.

Inilapag ko ang plato sa lamesa pati ang mga kutsara. Maghahapunan na kami at wala pa rin si Francis. Lumabas kasi siya para i-check ang gate kung may halimaw pa.

Kinausap ko siya. "Hindi ba sabi nila ay wala silang balita tungkol sa local government? At saka, province na ang nagbabalita sa TV at wala na yung news dito sa region natin."

Wala na kaming balita tungkol sa mga nangyayari sa region namin. Hindi namin alam kung ano nang nangyayari dito sa amin, kung may buhay pa ba o kami nalang. Buti na lamang ay may local news pa kaming nasasagap mula sa ibang region na hindi pa apektado ng Virus.

Yes, it turns out Virus ang dahilan ng pagiging halimaw ng mga nakita namin. Binabago nito ang personality ng isang tao sa paraang pagpatay sa kasalukuyan nitong personalidad. Kung kaya ang mga nakita namin ay parang mga patay na lamang na walang kabuhay-buhay pero gumagalaw.

Hindi pa tukoy kung ano ang mode of transmission nito pero ang tingin ng ilang eksperto sa mga local hospitals ay through bites or laway ng mga halimaw. Ang simpleng kagat nito ay maaaring makahawa sa mga normal na tao na kagaya ko.

Widespread ang Virus ngayon dito sa Pilipinas. May speculations ang mga eksperto na galing ito sa rabies Virus na nag-mutate dahil sa pabago bagong klima ng panahon.

Humingi na ng tulong ang ilang mga tao mula sa iba't-ibang probinsya sa ibang bansa ngunit ang lahat ng ito ay hindi balak makisali sa kung ano ang nangyayari sa Pilipinas. Ayaw daw nilang makuha ang Virus at dalhin ito sa sarili nilang bansa. Iniwan na lang nila kami dito para mamatay kasama ang Virus.

Pinatay niya ang TV at lumapit sa akin. "Should I call Francis na?"

I nodded. Agad naman siyang lumabas at sinara ang pinto. Dito siya dumaan sa likod kung nasaan ang kusina dahil pinako namin ang mga pinto at bintana sa unahan. Iyan kasi ang payo ng mga eksperto sa TV. Manatili sa bahay. Huwag lapitan ang infected.

Malaya kaming lumabas dito sa subdivision namin dahil gaya ng nabanggit ko kanina ay kami lamang ang nandito sa subdivision. Wala nang iba pang nilalang dito maliban sa amin.

Umakyat ako sa itaas upang tawagin si Sophie para kumain. Nadatnan ko siyang natutulog sa kama niya habang nakapalibot ang mga krayola at coloring book niya. Lumapit ako sa kanya at niligpit ang mga ito.

Isa sa mga pros ng ganitong kalamidad ang wala ka ng ibang gagawin kundi ang kumain lang at matulog. Hindi mo na iisipin kung may sahod ka ba kinabukasan o wala dahil wala nang halaga ang pera ngayon.

Natutuwa din ako dahil wala ng pasok sa trabaho at eskwelahan ang lahat ngayon. Parang pinalaya ng Virus ang lahat sa mga nagpapahirap sa amin. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ito o ano.

Lalagyan ko sana ng kumot si Sophie para hindi lamigin pero biglang namatay ang mga ilaw. Brownout ba? Nako wala pa naman kaming kandila at flashlight dito sa bahay.

Tinuloy ko ang pagkumot kay Sophie at lumabas sa terrace upang tignan kung ano ang nangyari. Parang hindi lang subdivision namin ang walang ilaw. Tanaw ko mula dito sa bahay ang poste sa kalsada sa labas ng subdivision na wala na ding ilaw. I think wala ng kuryente sa buong rehiyon namin. Or worst, buong Luzon.

Papasok na sana ako nang bigla akong nakarinig ng isang putok ng baril mula sa labas. Dali-dali akong tumakbo sa ibaba at lumabas ng bahay. Tumakbo ako papunta sa gate kung saan naabutan ko si Ms. Kaye na nakatingin kay Francis na nakatutok ang baril sa kawalan. Nakita ko naman na may halimaw na nakahiga sa tabi ng gate at may butas ang noo nito.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

Tila ba balisa si Ms. Kaye sa nangyari kaya naman si Francis ang tinanong ko. "Nothing, uhhm..May infected sa gate kaya binaril ko."

Tinignan ko si Ms. Kaye kung totoo ba pero parang hindi siya sang-ayon kay Francis. Lumayo nga siya dito at nagtago sa likod ko.

"Saan mo nakuha iyang baril?" Tanong ko ulit.

Ngayon ko lang napansin ang baril na hawak niya. I think it was caliber pistol. Alam ko ang mga baril dahil mahilig sa baril ang tatay ko noong buhay pa siya.

Parang ngayon niya lang narealize na may hawak siyang baril. Hindi niya agad ito nilagay sa gilid niya at tinitigan niya muna ito saglit. Anong nangyari? Bakit parang balisa silang dalawa?

"Ah, nakuha ko doon sa lot 2." Sabi niya.

Ramdam kong kinakalabit ako ni Ms. Kaye mula sa likod kaya humarap ako sa kanya. "Mukhang nakagat siya nung infected sa labas."

Nanlaki ang mata ko at agad na humarap kay Francis. Dahan-dahan akong umurong patalikod habang nasa likod ko parin si Ms. Kaye.

"May kagat ka?"

Ang bilis niyang tumingin sa akin at matigas na umiling. May tinago siya sa braso niya na tinago niya sa likod niya. "Kalmot lang ito..."

Sinubukan niyang lumapit sa amin pero pinigilan ko siya. "Stop! Huwag kang lalapit sa amin please may anak ako Francis!"

Nakita kong may pumatak na luha sa kanya kaya naluha na din ako. Hindi ako makapaniwala na pati siya ay magiging infected na din. Napalapit na ang loob ko sa kanilang dalawa ni Ms. Kaye sa loob lang ng dalawang araw.

"Hindi... Chixie, wala ito..." Pagpilit niya sa akin.

Akma ulit siyang lalapit sa akin pero pinigilan ko siya. "You should leave Francis. Hindi ka pwede dito. May bata dito at.... Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nahawa ang anak ko so please, umalis ka nalang."

Sinubukan pa niya akong kausapin pero hindi ko na siya pinakinggan. Pinanood ko lang siyang buksan ang gate at lumabas sa kalsada. Nag dalawang isip pa ako kung ila-lock ko ba ito dahil baka bumalik si Francis at mag turn siya dito sa loob.

Tumingin siya muli sa amin one last time bago lumakad palayo sa subdivision. Napayuko na lamang ako at napaluha habang tinitignan siyang lumakad palayo sa amin.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now