21: Inside, A Storm

157 10 0
                                    

Chixie POV

Jacob and I have been waiting for hours dito sa labas ng room na ginawa nilang operating room. May mga gamit naman na nakuha si Mary sa clinic kaya nagpatuloy nalang sila. It's just a small wound pero bakit kailangan sa surgery room pa? Boang.

The clinic was like untouched nung dumating kami. I guess people didn't think this place would be useful kaya hindi nila naisipan kumuha ng gamit dito.

"Hindi ka po ba nagugutom?" Out of the blue na tanong ni Jacob.

Umiling lang ako. "Ikaw?" Balik na tanong ko.

"Medyo po."

Nagugutom na talaga ako. Kahapon pa kami hindi kumakain. I mean, kanina ata? Hindi ko na alam kung anong araw at oras na.

"Tara." Aya ko sa kanya.

Tumayo ako at ganoon din siya. Nauna akong lumabas sa kanya. Nakita ko na naman ang walker na napansin ko kanina pagdating namin. Paano ba naman, nakadagan dito yung mabigat na gasul. Someone must've tried to kill that walker using Gasul. Well, he failed.

Sa gilid lang ng clinic ay may isang convenience store. Nagdalawang isip pa ako kung papasok or hindi dahil walang ilaw sa loob, madilim. Wala naman din kaming flashlight or kahit anong makakagawa ng liwanag.

Lumingon ako sa kanya. "Wala tayong flashlight, Jacob."

Imbes na sagutin niya lang ako ay nagdirediretso siya sa loob. Hindi ako sumunod. Tumayo lang ako sa labas at sinubukan kong hanapin siya sa dilim kaso wala.

Then I heard noises. Parang bumabagsak na sako ng bigas ganon. Mga 5 seconds tumagal tapos bigla nalang ako nagulat kasi bumukas ang pintuan at lumabas si Jacob na may hawak na dalawang flashlight.

He gave one to me tapos ay bumalik muli sa loob. The flashlight has blood stains. May walker siguro sa loob.

Binuksan ko na ang flashlight. Bago ako pumasok ay napalingon ako sa likod dahil parang may narinig akong ingay. "Hello? Sino yan?" Tanong ko. Nang walang sumagot ay pumasok na ako.

Sa likod ng unang rack ay may katawan ng isang lalaki. Naliligo ito sa dugo na basa pa. Bago lang ito. Napatingin ako kay Jacob at napatanong sa sarili kung paano niya nakayanan patayin yung walker?

Bumalik na ako sa pakay ko. Sa gilid ay nakita ko agad ang isang fudgee pie na ang flavor ay Caramel. Dinampot ko ito sabay binuksan at kinain.

Hmmm. It's been awhile. Parang ilang taon akong hindi nakakain nito kahit nung nakaraang linggo lang naman.

Ninanamnam ko lang ang mga fudgee pie nang biglang nagtanong sa akin si Jacob. "Naaalala niyo po ba yung walker na pumatay kay Sam kanina? Si Amy?"

Tuloy lang ako sa pagkain habang sinasagot siya. "Oo, bakit?"

How can I forget that scenario kanina? We almost died. Well, half of us died. Kami nalang ang natitira ngayon.

"Ano po sa tingin niyo iyong walker na iyon? Iba po siya sa ibang walkers eh."

He's right. Iba nga si Amy sa mga walkers. May mahaba siyang dila na may mga ipin. Parang mas delikado din siya kumpara sa iba dahil parang matalino.

Umiling lang ako.

"Hindi po kaya may mutation na yung virus? Ganon po kasi yun. Nagmmutate ang virus at sa tingin ko po yung nakita natin kanina ang isa sa kanila." Sabi niya.

Napatigil na ako sa pagkain at napatingin sa kanya. "Teka, paano mo alam yan?"

Tumingin naman siya sa akin na parang nagbibiro ako. Teka. Na-offend ko ba siya?

Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon