05: Demons

76 3 0
                                    

Leo and the others run through the woods as fast as they can. No one looked back. Wala nang dapat pang balikan pa. Hindi na mahalaga pa ang gamit nila. It's all useless now.

Sa tabi lang sila ng kalsada dumaan. Mas maigi nang alam nila kung ano ang nasa kalsada para alam nila kung hanggang saan ang kaguluhan na nangyayari. Who knows? Baka sa resort lang may mga patay na nabubuhay. Or kung tawagin nga ni Leo ay mga Zombies.

"May kotse doon." Hinihingal na bulong ni Rita habang nagtatago sa likod ng puno.

"Wala bang tao?" Tanong ni Leo na tumabi sa likod niya. Ganon din si Manuel at Jeena, ang dalagang anak ng couple na nakausap ni Rita nung nakaraan.

Umiling lang si Rita. Nauna nang lumapit si Leo ng marahan. Wala siyang nakikitang sino man sa kotse. Bukas ang pintuan nito sa may drivers seat. Nang makalapit siya, nakita niyang may mga dugo sa upuan at manibela ng kotse. Meron namang putol na kamay siyang nakita sa kalsada, tabi lang ng bukas na pintuan ng sasakyan.

Muntikan nang bumaliktad ang sikmura ni Leo sa masangsang na amoy ng natuyong dugo sa kotse. Napapaisip tuloy siya kung kelan pa nandito ang kotse. Base kasi sa tindi ng amoy ng natuyong dugo ay hindi siya nagkakamali na ilang araw na itong nandito. It could be already here bago pa namatay ang kuryente sa buong resort.

"Zombie nga ba talaga iyong mga nasa resort?" Out of the blue na tanong ni Rita nang makalapit siya kay Leo.

Lumapit si Leo sa bintana ng sasakyan habang tinatakpan niya ang kanyang ilong gamit ang kanyang damit upang sumilip. May mga nakita siyang papel sa upuan. Binuksan niya ang pinto atsaka pumasok upang kunin ang papel at basahin.

"Kelangan kong bumalik kay mama..."

Napalingon si Manuel kay Jeena. He thinks she's too young to experience the death of her family. She have lost someone too. Might as well console each other because they are the only one right now who can understand the same pain they are experiencing.

"Wala na sila.." mahinang sabi ni Manuel habang hindi niya matagalan ang pagtingin kay Jeena.

Tumigil naman si Jeena sa pagsasalita at tinignan si Manuel. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung nawalan ba din siya ng pamilya kanina. She doubt it.

Umirap na lamang si Jeena atsaka lumakad palapit kanila Rita na sinusuri ang sasakyan. Naiwan na gulat si Manuel sa reaction ni Jeena. Hindi niya ito in-expect dahil ang ginawa niya lang ay sumubok siyang makisimpatya sa babae.

"Ipagpatuloy nalang natin ang lakad papunta sa siyudad. Malapit na naman tayo. Makakakuha tayo ng tulong doon kung sakaling walang mga zombies doon." Paliwanag ni Leo habang papalabas sa kotse.

Sa hindi kalayuan ay may narinig silang kaluskos sa gubat. Mabilis at naging alerto sila. Ang mga tingin nila'y naging matulis pa sa matulis kung tumingin sa magkabilang gubat.

"Saan iyon galing?" Tanong ni Manuel pagkalapit kanila Leo.

Then they heard it again. And again. And again. It was as if a wild animal was running free in the woods.

Manuel started pushing Leo and Rita towards the road that was leading them to the City. "Umalis na tayo dito."

It was their right decision to do. A bunch of dead were following them. Ang isa sa mga ito ay ang mabilis at agresibong patay na naiiba sa iba pang patay.

Mabilis silang naglakad. Hindi na sila bumalik pa sa loob ng gubat dahil alam nilang delikado dito. Ang ingay na naririnig nila kanina ay nanggagaling sa gubat. Sigurado silang may mga patay ang gumagalaw sa gubat ngayon.

When they made it near the border of the city that has a welcome sign, they saw a ghost town. No. It was more of like a Dead City. Makalat ang paligid. May mga kotseng tinusta ng apoy at may mga patay naman na naglalakad lakad sa kalsada. They stopped moving and stared at it for a second.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now