11: Old Friend

143 5 0
                                    

Kurt POV

"Shh. Wag ka maingay. Nasa labas lang sila."

Pinakawalan niya ako mula sa pagdagan niya sa akin padiin sa pader. Pumasok siya sa pintuan papasok doon sa liwanag kaya sumunod ako.

Nasaan ako? May mga naririnig akong boses. Hindi lang isa kundi marami. May boses ng matanda at bata akong naririnig. Meron pa nga akong naririnig na umuubo at amoy sigarilyo ang loob.

Pagpasok ko sa loob ay doon ko nakita ang mahigit isang dosena na mga tao na may kanya kanyang pwesto. Tinignan ko sila isa-isa. Mga madungis. Merong estudyante siguro dahil may suot ng school uniform ang may bakas ng dugo sa uniform at mukha.

"Anna, ano na ang nangyayari sa labas?" rinig kong tanong ni Troy doon sa hawak niyang kulay itim na parang remote. Radio siguro iyon.

"Anong gagawin natin? Mas dumadami yung mga zombies dito sa labas." Sabi ng boses babae mula sa radyo.

Napaungol si Troy na parang naiinis. Huminga siya ng malalim bago siya nagsalitang muli. "Okay. Update mo lang ako."

Who are these people? Nandito na ba mula pa noong isang linggo? Akala ko wala nang buhay pa dito sa City.

Nagninilaynilay lang ako nang biglang mahagip ng mga mata ko ang isang babae na sumulyap kanina sa pintuan. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Bakit parang kilala ko siya? Saan ko ba siya nakita?

*Bus screeching*

Nandoon siya. Noong araw na nabangga si Dana ng bus. Nandoon siya. Isa siya sa mga tumulong sa akin tumayo. Alam kong wala ako sa katinuan noong araw na iyon pero alam ko ang nakita ko. Saglit lang iyon pero tandang tanda ko. Nandoon siya.

Nanggigilid na naman ang mga luha ko. Naalala ko bigla ang nangyari kay Dana. Kung paanong hindi ko siya nabigyan ng hustisya dahil ang taong bumangga sa kanya ay isang walker.

Lumapit ako sa kanya. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako lalapit sa kanya. Hindi niya alam kung titingin ba siya sa akin o sa iba naming kasama dito sa silid.

"B-bakit? Anong kailangan mo?" Nauutal niyang tanong.

Tinitigan ko siya mata sa mata. "Hindi mo ba ako naaalala?"

Marahan siya umiling.

Naiintindihan ko. Masyadong maraming nangyari noong araw na iyon.

Nginitian ko siya. "Gusto ko lang magpasalamat sayo."

Nagtaka siya kung ano ang ibig kong sabihin. Hindi na ako nagsalita pa at bumalik na sa pwesto ko kanina. Tumabi ako kay Troy na nakatingin lang sa akin ng hindi maganda.

Ramdam ko ang tingin ng iba sa akin. Merong masama, merong expression na hindi ko maipaliwanag. Medyo nahiya tuloy ako dahil sa mga tingin nila sa akin kaya medyo tumalikod ako sa kanila.

"Anong nangyari- sino ang mga kasama mo, Troy?" tanong ko sa kanya.

Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Nanggigilid ang mga luha at nagbabadyang pumatak ano mang oras.

"Hindi namin alam kung anong nangyari." Saglit siyang tumigil at tumingin sa mga kasama namin sa silid. Yumuko siya at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong umiiyak siya. "Nasa Supermarket kami ni mama nang mangyari yung gulo noong nakaraan. May umatake sa amin na mga tao at nakagat ng isa si mama. Nagtago kami dito kasama ng iba na nakaligtas mula sa gulo sa labas. Kaso... Kaso naging kagaya din nila si Mama kinabukasan."

Natahimik ako at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ako yung tao na kakausap nalang sa iba para tanungin kung okay lang sila o kamusta sila.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now