07: Airport

77 3 0
                                    

Huminto ang sasakyan sa labas ng gate ng airport. Bumaba ang matanda upang buksan ang gate at naiwan ang iba sa loob ng sasakyan. Tahimik. Iniisip ang nangyari kanina.

"Rita-"

"Huwag mo akong kausapin." Malamig na sabi ni Rita nang biglang magsalita si Manuel.

Hindi mapakaling patingin-tingin si Manuel sa salamin. "Kailangan kong gawin yon."

Hindi sumagot si Rita. Nakatingin lamang siya sa labas kung saan pabalik na ang matanda.

Pagbalik sa loob ng matanda ay pinaandar ulit ni Manuel ang sasakyan at dahan dahan na niya itong pinaabante dahil malapit na sila. Ang babaeng nakaupo sa unahan ay masaya nang makita ang eroplanong sasakyan nila na hindi pa umaalis.

"Sinong magpapalipad ng sasakyan natin?" Tanong ni Jeena.

"May mali..."

Napahinto sa pagmamaneho si Manuel. Lahat sila ay nakatingin lamang sa eroplanong hindi gumagalaw. Tila ba parang may hinihintay sila mula sa eroplano ngunit malamig na hangin lamang ang sumalubong sa kanila.

"Wala sila sa eroplano?" Tanong ng matanda.

Nagsalita ang babae sa unahan. Wala na ang kaninang ngiti sa mukha niya. "Pinauna natin sila dito. Anong nangyari?"

Isa-isa silang bumaba. Ang naiwan lamang sa loob ay si Rita at Leo. Nanatili naman sa pintuan si Jeena habang nagmamasid kanila Manuel na papalapit sa maliit na eroplano.

Mabagal na naglalakad sila Manuel. Ang tingin ni Manuel ay palipat lipat sa pintuan ng eroplano at sa ulo nito na tinted ang salamin. Iniisip niya tuloy kung nasa loob ba ang mga kasamahan ng doctor o wala.

"May nakikita ka ba?"

Huminto ang doctor sa paggalaw at niliitan ang mga mata upang tanawin ang salamin ng eroplano. Nagtataka ang doctor. Dapat ay sinasalubong na sila ng mga kasamahan niyang nakaligtas ngunit bakit sarado pa rin ang pintuan ng eroplano?

Umiling si Manuel. Lumapit siya sa eroplano atsaka hinawakan muna ang pader nito. Malamig at halatang hindi pa napapaandar ang eroplano. Sunod ay dinikit niya ang tenga nya sa pader atsaka pinakinggan ang ingay sa loob. Hindi niya malaman kung ano ito dahil mahina ito ngunit magkakaiba ang ingay sa loob.

Bago pa man niya mailayo ang tenga niya ay bigla siyang may narinig na tatlong katok atsaka biglang may mahinang ungol sa kabilang banda ng pader. Nanlaki ang mata niya ngunit hindi muna nagsabi sa iba. Pinakinggan nya muna itong muli at nang marinig niya ang mahinang sali mula sa loob na nagsasabi ng "Tulong", agad na siyang napalayo sa eroplano.

"Bakit? Anong meron?" Malakas na tanong ng doctor. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Hindi na nakapagsalita pa si Manuel dahil pagkaurong niya palayo sa eroplano ay biglang may sumigaw sa loob kasabay ng paglagabog ng malakas na para bang may humampas mula sa loob nito. Nagulat ang doctor at napaurong patalikod.

They heard a woman screaming from the inside. It must be the one who's tapping the wall noong malapit pa dito si Manuel. The one who must be constantly beging for help, trying not to attract attention of those dead people inside the plane.

Fear started crawling up inside Manuel. He's thinking of running back to the car just like what he was told to by Angel. Kaso, the doctor wasn't moving.

"Doc?"

The doctor wasn't able to listen to Manuel. Namuo ang malamig at malungkot na awra mula sa kaloob-looban niya. The chills started running down from her spine like a flowing river.

Finally, after she noticed a tear suddenly rolling down her cheek, she started talking. "Yung kaibigan ko.."

Lumapit si Manuel sa doctor upang akayin ito pabalik sa sasakyan ngunit parang tila ba naging bato nang mga oras na iyon ang doctor dahil sa tigas nitong mahila at maalis sa kinatatayuan.

"Doc.."

And then the door of the plane suddenly opened. Biglang nabuhayan ng dugo ang doctor dahil baka buhay pa ang kaibigan niya sa loob. Si Manuel naman ay napabitaw sa doctor dahil sa gulat.

Lahat sila ay nanonood, nakatingin at nakatutok sa bukas na pintuan ng eroplano. Nagulat sila at hindi malaman ang gagawin nang biglang lumabas mula dito ang isa, tatlong patay na mabibilis tumakbo. Iba ito sa mga patay na nakita nila dati pero kagaya ito nung isang patay sa resort.

Agad na tumakbo si Manuel pabalik sa sasakyan. Ngayon ay sarili na lamang niya ang iniisip niya. Sa isip-isip niya'y kailangan niyang mabuhay at makaalis sa lugar na ito. Hindi pa siya handang maging kagaya nung mga patay na ito na uhaw at hayok sa laman at dugo ng buhay na tao.

Agresibong kumaway si Manuel kanila Jeena at sa matandang hindi man lang gumagalaw matapos lumabas ang tatlong agresibong patay. "Pumasok na kayo!"

Jeena and the old lady started moving. Pagkapasok nila sa loob ay agad silang umupo atsaka nag-usap kung ano nang gagawin nila.

"Ano na pong gagawin natin? Wala na po ang eroplano." Natatakot na bulalas ni Jeena habang hindi mapakaling patingin-tingin sa labas kung nasaan si Manuel at ang doctor.

Medyo hinahapo ang matanda habang palingon-lingon sa paligid. Tinitignan niya ang paligid kung may iba pa bang mga patay maliban sa galing sa eroplano.

"Wala na talaga yung nasa eroplano?" Tanong ni Rita kay Jeena.

Tumango si Jeena. "Mukhang wala na ate."

Sa labas ay mabilis na tumakbo papunta sa pintuan si Manuel atsaka pumasok at sinarado ang pinto. Tinignan niya ang doctor kung nakasunod ba ito ngunit pagtingin niya ay nakita niya itong nahablot ang damit mula sa likod kaya nadapa ito. Napasigaw na sila sa loob ng sasakyan dahil sa nakita nila.

"Tulungan nyo!" Sigaw ni Rita mula sa likod.

Lalabas na sana si Manuel ngunit pinigilan ito ng matanda. "Huwag. Masyado silang madami."

Nakita nila ang doctor na pinilit na muling bumangon ngunit dumagan mula sa likod nito ang isang babaeng patay atsaka kumagat sa batok nito. Ang sumunod naman na walker ay pumwesto sa kanan na gilid ng doctor saka lumuhod. Yumuko ito upang kagatin at lamutakin ang kamay ng doctor.

"AHHH!" malakas na sigaw ni Jeena nang biglang may humampas na patay mula sa gilid ng sasakyan. Nag Crack ang salamin dito at muntik na itong mabasag.

"Umalis na tayo dito, dali!"

Agad na pinaandar ni Manuel ang sasakyan bago pa mahampas muli ng patay ang sasakyan. Pinaikot nila ang sasakyan sa kinatatayuan ng eroplano upang makabalik sa dinaanan nila.

Habang umiikot ay sa eroplano naka titig ang mata ng iba maliban kay Manuel. Sa building ng airport siyang mismo nakatingin. Nahagip ng mga mata niya ang loob ng building at nakita niya dito ang maraming patay sa loob ng first floor.

Hindi siya tumigil. Tinuloy niya parin ang sasakyan hanggang sa makalabas sila at mapunta sa kalsada. Everyone's dead. Things must have been worst dito sa City kesa doon sa resort.

"Paano na tayo aalis?" Malungkot na tanong ni Jeena mula sa likod.

Panandaliang natahimik sila sa tanong. Kung titignan mo ay para bang naka-focus lang sila sa daan at hindi naririnig ang tanong ng bawat isa. Ang matandang kasama nila ang siyang unang nagsalita upang ibigay ang suwestyon niyang magugustuhan ng lahat.

"May alam akong lugar-- pero hindi ko alam kung nandoon pa ba ang yate."







Zombie Outbreak Where stories live. Discover now