22: The OR

98 2 0
                                    

Third Person POV

After mag-collapse ni Chixie, they heard noises outside. Walkers. Pero hindi ito isa lang at normal na walker. Kagaya ito nung walker na nakita nila sa Camp at sa highway.

Hinayaan ng mga lalaki si Jacob na tumakbo palapit sa bintana para sumilip. They can't see him so they are just waiting for him inside the room. Nakatutok pa rin ang mga baril sa ulo ni Mary at Terence.

Kinakabahan na sumigaw si Mary. "Jacob? Anong meron sa labas?"

Hindi alam ni Jacob kung paano niya ipapaliwanag ang nakikita sa labas. Madaming mga walkers sa labas na iisa lang ang direksyon. May mga nakita siyang walkers na kakaiba ang galaw. Mabilis at agresibo. Nakakatakot tignan.

"Ah eh..." Nag-aalangan na simula ni Jacob. "Madaming walkers sa labas."

Iniisip ni Jacob kung gumawa ba siya ng ingay habang nasa labas sila dahil sa pagkakaalam niya, walang mga walkers sa labas kanina. Marahil ay nakarinig ang mga walkers sa labas ng ingay kaya sila dumami at nagkasama-sama.

Agad naman na nagtungo ang isa sa mga nanutok ng baril, yung may bigote, kung saan nakatayo si Jacob. Maingat itong tumabi kay Jacob habang tutok sa likod nito ang kanyang baril.

Nagulat siya sa nakita niya. "Saan galing ang mga ito.." mahinang sabi niya.

Medyo napalayo si Jacob sa bintana nang may makilala siyang mukha sa agos ng mga walkers. Agresibo ito ngunit mabagal lamang ang lakad.

"Sam.." malungkot nitong sabi.

He's sad. Napalapit na siya dito dahil kaunti lang silang magkaka-edad sa Camp. He get to know them when they arrived dahil isa si Sam sa mga kalapit na tent nila. Higit pa doon, lagi niya itong nakakausap tungkol sa lugar na kinatatayuan nila.

Napansin ng bigotilyong lalaki na emotional si Jacob at para sa kanya ay ang weirdo nito. Maingat na lamang siyang lumayo dito at lumapit sa pinto upang masabi sa kasama nito ang nakita sa labas.

"Jace? May mga zombies sa labas."

Iritable namang sumagot ang payat na lalaki. "Ano ba? Parang ngayon ka lang nakakita ng zombies."

Napakamot sa ulo ang lalaking may bigote. "Madami sila. Grupo."

Habang nag-uusap dalawa, wala naman tigil sa pagtahi ng sugat si Terrence habang pinapakiramdaman ni Mary ang pulso ni Maggie. Patapos na sila sa paggamot kay Maggie dahil hindi sila nagpatinag kahit na may nakatutok na baril sa kanila.

Well, wala naman talagang balak huminto ni Terrence kahit na may nakatutok na baril sa kanya. Walang equipment para malaman kung ano ang vitals ni Maggie at ang meron lang sila ay ang silid, mga kagamitan panggamot sa sugat, at ang mga gamot. Maliit na ilaw nga lang ang gamit nila na mula pa sa isang flashlight na itinali ni Mary sa isang bakal na sinasabitan ng IV bag.

Hindi naman talaga maalam si Mary sa mga ganitong bagay. She was just a waitress and all she knows is how to clean people's dishes pagkatapos kumain. Kaya lang siya tumutulong kay Terrence dahil tinuturuan siya nito step by step habang ginagawa nito ang panggagamot.

She liked it. Having a purpose. Ang alam ng mga tao ay masungit si Mary. Gusto laging mapag-isa. Tahimik. Ang hindi nila alam ay nawalan siya ng kapatid.

It was the same day the virus started. Her brother turned at siya ang tumapos sa buhay nito. He was her first kill, and she will remember it for the rest of her life.

"Okay, ganito ang mangyayari," panimula ng payat na lalaki. Binaba na nito ang baril niya kasabay ng pagtapos ni Terrence sa pagtapal ng gauze sa sugat ni Maggie. "Iiwanan namin kayo dito. Bahala na kayo sa mga sarili ninyo, okay?"

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now