05: The Stadium

97 7 0
                                    

The sky was dark and calm, but the gymnasium is like a bottle of bees. It was so noisy and overcrowded. Ganyan ang naiisip ng leader ng buong district 5 na si Aling Vickie. She's wearing
what used to be a pink cardigan. Madumi ito ngayon at may dugo dugo sa cuffs at sleeves. She was there at the stage together with some of her council members na sinusubukan i-accommodate ang lahat ng mga taong lumikas dalawang oras ang nakalipas.

"Kamusta ang mga pagkain?" Tanong niya sa secretary niyang si Bianca.

Looking tired and anxious, sinubukan ni Bianca na ngumiti sa harap ng boss niya. "May pang-isang linggong stock po tayo ng pagkain sa storage, Ma'am."

Para sa iba, reassuring na yung marinig na may makakain pa sila sa mga susunod na araw pero para kay Aling Vickie, panandaliang distraction lamang ito para malihis sila sa totoong dapat na pinagtutuunan nila ng pansin. Her concern is their safety. That's her top priority.

Hindi malayo ang gymnasium sa pinagmulan ng outbreak. Ilang kilometro lamang ang layo nila sa lugar na ito at medyo malayo sila sa gate patungo sa susunod na distrito. She's sure and confident that Beta 3 and Beta 1 survived this outbreak. Napaka-imposible na may ganito din sa ibang community nila.

"Ang mga armadong sibilyan natin? Nakarating ba sila ng ligtas?"

Napansin ni Aling Vickie na nawala ang ngiti sa mukha ng sekretarya niya at hindi ito agad nakapagsalita. Iniwan niya ang secretary niya at saglit na nagpaalam sa binata niyang anak na si Jonathan. "Stay here, okay? Babalik ako. I'll just have to check the entrance."

"Mom.." said Jonathan, looking scared and anxious.

"Stay."

Agad siyang naglakad pababa sa stage at sumuong sa agos ng mga taong sinusubukan na mapalayo sa entrance ng gymnasium. "Excuse me! Excuse me!"

Nakasunod lamang sa kanya ang kanyang sekretarya na sumisigaw din upang makadaan sila. Nang makarating sila sa entrance ay agad na nagtungo silang dalawa sa kumpulan ng mga armadong sibilyan na nakaposisyon sa labas. Naabutan nila itong nag-uusap usap patungkol sa kung ang dapat nilang pagtuunan ng pansin. Napatigil lamang sila at napatayo ng maayos nang mapansin nila ang Leader nila.

"Ma'am!" Sabay sabay silang sumaludo kay Aling Vickie.

Sumaludo naman pabalik si Aling Vickie upang maibaba ng mga ito ang kanilang kamay. "Kamusta ang bilang ninyo?"

Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid upang tignan kung gaano karami ang nakabalik sa mga armadong sibilyan. She noticed that there was only few of them roaming around. She became more anxious dahil dito.

"Tatlo ang nakaabang sa kabilang banda ng park, Ma'am, upang i-guide ang mga survivors na parating pati na din ang maprotektahan ang daan papunta dito." Sabi ng kalbong lalaki na maitim at may suot na makulay na damit.

"Ang iba sa inyo?"

"Kami lang po ang umabot dito."

Hindi niya alam kung masusuka ba siya o ano. Nahihirapan siyang idigest ang mga nangyayari ngayon dito sa labas ng gymnasium. "What about guns?"

Bahagyang tumungo ang lalaking maitim upang ipakitang hindi maganda ang sasabihin niya. "Napag-alaman po namin na sumalpok sa convenience store malapit dito ang sasakyan na may dala ng ilang armas natin."

Medyo nanlambot si Aling Vickie kaya bigla siyang napahawak kay Bianca. Mabuti na lamang ay alisto ang sekretarya at agad niya itong nasalo bago ito matumba. Natigil na lamang sila sa pag-uusap nang makarinig sila ng ilang mga putok ng baril mula sa kabilang banda ng park. Sinabayan nito ang ilang sigaw mula sa mga taong hindi nila alam kung saan nanggagaling.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now