15: Guns and Goodbyes

224 13 0
                                    

Kurt POV

Pagkakuha namin ng mga gamot na nakalista sa papel na binigay ni kuya Terrence, agad kaming bumalik sa City Hall. Hindi pa kami nakakababa sa second floor nang makarinig kami ng tuloy tuloy na putok mula sa hindi kalayuan.

Napahinto kami. "Mga kasama mo ba yon?"

Nakita ko sa mukha niya ang kaba na nararamdaman niya. Ramdam ko din iyon. Nakadalawang lagok na siya habang nakatulala lang kaya inalog ko na siya.

Nagising siya sa pananaginip ng gising. "Ha?"

"Kasama mo ba iyon?" Tanong ko ulit.

Hindi pa din tumitigil ang putok ng baril. Pagbaba namin sa second floor ay hindi ako dumiretso sa hagdan pababa. Dumiretso ako doon sa may basag na bintana sa dulo para sumilip.

"Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam? Eh diba kayo nalang ang buhay dito sa lugar natin?"

Ang OA ko ba kung sabihin kong sa tingin ko eh sila nalang ang nandito sa ibaba? Imposibleng may iba pang nakaligtas dahil iyon ang sabi ng mga militar. Patay na ang lahat ng tao sa ibang lugar. Zombie na sila at kami nalang ang nabubuhay.

Hinintay ko siyang magsalita kahit pa medyo matagal bago niya nagawa. "Tuloy tuloy ang putok."

Tumango ako na medyo sarcastic ang tingin sa kanya. "Obvious ba?"

Umiling iling lang siya. Parang sure sa sinasabi niya. "Hindi mo naiintindihan." Hinila niya ako palayo sa bintana, hawak ng mahigpit ang braso ko. "Wala kaming baril na ganyan. Ang baril lang namin ay iyong baril na naiwan sa building na ang alam ko eh pistol."

Wait, so, hindi sa kanila iyon? Umaasa akong nagbibiro lang siya pero mukhang seryoso siya. Walang bakas ng pagbibiro sa mukha niya. Takot. Iyon ang napansin ko.

Kung iisipin, medyo malapit sa amin ang putok. Maaaring galing sa building nila iyon o sa ibang parte ng City. Pero sino naman ang may baril na may tuloy tuloy na putok sa lugar na ito? At tuloy tuloy pa ang pagbaril. Mahalaga ang bala ngayon. Tanging ang mayroon lang na madaming bala makakapagpaputok ng tuloy tuloy.

Bumitaw ako sa mahigpit na hawak niya. Bigla kong napansin ang baril sa likod ko na pa-ugoy-ugoy. At doon, saka ko naalala ang kaparehang tunog ng putok na naririnig namin ngayon sa labas.

Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumingin ako kay Troy at inisip kung sasabihin ko ba sa kanya na ang tunog na iyon ay maaaring galing sa mga kasama ko. Kaso, hindi siya pwedeng sumama sa amin. Medyo delikado siya. Parang nagpakamatay na din ako kung isasama ko yan sa camp.

"Ano?"

Natigil ako sa pag-iisip nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko nalang siguro sasabihin.

"Ah, alam mo, may nakalimutan ata ako sa taas. Yung antibiotic. Pwede mo bang balikan para sakin?" Hindi ko alam kung nasabi ko ba ito ng maayos. Sa tingin ko naman oo?

Tinignan niya ako ng may pagtataka. Akala ko hindi niya gagawin kasi mukhang mahabang tanungan ang pinapakita ng mukha niya pero agad siyang lumakad paakyat ulit.

Wala na akong sinayang na oras. Tumakbo agad ako pababa. Lumabas ako sa entrance at doon ay wala na akong nakitang walkers. Mayroon na ilan kaso mga nasa kalsada ito na halatang lumalakad patungo sa pinanggalingan ng putok.

Saglit akong tumingin sa itaas ng City Hall, nagbabakasakali na nandoon si Troy at nakatingin sa akin pero wala. Mas okay siguro ito. Para sa aming dalawa.

Lumakad na ako. Sumabay ako sa mga walkers na naglalakad patungo sa pinanggagalingan ng putok. Hindi na ako natakot dahil alam ko naman na hindi ako kakagatin ng walkers. Balot pa rin kasi ako ng dugo. Napaka imposibleng mapansin nila ako na iba sa kanila.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now