14: Bianca

131 6 0
                                    

John and the others couldn't afford waiting for Gwen and the rest to wake up. Dinala nila ang mga ito papunta sa daungan na kung saan natuwa sila dahil may isang malaking fishing vessel ang nakatengga dito.

They started loading everyone up while the others protecting the harbor. Kuya Rodel and Aling Vickie took the courage to lead the group. Nahanap nila ang susi ng fishing vessel sa isang bangkay na nakahandusay malapit dito.

John volunteered to look for food. Along him was Bianca, who somehow gained skills after getting trapped inside the stadium.

Pumunta sila sa pinakamalapit na building. Commercial ito at may dalawang palapag. Sa ibaba, may mga tindahan ng bigas, parlor, computer shop, at grocery store. Grocery store ang napili nilang pasukin dahil sarado ang bakal na pintuan nito at parang hindi pa nalilimas ang laman sa loob.

He grabbed the base of the metal door and gently pulled the door upwards. Habang inaangat niya ito ay si Bianca naman ang nagmamasid sa paligid. She have noticed a lot of gun shells at the ground outside the store. It was so obvious Military was here during the onset of the virus.

May mga narinig na sila dati mula sa mga nakaligtas na taga dito sa maliit na Abandonadong town, tungkol sa kung ano ang nangyari dito noong kasagsagan ng simula ng virus. Mostly avoided the topic dahil sa hindi malamang dahilan. Others genuinely answered the curiosity of the people and told them some people from this part kung nasaan sila were the first ones who turned because of the virus. The side of the town were completely empty when they evacuated the area. Rumors has it that none of the occupants made it out .

After mabuksan ni John ang pinto ay nagpagpag siya ng kanyang kamay. "Bilisan lang natin to." Kinuha niya ang isang maliit na flashlight mula sa bulsa niya at binuksan niya ito patutok sa bukana ng store. "Delata, inumin, at mga biskwit lang. Kuhaan mo ako ng battery kapag may nakita ka."

Nauna nang pumasok sa loob si John habang nag-aalangan naman si Bianca. "Parang may mali."

"Bakit? Baka gutom lang yan tara na dito."

Dumiretso si John sa pinakadulo habang maingat niyang sinusuri ang paligid. May mga kalat sa sahig na butil ng bigas ngunit hinayaan lang ito ni John at tinapakan na lamang.

Umiling si Bianca. Something's wrong. She can definitely feel it. Masyadong tahimik ang paligid. It was like a cook preparing something to cook. Now's the preparation and later ang cooking.

Pumasok na si Bianca at sa harapan siya nagsimula. Sa unahan ng counter ay may nakita siyang mga chocolate. Medyo natakam siya sa itsura ng Snickers dahil ngayon lang ulit siya nakakita nito kaya naman dumampot siya at binuksan ito sabay kagat sa kalahati. Napapikit siya sa sarap ng tsokolateng hawak niya.

John saw her and couldn't resist to giggle. "Gutom lang diba?"

The truth is, it was not. A low pitch noise from a rusty metal filled the store. It made them both stop from what they're doing.

"Ano yon?" Mahinang tanong niya kay John.

John pointed his flashlight towards the direction of the noise. Galing ito sa pinakasulok ng store. Madilim noong pumasok sila kaya hindi niya agad napansin ang mga tuyong dugo sa sahig sa may dulong parte ng store.

He carefully assessed the scene. May mga marka ng dugo sa sahig na para bang ang hugis nito ay isang kamay na hinila papunta sa kanang dulo ng store. Nahaharangan ito ng shelf kaya hindi niya makita kung saan patungo ang dugo. Marahan na sinundan ito ni John.

Bianca didn't hesitate and stopped him. "John. Umalis nalang tayo."

John stopped but only to looked at her. Nasa dulo na siya mismo ng shelf at maaari niya nang makita kung saan papunta ang dugo. "Be ready, Bianca."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now