23: Bottom Line

107 4 0
                                    

Third Person POV

Terrence and the others decided to kill the other guy. Wala silang choice.

"Hayaan niyo siya." Matigas na utos ni Terrence kay Mary, Jacob, at kay Chixie na kagigising lang.

Hindi pa actually patay yung payat. Binaril lang ni Terrence ang hita nito at hinayaan na humandusay sa loob ng silid habang papasok ang mga walkers.

Pumasok sila sa kabilang silid kung saan may bukas na bintana palabas sa likod ng Clinic. Akay ni Jacob at Mary si Maggie habang si Terrence ang nasa unahan upang manguna sa paglakad.

Naunang lumabas si Terrence sa bintana. Agad siyang nagmasid sa paligid upang matiyak na walang walkers malapit sa kanila. Naglakad siya padiretso sa unahan kung nasaan ang entrance at doon ay nakita niya ang patuloy na pagpasok ng mga walkers sa loob ng clinic.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Chixie kay Jacob at Mary.

Unang lumabas si Mary atsaka niya tinulungan na mailabas si Maggie sa bintana. Pagtapos ay sumunod naman si Jacob na hawak ang uluhan ni Maggie.

"Kahit saan wag lang dito." Sagot ni Jacob.

*Scream*

Saglit na napalingon si Chixie. Narinig kasi nila ang lalaking iniwan nila sa loob na humihiyaw at nagmamakaawa. Tapos ay nakarinig sila ng malakas na tunog ng isang walker.

Agad na tumalon palabas si Chixie at sumandal sa ilalim ng bintana. She heard footsteps from inside just behind her. It's growling and making eerie sounds. Magsasalita sana si Jacob pero agad niya itong pinigilan at sumenyas na tumakbo.

Sinunod naman nila ito at nauna na sila palayo. Napansin naman ni Terrence na umalis na sila Jacob at mag-isa lang si Chixie na nakasandal sa pader kaya pinuntahan niya ito. Paglapit niya ay nakita niyang may walkers sa loob ng silid kung saan sila lumabas kaya agad siya napayuko at sumandal din sa tabi ni Chixie.

"Tatakbo tayo pagbilang ko ng tatlo." mahinang sabi ni Terrence kay Chixie.

Agad itong sinundan ni Chixie at naghanda sa pagtakbo. Hinanap ng mga mata niya ang direksyon kung saan nagtungo sila Jacob at Mary.

"Isa."

Where is it?

"Dalawa."

*Glass cracking.*

"Tatlo." Sigaw ni Chixie kasabay nang biglang pagkabasag ng salamin mula sa itaas nila.

Nauna siyang tumakbo. Hindi siya lumingon o tumigil para tignan kung nakasunod ba sa kanya si Terrence. She just keeps running and running hanggang makita na niya sila Jacob na tumatakbo habang buhat si Maggie.

May napansin siyang isang walker na mabilis na tumatakbo palapit sa kanya galing sa isang bahay. She stopped running and started looking for something na pwedeng ipampatay sa walker.

Wala siyang nakitang pampatay kaya ang ginawa niya ay tumakbo na lamang papasok sa isang bahay. Hinawakan niya ang doorknob upang iikot ngunit hindi ito mabuksan. Sinubukan niya itong hampasin ngunit hindi ito mabuksan. Palapit na sa kanya ang walker at nakakatakot ang itsura nito na tila ba isang gutom na hayop.

She moved to the window kung saan nabuksan niya kaya dali-dali siyang pumasok dito una ang ulo. Sa pagpasok niya ay nahawakan na ng walker sa labas ang isang paa niya at akmang mangangagat ito pero malakas niya itong sinipa sa mukha kaya nakawala siya sa pagkakahawak nito.

I want to live. Please, help me.

Napasigaw siya nang biglang nabasag ang salamin sa bintana at pumasok ang kalahating katawan ng walker na pilit siyang inaabot. Humanap siya ng pampatay at nang makita niya ang isang malaking basag na salamin na may matulis na gilid ay dinampot niya ito saka sinaksak sa ulo ng walker. Namatay ito at dumanak ang itim na dugo sa sahig.

Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon