08: Private Villa

77 3 0
                                    

"Shit."

"Bakit? Anong nangyari?"

"Wala na tayong gas."

They were inside the car in silence after they stopped in the middle of the road. Walang mga patay na makikita sa daan ngunit may ilang sasakyan ang nakaharang dito.

Sa kaliwa nila ay makikita ang dagat. Maalon ito pero manda naman tignan. Kung may phone nga lamang si Jeena ay kanina niya pa ito kinuhanan ng litrato pagkahinto palang ng sasakyan.

No one really knows why they are in silence. Maybe sa pagod? Or for the fact that they have lost someone back in the airport.

"Malapit na tayo. Kung magsisimula na tayong maglakad ay makakarating tayo agad sa villa." Basag ng matanda sa katahimikan sabay tingin sa labas kung saan makikita ang gubat.

"Sigurado ba na may yate sa villa na yan?" Tanong ni Manuel sa matanda.

"Ako ang katulong sa Villa na iyon. Alam kong nandoon pa rin ang yate ng mga boss ko."

Isang araw bago magkaroon ng virus ay mabilisan na nag-impake ang mga amo nya dala ang mga nito. Ang alam ng matanda ay pupunta lamang ito sa Palawan upang magbakasyon ngunit sa tingin niya ay alam ng mga ito ang mangyayari kaya nagsi-alisan ang mga ito. Agad na nagtungo sa eroplano atsaka lumipad palabas ng isla.

Ang kasama naman na katulong ng matanda ay biglang trinangkaso at hinika kaya agad niya itong pinadala sa hospital. Doon na nag-iba ang kasama niyang katulong at naging kagaya din ito ng iba pang patay.

"Alis na tayo." Suwestyon ni Rita. Nakinig sa kanya si Manuel at sinabihan silang bumaba na sa sasakyan.

Wala naman silang ibang dala kundi mga sarili nila. Ang tanging armas lang na meron sila ay ang tubo na bitbit ni Manuel.

"May pagkain po kaya doon sa villa?" Tanong ni Jeena. Tumunog kasi ang tiyan niya na takdang gutom na siya. Ganon din ang nararamdaman ng iba dahil halos isang araw na silang hindi kumakain.

Umubo ang matanda bago sumagot. "Sa pagkakatanda ko ay may mga stock ng pagkain sa bahay."

Sa loob naman ng sasakyan ay tinutulungan ni Rita na lumabas si Leo. Masakit pa rin kasi ang paa nito at medyo nanghihina dahil na rin sa gutom. Lumapit na si Jeena upang tulungan si Rita na akayin si Leo pagkalabas nito.

Sinulit ni Manuel ang hangin. Matamis ito at medyo malamig. Somehow, nakakapagbalik ito ng mga ala-ala ng nakaraan kung saan ayos pa ang lahat. He felt as if the world is still the same. He wanted it to be the same. But it's gone.

Bago pa man maging emosyonal si Manuel ay pinigilan na nya ito. Sinabi niya sa mga kasama niyang magsimula na silang maglakad.

Hindi na sila sa gubat dumaan dahil wala naman patay sa kalsada. Iyong kotseng naabutan nilang nakatigil sa kalsada kanina ay may nakahandusay na bangkay at may saksak ito sa mata. Napalingon na lamang si Jeena sa ibang direksyon upang hindi makita ang nakakasukang eksena na ito.

Lumapit si Manuel sa patay. Inabot niya muna ang hawak niyang bakal sa matanda upang ito na ang gumamit ng bakal. Hinugot niya naman ang nakatusok na crowbar sa mukha ng bangkay at pinunas niya sa damit niya ang dugong naiwan dito upang ito nalang ang magamit niyang panlaban sa patay.

"Hindi ko alam na may iba pang bahay dito sa gawing ito." Nanghihina na sabi ni Leo habang akay siya nila Rita.

Tumugon naman ang matanda. "Mga mayayaman ang nakatira sa gawing ito. Ang ilan sa mga ito ay umalis bago pa magkagulo at kasama doon ang amo ko."

Nagsimula na silang muli na maglakad. Nanguna sa paglakad si Manuel na ang nasa isip ang maghanap ng magagamit habang nasa daan sila.

"Katulong ka?" Tanong ni Rita.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now