01: The Chaos

751 34 1
                                    

Chixie POV

Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko kung totoo ba itong mga nakikita namin sa tv screen ng office. Live ito mula sa CCTV's ng building at kitang kita namin ang gulong nangyayari sa labas. Tila ba hindi takot ang mga tao sa mga pulis dahil maski sila ay inaatake ng mga ito.

"Baka nakadroga sila?" Comment ni Jillian sa gilid.

We've been here for an hour na and I've been trying to reach Ms. Kaye pero hindi niya sinasagot. Kinakabahan na ako. I asked Max kung pwede akong lumabas pero hindi daw pwede. May mga guard sa ibaba at tinambakan nila ng pangharang yung mga daanan.

Lumayo ako sa mga officemates ko at nagtungo sa hagdanan kung saan may daan patungo sa rooftop. 2 floors away from me lang ang rooftop kaya hindi ako hiningal pag-akyat.

Wala akong nakitang iba sa rooftop kaya lumabas ako. Bahagya akong sumilip sa ibaba upang tignan kung ano ang nangyayari. Magulo pa din at mas detalyado kong nakikita ang lahat kesa sa TV screen.

Hinugot ko ang phone ko at sinubukan ulit tawagan si Ms. Kaye. Hindi ko alam kung nananadya ba o ano ang signal dahil no signal ang nakalagay. I looked down again and it seems like wala nang electricity.

This isn't good. Mag-isa lang ang anak ko. I can't be here. Kailangan ko siyang puntahan!

I lean over sa mga sides para sana maghanap ng ladder paibaba pero wala akong nakita. When I tried to look at the back, I saw one. However, may tao na nakaupo doon.

Sino nga siya ulit? Paolo? Francis? Hindi ko kasi kabisado mga pangalan ng officemates ko. Hindi ko din siya nakakausap dahil iba ang group of friends niya sa office.

Nakita kong tumingin siya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya bigla ko na lamang itinaas ang kamay ko at kumaway sa kanya habang nakangiti.

"Hi." Mahina kong sabi. Enough na iyon para marinig niya.

"Hi? Anong ginagawa mo dito Ms. Alvarez?" Tanong niya. Tumayo siya sa pagkakaupo at pinagpagan ang puwetan niya.

Alam niya ang pangalan ko? Wow. Hindi ko alam ang pangalan niya pero alam niya ang akin. Ang sama ko naman sa part na iyon.

I jumped over upang makababa ako at makalapit sa kanya. "Nasa school ang anak ko. Kailangan ko siya puntahan." I said.

"You can't come down here. Tinanggal nila yesterday yung ladder sa ground." He said.

Sinilip ko kung totoo ba ang sinasabi niya at nakita kong totoo nga. Ngunit mukhang kaya ko naman talunin yung taas doon. Hindi siya gaanong kataasan.

"I think kaya ko bumaba doon?" Sabi ko sa kanya.

Lumakad na ako palagpas sa kanya. Bigla siyang nagsalita. "Sure ka? Magulo sa ibaba. Mas ligtas ka dito."

I stopped for a second at inisip ang sinabi niya. Pero kasi ang anak kong si Sophie... Mag-isa lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Ms. Kaye. Kinakabahan na ako.

Nagpatuloy na ako ulit at bumaba na hanggang sa maabot ko ang pinutulan ng hagdan. Oh no. Mukhang mataas masyado ang babagsakan ko. Kaya ko ba ito?

Tumingin ako pabalik sa itaas.  Kailangan kong puntahan si Sophie. Kaya ko ito. Hindi naman siguro masakit bumagsak sa ibaba.

Pumikit muna ako at huminga ng malalim sabay talon. Pagbagsak ko ay nauna ang tuhod ko at may naramdaman akong sobrang sakit kaya napasigaw ako pero hindi masyadong malakas. Humiga lang ako sa lupa hanggang sa medyo gumaan na ang kirot. Sinilip ko ang tuhod ko at nakita kong may dugo ito pero hindi naman gaanong marami. Parang gasgas lang.

Ilang saglit pa ay tumayo na ako at dahan-dahan naglakad. Hindi pa ako nakakalayo ay may narinig akong bumagsak mula sa likod ko. Humarap ako upang tignan kung ano iyon at nakita ko si Paolo not sure kung iyon ang name niya. Nakababa na din siya gaya ko pero nakatayo ang pagbagsak niya.

Wow. How did he do that? Inalis ko na agad ang pagkamangha sa mukha ko bago pa niya ito makita.

Lumapit ako sa kanya at tinanong siya. "Oh? Saan ka pupunta?"

He just smiled awkwardly. "Hindi ligtas dito eh. Uuwi na lang ako."

Tumango lang ako at tumawa ng mahina. O diba siya din!

Umuna na ako sa kanyang lumakad at lumiko palabas sa kalsada. Sa kabilang side kami dadaan at hindi sa unahan dahil may riot doon.

Kaso lang...

"Oh my god..." Mahina kong bulalas.

Naramdaman kong nasa likod ko na si Paulo dahil may humawak sa balikat ko. Tinignan ko ang reaksyon niya at pati siya ay hindi makapaniwala sa nakikita niya.

This is far more different than on tv screen or rooftop. Sobrang gulo ng kalsada. Nagtatakbuhan kung saan-saan ang mga tao at may sunog sa kabilang kalye. May pulis akong nakikita pero maging sila ay magulo din.

"WAAAH!"

*GUNSHOT*

Napayuko kaming dalawa ni Paulo dahil sa putok na narinig namin ngunit para bang kami lang ang nakarinig dito. Parang hindi nila alam na may pumutok at patuloy pa rin ang lahat sa mga ginagawa nila.

"Tulong..."

May lalaking naka business attire ang papalapit sa amin at duguan siya. May umaagos na dugo mula sa leeg niya pati na sa braso niya. Unti-unti akong lumayo sa kanya pati si Paolo kahit na lumalakad siya palapit sa amin.

Anong nangyari sa kanya? Grabe naman ang riot na ito! Mukhang malalim ang sugat niya at madami talaga ang nalabas na dugo.

Kinausap ko si Paolo. "Huy tulungan mo siya!"

Bahagya ko siyang tinulak pero nagsumiksik ulit siya pabalik sa akin. "Walang tulakan potek alis na tayo dito tara!"

Hinila niya ako at hindi na ako pumalag dahil iyon ang pinakamahusay na idea ngayon. Hindi ko na alam kung saan kami pupunta. Nagpahila na lang ako sa kanya.

May mga nakabangga kaming isang tao at tinitigan ko ito mata sa mata dahil parang hindi niya ininda na nabunggo namin siya. Yung mukha niya, sobrang putla na para bang inalisan na ng dugo. Iba ang mata nito na medyo madilaw na shallow. Alam mo yon? Para siyang bangkay.

Madami pa kaming nakabangga na kagaya noon. Droga ba ang nilaklak nila?

Huminto na din kami sa wakas kung saan konti lang ang tao. Hindi gaanong malayo ang pwesto namin mula sa school at mula dito ay kaya na naming lakarin ang school. Oo, namin if sasama siya.

Tinanong ko siya. "Sasama ka ba sa akin sa school o hindi? Kung hindi ay aalis na ako."

Tumingin muna siya sa likod at nag isip bago sumagot sa akin. "Sasama nalang."

May sumabog mula sa likod namin kung saan kami galing kanina. Just like the gunshot, konti lang ang nag-react dito. Ang ibang mga tao mula doon sa dinaanan namin ay dahan-dahan na lumalakad palapit sa akin. Wala silang reaction o kung ano pa man. It's just a blank face.

Hindi ko na hinintay na magaya kami sa lalaki sa kanya at ako naman ang humila sa kanya. Hindi ito ganti pero pwede niya naman isipin na oo.










Zombie Outbreak Where stories live. Discover now