20: Nightfall

185 11 0
                                    

Chixie POV

It's been 5 hours since the shooting stopped. Mula din kanina ay hindi pa ako umaalis dito sa tabi ni Ms. Kaye at nakatitig lang.

I was thinking about what I saw kanina. Hindi totoo ang mga nakita ko kanina. Si Sophie na naka-white dress. I think it was just hallucinations.

She died. My child died.

Tumayo ako para tumingin sa bintana. Gabi na pala. Nasaan kaya ang iba? Kanina pa sila wala dito. Sabay-sabay silang lumabas kanina at hindi ko alam kung bakit. Nakatulala lang kasi ako kanina.

*Grunting*

Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakahiga si Ms. Kaye. I heard she lost a lot of blood. May wound siya sa binti niya and It was my fault. Kung hindi dahil sa akin, hindi siya masasaktan. Kagaya ng nangyari sa anak ko, ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi ako naging mabuting ina.

Chineck ko kung may lagnat ba si Ms. Kaye. Pinagpapawisan kasi siya at namumutla. Pinatong ko ang kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman.

She's slightly feverish. Aalisin ko na sana ang kamay ko kaso bigla niya akong hinawakan ng mahigpit. "Sorry... Wag.."

Hindi ko nalang inalis ang kamay ko at umupo ulit sa tabi niya. Pinatong ko ang ulo ko sa tabi ng ulo niya at tumitig sa kawalan.

Ano kayang nangyari sa amin kung sakali na hindi kami sumama kay Kurt sa Camp? That day, I think that day was the start of everything. Namatay si Francis. Namatay yung mga bago kong kakilala. I almost died. Buhay pa siguro ngayon si Sophie kung hindi lang kami umalis doon sa bahay.

*Grunting*

Madami akong natutunan after nung nagsimula ang virus. I learned how to fight. I learned how to be a survivor. But I think it cost me my child.

*Coughing*

Hindi si Ms. Kaye ang umuubo. It was someone else. Yung lalaki kanina na nakita namin sa kalsada. He got shot at kinaladkad siya ni Mary papunta dito sa school. Ginamot naman siya ni Terrence at ayun, nakatulog kasabay ni Ms. Kaye.

Inangat ko ang ulo ko. Lumingon ako kung nasaan siya at nakita kong nakadilat na siya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

It's funny you know. Maasikaso ako sa iba pero sa anak ko hindi. I should have been there for her. I should be the one who died. It should be me.

Nagluluha ang mga mata niya habang nakatingin sa kisame. There's a bottle of water sa side niya. Kinuha ko ito para ipainom sa kanya.

"Bakit niyo ako niligtas kanina?"

Napahinto ako. "Bakit hindi?"

Hindi ko gusto kung saan tutungo itong usapan namin. I shouldn't be the one talking to him about this dahil maski ako, gusto ko tanungin ang sarili ko bakit ako ang nakaligtas. Biktima din ako.

I heard him crying, silently. "Bigla silang dumating sa lugar namin. Ang mga army."

Humarap ako sa kanya at bumalik sa pwesto ko. Binuksan ko ang bote ng tubig pero hindi ko inalis ang takip. Binaba ko ito sa sahig sa gilid niya. Umupo ako sa gilid niya at nakinig.

"Alam mo ba, masaya kami nung nakita namin yung mga army. Akala namin ligtas na kami. Akala namin tapos na ang lahat dahil may army na eh. Mali pala kami. Masyado kaming nagtiwala sa nakikita namin."

Pinatong niya ang kanan niyang kamay sa dibdib niya at parang kinakamot niya ito ng mahina. "Una, pinagbabaril niya iyong mga nakaabang sa gate namin. Tapos pinaulanan nila kami ng bomba. Hindi ko alam kung saan kami tatakbo noon. Masyadong magulo ang lahat."

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now