06: Bitter and Sour

75 4 0
                                    

Nagtatago sa isang silid ng simbahan ang apat habang nakikinig sa ingay na ginagawa ng mga patay sa loob ng simbahan. Hindi sila gumagawa ng malalakas na ingay upang hindi sila marinig ng mga ito.

Kanina, tinanggal ni Rita ang mga manggas ng damit niya upang gawing panali sa kahoy na nilagay nila sa paa ni Leo na binali ng matanda. Nagtagumpay si Rita na maibalik sa dati ang na-dislocate na buto ni Leo ngunit hindi pa nila alam kung magiging maayos na ba ang lagay nito.

They've talked awhile ago about how they want to go away but Rita told everyone to stay put. She thinks someone else might've survive this apocalypse.

"Umiinit na siya." Mahinang sabi ni Manuel matapos kapain ang noo ni Leo.

Mabilis na tumabi si Rita kay Leo. Kinapa niya din ang noo nito at naramdaman na mainit ito. "Kailangan natin ng biogesic at Ibuprofen."

"Ibuprofen?"

"Tingin ko, may pagdurugo sa loob ng paa ni Leo.  Makakatulong ang Ibuprofen para mapatigil ito."

Nanahimik muli sila at nakinig. Kumonti ang naririnig nilang ingay sa loob mula pa kanina. Sa tingin nila, ang ibang patay ay lumabas na ng simbahan upang humanap ng ibang makakain.

"Malapit nang gumising si Leo. Kapag nagising yan, panigurado na magiging maingay siya dahil sa sakit." Tumitig siya kay Manuel. "Kailangan natin ng maraming pain meds."

Tumitig din si Manuel kay Rita. Naiintindihan niya ang gusto nitong iparating. "May mercury drug malapit dito. Kung tatakbo na ako ngayon, baka makabalik ako agad dala ang mga gamot."

Rita decided to let him be. They've found a hatch inside the room where they're in right now. Doon dumaan si Manuel palabas ng simbahan. Sa silid ay naiwan lamang silang tatlo habang nakikinig sa ingay sa labas ng pintuan.

Sa pakikinig ay nakaidlip si Rita. She's back in the resort, the same day they saw what happened to Batangas. She panicked. She tried telling everyone kaso hindi sila nakikinig.

Tumigil siya at pinagmasdan ang paligid. Doon pumasok sa isip niyang nananaginip lang siya. Tapos na ang mga ito. Kaso naguluhan siya nang bigla niyang narinig ang boses ng Coach niya. She turn around to see saan nanggagaling ang boses at sa pangalawang ikot niya ay nagbago ang paligid. It was dark and quiet. May mga tao siyang kasama pero ang mga ito ay naging kagaya nung mga patay sa labas. Then she felt something touched her fingers that woke her up.

"Ate? Gumising ka na kailangan na nating umalis." Paimpit na pagmamakaawa ni Jeena sa kanya.

Saglit siyang hindi gumalaw at pinakiramdaman ang paligid. Tila ba hindi pa niya nababawi ang sarili niya mula sa pagkakaidlip.

"Ate!"

*Door cracking*

Agad na napatayo si Rita. Nakita niya ang pintuan ng silid na may crack. May mga malalakas din na ingay ang nanggagaling sa labas nito.

"Hindi pa bumabalik si Manuel?"

Mahinhin na umiling si Jeena. Nakaharang ang katawan niya sa pintuan at hirap na hirap ito sa pagtulak.

"Oh sige, mauna kang bumaba. Saluhin mo si Leo ha." Utos ni Rita.

Agad na lumapit si Rita sa hatch at binuksan ito. Mabilis siyang lumusot palabas.

Buong lakas na hinila ni Rita ang katawan ni Leo. Una niyang nilusot ang ulo ni Leo na sinalo ni Jeena sa baba. Tinulak niya ito palabas habang suportado ni Jeena ang bigat ni Leo pababa. Nang makababa si Leo ay saglit siyang tumingin sa silid. Matapos na mapansin na wala silang naiwan ay agad na din siyang lumusot. Inabot niya ang pintuan ng hatch upang isarado ito.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now