24: Don't Tell

93 3 0
                                    

Third Person POV

What day is it? Hindi na alam nila Chixie. It's been 2 weeks since the virus started and they are still waiting for the virus to end.

*Gunshot*

Chixie gasped when she heard the gunshot. Agad niyang tinignan kung siya ba ang tinamaan.

Not me.

Nakita ni Maggie ang biglang pagliwanag mula sa itaas ng mall na parang mula sa isang salamin. Agad niyang hinila papunta sa gilid si Chixie. Sinigawan niya naman sila Jacob dahil parang wala sa sarili ang mga ito. "Sniper!"

Nawala naman sa pagkatulala si Jacob at agad siyang lumapit kay Mary na umiiyak at sumisigaw sa nakahandusay na katawan ni Terrence sa sahig. Nagtago sila sa gilid ng isang puno. Hirap na hirap siya sa pagpigil kay Mary na bumalik kay Terrence.

Anong nangyari?

Ngayon lang pumasok sa isipan ni Chixie na nabaril ang isa sa kanila. Pumatak ang mga luha sa mga pisngi niya dahil habang nakatitig siya sa katawan ni Terrence ay naaalala niya ang katawan ni Francis at ni Aling Felie. She remembered everything.

Minutes later, men arrived. Sakay sila ng isang sasakyan mula sa kung saan galing ang putok ng baril.

Agad na tinaas ni Maggie at Chixie ang mga kamay nila pagkakita nila sa mga taong may dalang mahabang baril na nakatutok sa kanila. Hinarang naman ni Jacob ang katawan niya kay Mary nang lumapit sa kanila ang isang lalaki.

"Please, huwag!!" Sigaw ni Jacob.

Napasigaw na din si Chixie dahil sa mga nangyayari sa paligid niya. Hinawakan ni Maggie ang braso nito na nanginginig.

"Shit!"

"Sabi ko sayo tao yun eh!"

"Tsk!"

Binaba ng mga taong kadarating lang ang mga baril nila. Lumapit ang dalagang babae kay Chixie at Maggie saka inabot ang kamay.

"Huwag kayong matakot. Hindi kami kalaban."

Binaba nila Chixie at Maggie ang mga kamay nila at gayundin ang ginawa ni Terrence samantalang si Mary naman ay hindi pa din kumakalma. Tumakbo siya agad kay Terrence pagkatapos na umalis ni Jacob. Tinakpan niya ang pinasukan ng bala sa tiyan nito.

"Buhay pa siya.... Tulong!!"

Agad naman na tumakbo ang dalawang binatang lalaki palapit sa katawan ni Terrence. Ang isa ay tinignan ang sugat ni Terrence at ang isa naman ay tsinek ang pulso nito.

"Buhay pa."

Tumayo ang isang lalaki. "Ate Vangie, buhay pa po yung lalaki!"

Bumaba sa sasakyan ang isang babae na may mga tattoo sa braso at saka sumigaw ito. "Ano pang inaantay niyo? Ipasok niyo na yan at bumalik na tayo sa loob!"

Dali-dali na binuhat ng mga lalaki si Terrence pasakay sa likod ng sasakyan kung saan sinasakay ang mga galon ng tubig kapag deliver. Tinulungan naman ng iba si Chixie, Maggie, Jacob, at Mary na makasakay sa likod saka sila umalis pabalik sa Mall.

Chixie don't know if they are doing the right thing. Hindi nila kilala ang mga taong ito at pinaputukan sila nito kanina.

Napansin naman ng babaeng nag-approach sa kanila kanina na kakaiba ang tingin ni Chixie sa kanila. "Hindi po namin sinasadya ang nangyari sa kanya."

Masama naman ang tingin ni Maggie sa babae. "Bakit niyo kailangan mamaril? Wala kaming ginagawang masama sa inyo."

"Nababalot siya ng dugo. Akala namin zombie kaya binaril namin."

Jacob looked at the way while they enter inside the parking lot. It's empty and clean. Ang mga kotse ay nasa gilid at nagsilbing suporta sa mga fence. Then they turned right kung saan kumaliwa ulit sila papasok sa ilalim ng mall, ang indoor parking lot.

Sa loob, may mga naghihintay na mga tao. Mostly adult na babae na may suot na daster. Three of them rushed towards the truck and helped their friends take Terrence inside the Mall.

"Saan niyo siya dadalhin?" Utal na tanong ni Mary sa matandang babae kanina na bumaba ng sasakyan.

May maamong mukha ang matanda. Hindi mo agad masasabing matanda ito dahil sa malayo ay hindi mo mahahalata ang mga wrinkles nito. "Huwag kang mag-alala, may clinic sa loob ng Mall. Ang doctor na ang bahala sa kaibigan niyo."

They were so hesitant but they let them be. Some people approach them, gave them water and took them inside. Nagpaiwan si Chixie para sumilip sa labas dahil nagtataka siya kung ano ang nangyari sa mga Walkers. She was going to ask the lady in black shirt with a pony on her hair na kasama nung mga sumundo sa kanila sa labas but a kid came out of nowhere and run towards the lady.

"Ma! Asan si papa?" tanong ng babaeng bata.

Malungkot ang mukha ng babaeng naka itim pero hindi niya ito pinahalata sa bata. "Penny, umakyat ka sa taas. Babalik din ang tatay mo... Baka mamaya?"

Saglit na tumitig ang bata. Binabasa niya ang mukha ng nanay niya. Pilit niyang iniintindi ang nais nitong ipahiwatig ngunit hindi niya ito maintindihan kaya sinunod niya nalang at tumakbo pabalik sa loob.

Tumingin ang babaeng naka itim kay Chixie at ngumiti ito ng pilit. "Lumabas kagabi yung asawa ko kasama si Jace... Gaya ng ginagawa nila araw araw."

Hindi nagsalita si Chixie. Mukhang kilala niya ang tinutukoy ng babae. Alam niya ang nangyari sa mga ito at hindi niya alam kung sasabihin ba niya ito sa babae.

"Ay, sorry.." Napansin ng babae na hindi siya sinagot ni Chixie. Inabot niya ang kamay niya para makipagkamay kay Chixie. "Ako si Charlie."

Saglit na tumitig si Chixie sa kamay ng babae. Iniisip niya kung kakamayan niya ba ito o hindi.

Ang babae na ang kumuha sa kamay niya. Nakangiti ito ng masigla kaya nagpeke nalang si Chixie ng ngiti. "Ako naman si Chixie."

They can't know.

Naging mabait ang lahat sa kanila. Binigyan sila ng sariling pwesto at mga gamit. May mga pagkain din na hindi ipinagdamot sa kanila.

Nakilala ni Chixie si Charlie sa loob lang ng dalawang araw. Siya ang kasama nito nang malaman ni Charlie na patay na ang asawa niya pati ang kaibigan nito.

Hindi alam nila Mary ang nangyari. Masyado kasing nakatuon kay Terrence ang atensyon nila dahil gumising na ito ngunit masakit pa rin ang sugat niya.

Nagkaroon naman ng kaibigan si Jacob. It was the girl who approached Maggie and Chixie noong nasa labas pa sila. Her name is Vanya and same age lang sila ni Jacob. Para silang aso't-pusa kapag nasa kainan pero dahil lang ito sa pang-iinis ni Vanya kay Jacob.

Sa rooftop ay may babae at lalaking nagbabantay sa galaw ng labas. May mga walkers sa ibaba ngunit kaunti lamang ito.

Both of them are teasing each other. Tapos biglang hinalikan ng lalaki ang babae. Nagpadala naman ito at humalik hanggang sa nangyari na ang dapat mangyari.

Dahil sa ginagawa nila ay hindi na nila napansin ang pagdaan ng isang fighter jet sa itaas at napansin nito na may ilaw sa rooftop. Bumalik ito at saka naglaglag ng dalawang missile sa ibaba, patungo sa Mall.

Bigla nalang tumilapon si Chixie sa salamin ng isang store at nabasag ito. Dumiretso siya sa loob hanggang sa tumama siya sa mga damit na nakahilera.

Nagbagsakan ang kisame at mga gamit. May mga sumisigaw at humihingi ng tulong. One of them is the doctor who treated Terrence. May nakadagan na malaking bato sa tiyan niya at may lumalabas na dugo sa bunganga nito.

Nahirapan huminga si Chixie. Iniisip niya pa kung ano ang nangyayari. Lumingon lingon siya para hanapin si Maggie pero hindi niya ito makita. Iba na ang itsura ng Mall na naging tahanan nila sa loob ng dalawang araw.

Napahinto nalang siya sa paggalaw dahil napansin niyang may tumutulo mula sa itaas. Sinalo niya ito at pinagmasdan.

Dugo.

Bigla nalang nag-sink in sa kanya ang nangyari pati na ang sakit ng sugat niya sa kanyang noo. Napasigaw na siya sa sakit at shock habang nakaupo sa maalikabok na sahig.









Zombie Outbreak Where stories live. Discover now