Rain.Boys II DripDrop: 9.1

2.6K 112 6
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Naglalakad na ako noon papunta sa bahay nila Arwin, ewan ko ba kay Drop kung ano bang masamang hangin ang nalanghap at bigla na lamang niyang sinuntok si Nicco, nandun na ako sa idea na nagseselos si siya pero pwede na kausapin nang maayos yung tao.

        “Anak ng hilaw na engkanto, bakit di ka mag-reply Drop.” ang sabi ko habang patuloy na naglalakad at tinatadtad ng text si Arwin, simula kasi ng maglakad ako patungo sa kanila ay tinetext ko na siya pero walang reply, “humanda ka sa akin mamaya tatadtadin kita, sige lang deadmahin mo lang ako.” ang sabi ko pa nang dahil sa inis.

        Ilang sandali na lang kaunting kembot na lang makakarating na ako kila Luke, kaya tinignan ko ulit ang cellphone ko pero wala pa ding reply ang mokong, kahit ok, k, o kahit blank message man lamang, kaya naman tinawagan ko na siya, at may sumagot, english pa, buwiset yung operator. Nag-alala na ako sa kanya kaya naman masbinilisan ko pa ang pagkembot ko este paglalakad ko, at voila! Nakarating na ako sa ikalawa kong tahanan.

        Saktong sakto ang dating ko at nakita ko na palabas si Mommy Lucy, “Magandang gabi Mommy Lucy.” ang bungad kong bati.

        “Magandang gabi din anak.” ang bati din nito sa akin.

        “Saan po punta niyo Mommy Lucy?” ang tanong ko sa kanya, medyo tsismosa din ang dating ko ha-ha.

        “May bibilhin lang ako sa groceries, nakalimutan ko kasing mamili kanina, naubos na pala ang ilan sa mga stock sa kusina.” ang sagot naman ni Mommy Lucy.

        “Ah ganoon po ba? Gusto ko po sana kayo samahan kaso kailangan po kasi makausap si Arwin, nandiyan po ba siya?” ang tanong ko ulit.

        “Ay oo, nasa kwarto niya si Arwin, nakasambakol ang mukha noong dumating, tinatanong ko kung bakit pero ang sagot lang niya ay wala daw, bakit may napagtalunan ba kayong dalawa?” ang sabi ni Mommy Lucy.

        “Wala naman po Mommy, may pinagselosan po kasi na kaklase ko na nagkataong bagong kapitbahay ko po ayun po.” ang sabi ko at di ko na sinabing sinapak din niya at baka mapektusan ni Mommy Lucy okay na yung ako na pumektus sa kanya ha-ha joke.

        “Naku yan talagang si Win may pagkasaltikin din, pasok ka na lang sa loob akyatin mo na lang, magsabay na din kayo kumain simula kasi nung umuwi yon di pa lumalabas ng kwarto niya, ikaw na bahalang pumilit alam ko namang kayang kaya mo yun.” ang pabirong sabi ni Mommy Lucy.

        “Sige po Mommy, ako na pong bahala, pepektusan ko na lang po para sa inyo.” ang pabiro kong sabi.

        “Oh siya sige aalis na muna ako, babalik din ako agad.” ang pagpapaalam ni Mommy Lucy at umalis na ito, pagkaalis na pagkaalis ni mommy Lucy ay agad na akong pumasok ng bahay at dali daling umakyat patungo sa kwarto ni Arwin.

        Agad akong kumatok sa pinto ng kwarto niya ng makarating ako, “Drop?” ang palambing ko pang sabi.

        “Wala, tulog, umalis, gumala, nagfieldtrip, walang yelo, walang tao.” ang mapang-asar na sagot nito.

        “Drop naman eh, mag-usap naman tayo.” ang sabi ko na palambing, alam ko na wala akong kasalanan, pero kahit na aabno abno tong mokong na to ay di ko pa din siya pwedeng pabayaang nagtatampo sa akin. “Drop, usap tayo please.” ang sabi ko at muli akong kumatok.

        “Wala na pong load.” ang sabi niya na talagang nananadyang mang-asar.

        “Drop naman, sige ka wala kang kiss sa akin pag hindi mo ako pinansin, wala ka ding hug.” ang sabi ko sa kanya na parang namba-black mail lang.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now