Rain.Boys II DripDrop: 11.1

2.5K 109 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang simulan namin nila Kris ang operation tabas damo ay wala pa rin kaming nakukuhang lead kung sino yung nagtetext na iyon, actually may hinala na ako kung sino iyon pero hindi ko pa din pwedeng ipaalam sa kanila hanggang sa may naisip akong isang magandang paraan para malaman ko kung sino siya.

        Wala kaming pasok noon, nasa kwarto ko lang ako at nakahiga lang ako sa kama ko noon, katext ko si Drop noong mga oras na yon, naglalambing na naman ang mokong, mayamaya ay nag reply siya sa akin.

        ‘Pabukas naman ng gate, dami ko dala eh.’ ang sabi ng text niya at nagulat naman ako at dali daling bumangon sa kinahihigan ko at nilabas siya. Pasaway talaga tong si Drop ugaling ugali talaga niya na bigla na lang pupunta, he’s a man of surprise talaga.

        “Teka bakit ang dami mo atang dala ano ba yan?” ang sabi ko habang binubuksan ang gate.

        “Ano pa eh di pagkain at damit. Nagluto kasi si Mommy at sabi niya na dalhan kita kasi baka daw hindi ka pa kumakain, at sabi ko dito na din ako kakain.” ang sagot niya.

        “Eh para saan naman yung mga damit?” ang usisa ko.

        “Eh di para saan pa, eh di dito ako matutulog mamaya kasi.” ang sabi nito abot hanggang tenga ang ngiti ng mokong.

        “At sino ang nagsabi na dito ka matutulog?” ang tanong ko sa kanya.

        “Eh di ako sino pa ba. Bakit di mo ba ako namiss?” ang sabi niya.

        “Hindi kita namiss. Araw-araw ba naman tayong magkasama.” ang sabi ko sa kanya.

        “Ano ba yan, ang daya naman ako namiss kita tapos ako hindi mo namiss.” ang sabi ni Arwin na parang batang nalugi.

        “Biro lang. Siyempre namiss kita kasi mahal kita.” ang sabi ko at sabay halik sa kanya at nangiti na naman ang mokong.

        Gusto ko sana siyang tulungan sa mga dala niya pero ayaw na niya akongpatulungin kaya ako na lang ang nagbukas ng pinto ng bahay sa kanya, at isasara ko na sana yung gate ng biglang sumulpot kung saan si Nicco.

        “Good day, Luke.” ang bati nito.

        “Ah Nicco, ikaw pala, good day to you Nicco.” ang tugon ko.

        “Are you busy today? Do you want to go out?” ang sabi nito pero hindi pa man din ako nakakasagot ay lumabas mula sa bahay si Drop.

        “He is busy today.” ang sabi ni Drop, wow ha ang lakas naman ata ng pandinig nitong mokng na to.

        “Ah I see. How about if I join the two of you?” ang sabi naman ni Nicco.

        “Aba’t ang kapal din nang asungot na ito hindi niya ba alam na kaming dalawa lang ni Drip ang dapat na mag-spend ng araw na ito.” ang bulong na sabi ni Arwin, mukhang nagseselos na naman ito, kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya sa akin at ngumiti ako sa kanya.

        “Ah I am so sorry Nicco, but this is a special day for us, and even though we want you to join us, we already planned that we will spend this together, me and Drop only. I hope you understand.” ang sabi ko at nakita ko na ngumiti si Drop sa sinabi kong iyon. Lately kasi selosan na lang ang dahilan ng tampuhan namin at ayoko ko namang araw arawin na nagkakatampuhan kami dahil doon.

        “Ah I see, I understand. Then I guess I have to go so that the to of you spend the time together, enjoy the day.” ang sabi ni Nicco at umalis na ito, nang makaalis na si Nicco ay humalik si Drop sa pisngi ko.

        “Salamat Drip.” ang sabi ni Drop sa akin.

        “Salamat naman saan?” ang tanong ko.

        “Kasi akala ko papayag ka na maki-join sa atin si Nicco, kaya nagulat ako noong sinabi mo sa kanya na hindi siya maaaring maki-join sa atin ngayon.” ang sabi nito sa akin na kita ang tuwa sa mukha.

        “Siyempre naman, alam ko naman na hindi ka mag-e-enjoy kasi kung kasama natin si Nicco baka 24 hours kitang makitang nakasibangot tsaka di ba namiss nga kita kaya dapat tayong dalawa lang ang mag spend time together.” ang sabi ko naman at humalik lamang ito ulit sa akin.

        Pumasok na kami ng bahay noon pero bago pa ako makapasok ay pinahinto niya ako pagkatapos ay piniringan niya ako.

        “Ano na namang pakulo to Drop?” ang tanong ko habang pinipiringan niya.

        “Basta relax ka lang diyan, di ba nga namiss natin ang isa’t isa kaya naman may surpresa ako sayo.” ang sabi naman nito.

        Nang matapos na siya na piringan ako ay inalalayan niya ako na makapasok ng bahay at pinaupo ako sa sofa, naririnig ko ang mga galaw niya at yung tunog ng mga gamit na ginagalaw niya, tila ba ay inaayos niya ang bahay.

        “Matagal pa ba yan?” ang tanong ko dahil ilang sandali na lang at ako na ang magtatanggal ng pagkakapiring ko sa inip.

        “Sandali lang wag kang excited.” ang sabi nito, at ilang sandali pa ay tila may narinig ako na sound effect na tila ba umuulan, mayamaya ay inalis na din ni Drop ang piring ko sa akin at nag buksan ko ng aking mata ay bumungad sa akin ang madilim na sala na ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang mga munting kandila na nakalagay sa tila shot glass na candle holder.

        Mayamaya pa ay tumugtog ang song na “Iris” ng Goo Goo Dolls, at hinarap ako ni Drop sa kanya, kinuha niya ang aking kamay at isinayaw niya.

        “Drip, naaalala mo pa ba nong kinanta mo yan bago noong mga oras na sumasayaw tayo sa ilalim ng ulan, yung mga oras na ang saya natin, yung mga oras na tila tayo lang ang tao sa mundo.” ang sabi niya at tila nagbalik sa akin ang mga oras na iyon, ang mga alaala kung gaano kami naging masaya noong naging kami at di ko mapigilang hindi maiyak sa tuwa ngunit pinahid niya ito.

        “Oo Drop, naaalala ko pa, naaalala ko pa din yun, yung mga oras na ikaw lang ang nakapagbigay saya, ang oras na nagsimulang maging masaya ang buhay ko.” ang sabi ko habang patuloy na nagsasayaw kami sa tugtog.

        “Drip, I am sorry if nagiging sakit ako ng ulo mo madalas, sorry if recently nagkakatampuhan tayo dahil sa mga kalokohan ko at sa pagseselos ko na wala namang basehan.” ang sabi pa niya habang nakatingin kami sa mata ng isa’t isa.

        “Drop ano ka ba, wala sa akin yung mga bagay na iyon dahil hindi ako magsasawa na unawain ka at patawadin ka dahil sa katigasan ng ulo, at alam ko na nagseselos ka kasi mahal mo ako, at kahit ako din naman di ba nagseselos din naman. Siguro that shows how much we love each other at kung gaano natin kagusto na manatili sa tabi ng bawat isa. Drop, I just hope na wala nang manggulo sa atin talaga tulad ni John before.” ang sabi ko.

        “Promise Drip, I promise I won’t let someone na manggulo sa atin, at hinding hindi ako papayag na saktan ka ng sino man, I will stay always sa tabi mo, hinding hindi kita iiwan Drip.” ang sabi ni Drop at di ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya, tila bumalik kaming dalawa sa oras na nag-uumpisa pa lang kami, naramdaman namin parehas ang saya.

        Ang buong araw na iyon ay talagang inubos namin at sinulit na magkasama, maliban lang sa paliligo siyempre di kami sabay mamaya gahasain pa ako ng kapreng yon mahirap na baka bumigay ako ha-ha. Masaya ang naging araw naming magkasama, hindi ko maipaliwanag ang saya, sana laging ganito, sana talaga hindi na kami magkahiwalay pa. Oo alam ko marami pa ang maaaring dumating sa amin, pagsubok, mga tao na handa kaming paghiwalayin, pero sana sapat na yung tatag naming dalawa para lagpasan at kayanin ang anumang darating sa amin ni Drip, dahil ayoko mangyari ang mga bagay na nakikita ko sa mga panaginip ko, panaginip na maituturing kong bangungot.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now