Rain.Boys II DripDrop: 16.3

2.4K 119 4
                                    

[SPG WARNING] Ang bahaging ito ng Rain.Boys II ay naglalahad ng mga maseselang eksena at detalye na maaaring hindi angkop sa mga batang mambabasa o 17 below ang edad. Kung hindi naman sanay sa ganitong uri ng eksena at detalye ay maaaring laktawan na ang bahaging ito at magpatuloy sa Rain.Boys II DripDrop: 16.4, maraming salamat.

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Nang matapos ang sorpresa para sa akin ni Drip ay nagtulong tulong kaming lahat na ayusin ang lahat ng mga ginamit. Pagkatapos noon ay nagpasiya ng umuwi ang lahat, gusto sana namin na mag-stay na sila at dito na kila Drip matulog pero dahil may pasok pa bukas ay hindi na namin sila pinilit pa. Uuwi na rin sana ako noon pero hindi na ako pinayagang umuwi ni Drip, ipinagpaalam na pala ako ni Drip kay Mommy noong umaga pa lang na sinundo na niya ako, hindi ko na din daw kailangang problemahin ang isusuot ko para bukas dahil may ibinigay na daw si Mommy sa kanya ang damit pamalit ko at uniporme na paplantsahin na lang bukas.

        “Mukang talagang planadong planado mo ang lahat ng ito ah.” ang sabi ko habang sinisiguro namin na wala kaming naiwang naka-unlock na pinto at bintana.

        “Oo naman, di ba nga sabi ko sayo ginawa ko ito para sayo para mapasaya ka.” ang sabi ng duwende na kitang kita ang tuwa sa mukha niya.

        Nang makasiguro na ay pinaligo na niya ako para daw mapreskuhan na ako. Naisipan ko siya harutin at hinila ko sa banyo pero sobrang bayolente ng duwendeng to nang makahawak ng hanger ay hinampas ako kaya naman wala ako nagawa kundi palabasin siya.

        Nang makatapos ako maligo at magbihis ay lumabas na ako ng banyo, nakita ko siya na nakaupo na sa kama niya. Palapit na ako ng kama para mahiga na din ng mapansin ko ang isang bagay na may nakatakip na puting tela kaya naman nilapitan ko ito.

        “Oy huwag mong gagalawin kung ayaw mng matulog ng duguan.” ang sabi ni Drip noong nakita niya ako na lumapit sa bagay na nakatakip ng puting tela.

        “Heto nga hindi ko na gagalawin eh.” ang sabi ko at kunwari ay inaayos ko ang tela. Bago ako mahiga sa tabi ni Drip ay pinatay ko ang ilaw ng kwarto, tanging yung lampshade na lamang ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto na iyon. Mula sa kinatatyuan ko ay napatingin ako kay Drip na kasalukuyang naka Indian sit sa kama, para siyang isang diwata na naghihintay lamang sa nag-aagaw na liwanag at dilim ng kwartong iyon.

        “Ano, diyan ka na lang matutulog?” ang tanong ni Drip nang mapansin niya na natulala na ako.

        “Ahh siyempre hindi.” ang sagot ko sabay takbo at nilundag ko siya dahilan para mapahiga siya habang nakapaibabaw ako sa kanya. Nagkatapat ang aming mga mukha at nagkatitigan ang aming mga mata, putek ano ba itong nararamdaman ko, ang mga mata ni Drip tila inaakit ako, hanggang sa ang titigan na iyon ay unti-unti kaming dinala sa unti-unting paglapat ng aming labi sa isa’t isa, pareho kaming napapikit at ninamnam ang bawat halik. Noong umpisa ay maingat at mahinahon ang aming bawat halik hanggang sa habang tumatagal ay nagiging mapangahas na ito. Ang mga dila namin ay tila mga eskrimador na nag eespadahan.

        Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Drip, naramdaman ko ang kakaibang init sa katawan ko gayon din ang init na nagmumula sa katawan ni Drip. Unti-unting gumapang ang aking halik kay Drip papunta sa punong tenga niya, pababa sa leeg, nadidinig ko ang malalalim niyang paghinga at ilang impit na pag-ungol. Ilang sandali pa ay inalis ko ang kanyang damit na pang itaas at nilaro ang mga utong nito, mas lumalim ang paghinga niya mas lumakas ang pinakakawalan niyang pag-ungol nagpapahiwatig na mas nadarama na niya ang mga nangyayari.

        Ilang sandali pa ay bumaba muli ang aking halik ngunit itinaas ako ni Drip at siniil ng halik sa aking mga labi at namalayan ko na lang na ako na ang nakahiga at siya naman ang nakapaibabaw sa akin. Ang malalambot niyang labi ay unti-unting gumapang sa aking leeg, ay sh*t hindi ko na alam ang gagawin ko tila mababaliw ako sa kakaibang nararamdaman ko. Pinaakyat ni Drip ang halik siya sa punong tenga ko na naging dahilan para mapaungol ako, gumapang ang kamay ni Drip sa loob ng aking damit at kinapa ang aking mga utong at marahan niya itong pinisil, at pinaglaruan.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon