Rain.Boys II DripDrop: 11.2

2.5K 121 5
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Magkatabi kaming natulog ni Drop, tulad ng dati nakaunan ako sa braso niya habang magkayakap kami. Tila napagod kami sa buong araw namin, kahit na nasa bahay lang ay ang dami naming nagawa na kalokohan, harutan, at kung ano-ano pa, hep bago maging green pasture yang mga utak niyo wala kaming ginawang ano ha basta yun na yun.

        “Masaya ka ba Drip?” ang tanong ni Drop sa akin.

        “Hindi ako masaya Drop, sobrang saya ko.” ang sabi ko at yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Yumakap din siya sa akin ng mahigpit at marahil sa pagod namin ay di na namin pang nagawang magsalita pa, sapat na yung nararamdaman namin na masaya kami na magkasama at magkatabi.

        “Drop saan ka pupunta?” ang tanong ko sa kanya nang bigla siyan bumangon at nakita ko na palabas siya ng kwarto, huminto ito sa tapat ng pinto at humarap sa akin.

        “Drip patawad, Drip mahal na mahal kita, sana mapatawad mo ako.” ang sabi nito, ngumiti siya sa akin habang umaagos ang mga luha niya sa mukha niya.

        “Drop ano ba ang nangyari? Bakit ka ganyan? Drop? Di ba ang saya pa natin kanina lang pero bakit ganyan ka na ngayon magsalita?” ang sabi ko pa at naramdaman ko na pumapatak na rin ang luha ko.

        “Drip, patawad kailangan ko ng umalis, pero pangako mananatili pa din ako sa tabi mo.” ang sabi ni Drop na patuloy pa din sa pag iyak, at binuksan niya ang pinto ng kwarto at lumabas na. Hinabol ko siya ngunit paglabas ko ng kwarto ay wala akong makita, sobrang dilim.

        “Drop... Drop... Drop nasaan ka? Drop! Drop natatakot ako. Drop nasaan ka na... Drop!!!!” ang sigaw ko ngunit wala akong madinig kung nakakabinging katahimikan lamang, ngunit ilang sandali pa ay nakarinig ako ng isang boses.

        “Drip... Drip... Drip... Gising Drip!” ang sabi ng boses, mayamaya pa ay lumiwanag ang paligid at ng muling imulat ko ang mata ko ay nakita sa tabi ko si Drop na alalang alala sa akin, napayakap ako ng mahigpit sa kanya at di ko napigilang umiyak.

        “Drop akala ko iniwan mo na ako, akala ko nawala ka na sa akin Drop.” ang sabi ko habang umiiyak ako na parang bata dahil sa takot na naramdaman ko.

        “Ssssh tahan na Drip, nandito lang ako, panaginip lang iyon, ano ka ba pwede ba na iwan kita? Siyempre hindi mahal kita bakit kita iiwan. Tahan na Drip, hinding hindi kita iiwan.” sabi sa akin ni Drop bilang pagpapatahan, hindi ko mapiglan na hindi maiyak pero niyakap ako ni Drop ng mahigpit at naramdaman ko ang init ng katawan niya na tumatagos sa damit niya at damit ko, init na nagsasabing Drip andito lang si Drop di ka iiwan kaya kumalma ka, at unti-unti na nga akong kumalma.

        Ilang sandali pa ay inihiga muli ako ni Drop at muli akong pumikit habang ako’y nasa mga bisig niya, nararamdamn ko ang mga daliri niya na pinupunasan ang mga luha ko. “Tahan na mahal ko, wag ka ng matakot nandito lang ako, managinip ka na ng maganda.” ang bulong ni Drop sa akin, at mayamaya pa ay tuluyan na nga akong nakatulog.

        Kinabukasan ay maaga akong nagising habang si Drop ay mahimbing parin na natutulog, malamang napuyat tong bantayan ako kagabi. Pinagmasdan ko ang napaka aliwalas na mukha niya, sa tuwing titingin ako dito ay di ko maiwasang mangiti dahal sa saya na naibibigay niya sa akin, tulad ng dati hinawakan ko ang mukha niya na tila ba kinakabisado ko. Dahan dahan kong pinapadaan ang daliri ko sa mukha niya na tila bawat daan ng daliri ko ay naiiwan ang imahe niya.

        “Wala man lang ba akong good morning kiss dyan?” ang pabulong na sabi niya sabay ngiti habang nakapikit pa din.

        Humalik ako sa kanyang labi, good morning Drop.” ang sabi ko.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now