Rain.Boys II DripDrop: 20.0

2K 106 4
                                    

JOHN'S POINT OF VIEW:

        Simula nang malaman ko ang kabutihang ginawa ni Luke para sa akin at sa mga kaibigan ko ay para akong nagising sa katotohanan sa mga kasamaan na ginawa ko sa kanya, ang pakiramdam ko ay sobrang sama ko. Itinuring ako ni Luke na tunay niyang kaibigan pero ang agawan siya at ang pahirapan siya ang isinukli ko sa lahat ng iyon pero sa kabila ng mga kasamaan kong iyon ay nagawa pa rin niyang gawan kami ng mabuti.

        Nang malaman ko iyon ay hindi ako nagdalawang isip na puntahan siya sa kanila upang magpasalamat at humingi ng tawad sa kanya sa lahat ng ginawa ko sa kanya at sa kanila ni Arwin. Alam ko na mahirap ako patawarin dahil sa lahat ng mga ginawa ko sa kanya pero tatanggapin ko kung hindi man ang maging sagot niya basta sapat na sa akin ang makapagpasalamat ako sa ginawa niyang kabutihan.

        Sa hindi kalayuan sa bahay niya ay hinintay ko siya na dumaan ngunit magdidilim na ay wala pa din siya hanggang sa hindi kalayuan ay nakita ko na siyang naglalakad hanggang sa lagpasan niya ako na tila ba hindi niya ako napansin kaya naman naisipan ko na siyang tawagin.

        Nilingon niya ako nong tinawag ko siya, bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan na kausapin ako, nababakas ko din sa mukha niya na may dinadala siyang problema ngunit hindi ko na muna ito pinansin bagkus ginawa ang pakay ko at iyon nga ang magpasalamat at humingi ng tawad. Hindi ko inaasahan na makukuha ko sa kanya kaagad ang kapatawaran, hindi ko alam ang sasabihin ko, nakaramdam lang ako ng kagaanan sa kalooban ko, ang pakiramdam ko ay gusto ko siyang yakapin para magpasalamat pero hindi ko magawa dahil alam ko na ilang na siya sa akin.

        Naging matamlay ang mga sumunod na tugon ni Luke sa akin kaya naman naglakas loob na ako na tanungin siya kung may problema siya at lumapit ako sa kanya, nong yakapin niya ako at umiyak siya ay pakiramdam ko ay namiss ko ng sobra ang best friend kong ito, namiss ko ang mga pinagsamahan namin. Naikuwento niya sa akin ang naging problema nila ni Arwin, hindi ko nga naiwasan na sermonan siya di ba ang kapal ng mukha ko manermon. Bago ko ako umalis noong araw na iyon ay ipinangako ko na tutulong ako sa abot ng makakaya ko bilang pambawi sa kabutihan niya, at tutupadin ko iyon.

        Pauwi na ako noon ng makita ko na papunta ang pinsan kong si Vincent sa direksiyon kung saan nakatira si Luke, ang traydor na to. Hinding hindi ko makakalimutan na siya ang dahilan kung bakit nalaman ni Arwin ang ginawa ko at ang dahilan kung bakit muntikan ng mapatalsik ang mga kaibigan ko. Kaya naman bago pa niya ako makita ay mabilis akong nagtago, lumiko ako sa kanto at nagtago sa likod ng isang poste.

        Nang makalagpas na siya sa kanto kung saan ako lumiko ay sinilip ko muna siya at hindi ako nagkakamali papunta nga siya sa direksiyon ng bahay ni Luke pero bakit o sa anong dahilan? Close ba sila ni Luke? Pero imposible naman dahil ang alam ko ay ayaw nga sa kanya ni Luke, kaya naman naisipan ko na sundan ang traydor ng hindi niya napapansin, maingat ko siyang sinundan. Nakakaamoy ako ng isang masangsang na amoy mas masangsang pa dito sa basurahang pinagkukublihan ko ngayon.

        Ilang sandali pa ay nakita ko siyang huminto sa bahay ni Luke, naisip ko na mukhang nagkamali ako ng hinala at mukhang close na nga sila ni Luke, siguro marahil noong nagsumbong siya tungkol sa ginawa ko ay napatawad na siya ni Luke pero noong aalis na sana ako ay nadinig ko na may tumawag sa kanya na isang lalaki.

        “Teka pamilyar sa akin ang lalaking to. Saan ko nga ba nakita tong lalaking to. Hmmm.” ang sabi ko habang iniisip ko kung saan ko nakita ang imported na lalaking yon.

        “Ah tama sa university, siya yung imported na nagtanggol kay Luke noong nagpupulot ng kalat si Luke. Pero bakit sila magkausap nitong traydor kong pinsan? Don’t tell me jowaers ng pinsan ko tong imported na lalaki na ito.” ang bulong ko ulit at ilang sandali pa ay may nakita akong folder na inabot ng imported na lalaki sa pinsan ko na mukang isang kadudadudang folder. Dahil di ko naman madinig ang usapan nila ay naisipan ko na umalis na bago pa nila ako mapansin at aalamin ko ang lahat.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now