Rain.Boys II DripDrop: 15.1

2.2K 111 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Araw ng Lunes, may klase na naman, simula nang mangyari yung ginawa sa akin ni Nicco na pagtatapat ay hindi ko na siya kinakausap o nilalapitan. Binabalak ko na nga din noong araw ding iyon na pumunta sa DEAN at kausapin si Mrs. Romana tungkol kay Nicco na sanay naman pa lang mag Tagalog pero paniwalaan kaya ko nito? Kung kami nga naloko niya si Mrs. Romana pa kaya?

        Ilang man sila Kris kay Nicco dahil din sa ginawa nito ay pinipilit pa din nila na kausapin ito, pinakiusapan ko kasi sila na isa naman ako sa dahilan kung bakit nagawa niyang magpanggap at naunawaan naman nila ako.

        Naghihintay kami noon ng susunod na klase namin sa loob ng classroom nang bigla lumapit sa akin si Nicco. “Luke maaari ba kitang makausap?” ang sabi ni Nicco at tanging tingin lang ang nagawa kong isagot sa kanya.

        “Ah Nicco, sa tingin ko mas mabuti kong wag na muna ngayon.” ang sabad ni Russel.

        “Pero kailangan ko siyang makausap, kaya Luke pakiusap kausapin mo naman ako.” ang sabi ni Nicco na tila nagmamakaawa na kausapin ko siya pero hindi pa din ako umiimik.

        “Tama si Russel Nicco siguro masmabuti kung sa ibang araw mo na lang kausapin si Luke.” ang sabad naman ni Clarence bilang pagsang-ayon kay Russel.

        Magsasalita pa sana si Nicco upang kulitin ako na kausapin siya pero dumating na prof namin noong oras na yon kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi bumalik sa upuan niya. Sa buong oras ng klase napapansin ko si Nicco na tinitignan ako, nakikita ko sa mata niya na malungkot ito at hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Ako ang dahilan ni Nicco bakit siya nag-pretend na hindi sanay magTagalog, para lang mapalapit siya sa akin. Hay naku ano ba to ako pa ngayon ang nakokonsensiya, ako pa ang may kasalanan.

        “Hay naku ang haba kasi ng buhok mo Luke, magpagupit ka na.” ang malakas kong sabi at napatingin ang lahat sa akin.

        “Ayos ka lang Luke?” ang tanong ni Ms. Lagran na napatigil din sa pagdi-discuss niya noong marinig ako.

        “Ah opo Ma’am, pa-pasensiya na po.” ang sabi ko sabay takip ng mukha gamit ang libro na hawak ko dahil sa hiya.

        Pagkatapos nang klase namin na iyon kay Ms. Lagran ay nagpaalam muna ako kila Kris na magpupunta muna ako ng comfort room at pakiramdam ko ay sasabog na ang pantog at kailangan ko din tumingin sa salamin baka kasi sobrang ganda ko na talaga kaya naman di matapostapos ang ganda problems kong ito, charot! Ha-ha.

        Nasa comfort room na ako noon, tapos na akong umihi noon at kasalukuyang naghuhugas na ng kamay, dahil nakatingin ako sa kamay na hinuhugasan kong mabuti ay di ko nakita yung pumasok sa CR pero ano bang pakialam ko kung sino ang pumasok di naman ako yayaman pag nalaman ko kung sino-sino ang nag-c-CR dito.

        “Ay maputing itlog ng kabayo!” ang bigla kong nasabi dahil nabigla ako ng makita ko sa salamin si Nicco na nakatayo na pala sa likuran ko noon. Gumilid ako ng kaunti dahil naisip ko na baka maghuhugas lang din ito ng kamay, tumabi si Nicco sa akin pero hindi ko pa din siya kinikibo.

        “Luke, please kausapin mo naman ako.” ang sabi ni Nicco, pero wala pa din akong kibo, kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko para magpunas ng kamay.

        “Luke please.” ang sabi ni Nicco at isinandal niya ako sa wall ng CR at hinarang ang mga braso nito.

        “Nicco, mag-umpisa na naman ba tayo?” ang sabi ko sa kanya.

        “Luke, please kausapin mo lang ako at bigyan ng pagkakataon na mas makapagpaliwanag sayo.” ang sabi ni Nicco sa akin.

        “Oh sige Nicco makikinig ako pero pwedeng pakawalan mo na ako.” ang sabi ko at tumango siya bilang pagsang-ayon. Lumayo si Nicco sa akin para makaalis ako sa pagkakasandal ko sa wall.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon