Rain.Boys II DripDrop: 22.2

2.1K 101 5
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        “Gising na, Luke, gising na.” ang sabi ng boses na gumigising sa akin habang nakakaramdam ako ng ilang marahang pag-uga sa akin. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata upang tignan kung sino ang gumigising sa akin.

        “Luke?” ang sabi muli ng boses, kinusot ko ang mga mata ko at nakita ko na si Mommy Lucy pala ang gumigising sa akin.

        “Ah Mommy Lucy, pasensiya na po hindi ko namalayan na nakatulog.” ang sabi ko.

        “Naku ayos lang Luke, anak. Heto nagdala ako ng almusal para naman makakain ka na.” ang sabi ni Mommy Lucy.

        Agad na akong naghilamos sa banyo ng kwartong iyon at nagpunas, paglabas ko nakita ko sa Mommy Lucy na inaayos ang pagkain sa table na malapit sa bintana ng kwartong iyon ni Drop, di ko maiwasang hindi maalala si Drop, at yung mga panahon na magkasama kami sa pagluluto at paghahain, yung mga panahon na sabay kaming kumakain habang naghaharutan at lambingan.

        Naupo na ako at sabay kaming kumain ni Mommy Lucy, bisperas na ng Pasko pero ang lungkot, hindi ko maiwasang mapatingin kay Drop na nakahiga lang habang ako ay kumakain. Drop gising na sige ka uubusan kita ng pagkain pag hindi ka pa gumising diyan, ang sabi ko sa isip ko.

        Nang makatapos na kami kumain noong umagang iyon ay nagtulong kami magligpit ng pinagkainan namin ni Mommy Lucy. Pagkatapos ay naupo kami ulit sa tabi ng kama ni Drop at binantayan siya.

        Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto, tatayo na sana ako para ako ang magbukas pero pinigil ako ni Mommy Lucy at siya na ang tumayo para buksan at tignan kung sino ang kumakatok.

        “Luke anak, si Sir Leo, prof mo.” ang sabi ni Mommy Lucy nang bumalik at kasama si Sir Leo.

        “Magandang umaga po Sir.” ang sabi ko na tila nag-alala noong nakita ko siya dahil alam ko ang ginawa ko na hindi pagtuloy sa flight ko.

        “Magandang umaga din Luke, ijo, maaari ba kitang makausap?” ang sabi ni Sir Leo pero bago kami nag-usap ay nag-usap muna sila ni Mommy Lucy sandali.

        Pagkatapos nila mag-usap ay sa lumabas kami ng kwarto at pansamantalang iniwan ko sila Mommy Lucy at Drop.

        “Sir I am sorry po.” ang sabi ko agad paglabas pa lang namin ng kwarto.

        “Ijo don’t say sorry, wala kang kasalanan.” ang sabi ni Sir Leo.

        “Pero Sir dahil sa akin masisira ang reputation ng university.” ang sabi ko.

        “No, Luke. Ijo mabuti nga at hindi ka tumuloy sa pag-alis, ang totoo noong nalaman ko ang nangyari kay Arwin ay agad akong nagtungo dito para bisitahin siya. Bukod doon ay gusto kong humingi ng paumanhin sayo dahil isang malaking pagkakamali ang nangyari.” ang sabi ni Sir Leo na sobra kong pinagtaka.

        Ikinuwento ni Sir Leo sa akin ang lahat, si Vincent at Nicco ay nagtulong para palitan ang resulta upang ako ang mapili sa halip na yung dapat talaga. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkainis kila Vincent at Nicco noong mga oras na iyon, pakiramdam ko gustong gusto ko na sila sugudin, mabuti pala at sinapak ko si Nicco noong nasa van kami. Sinabi din sa akin ni Sir Leo na nakarating na sa admin ang nangyaring ito at agad na pinatawan ng expulsion ang dalawa dahil sa pagnanakaw at pamemeke ng importanteng dokumento na pagmamay-ari ng university.

        Nang matapos kami mag-usap ni Sir Leo ay agad na itong nagpaalam at sinabing ipagdadasal niya ang agarang recovery ni Drop. Nang makaalis na si Sir ay papasok na sana ako ng room ng mapansin ko ang papalapit na si John.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now