Rain.Boys II DripDrop: 16.2

2.1K 111 0
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Medyo nawirduhan na ko kila Von at Russel noong matapos na kami maglaro ng basketball. Hindi ko naman kasi makakasabay umuwi si Drip dahil may meeting daw sila kaya naman nung nagyaya itong dalawa na maglaro pagkatapos ng klase ay pumayag na ako. Pero nung matapos na nga kami parang mga timang na ngiti ng ngiti sa akin kaya pasimple ko tuloy pinupunasan yung mukha dahil baka mamaya may dumi na hindi ko pa alam.

        “Sabay na kami sa’yo umuwi ah.” ang sabi ni Von sa akin habang nakaupo ako sa bench ng covered court at umiinom ng Sprite.

        “Huh? Kami? Ibig sabihin...” ang bitin kong tanong.

        “Oo kasama ako bakit? May problema ba kung sumama ako o sumabay umuwi sa inyo?” ang mabilis na sabi naman ni Russel.

        “Alam niyo kayong dalawa ha nakakahalata na ako sa inyo.” ang sabi ko sa kanila.

        “Oh bakit inaano ka namin?” ang tanong naman ni Von at nangiti na naman ang tukmol kung di lang kami naging close nito binanatan ko na to.

        “Eh kasi naman parang kakaiba mga kinikilos niyo, masiyado nakakahinala.” ang sabi ko sa kanila at tinignan sila na para bang sinusuri ko sila.

        “Ha-ha loko ka talaga ano naman ang nakakahinala doon? Porke’t sasabay lang umuwi sa’yo nakakahinala na agad?” ang sabi naman ng isa pang tukmol na si Russel.

        “Oo, masiyado kayong nakakahinala.” ang sabi ko.

        “Wag ka ngang paranoid diyan, lokong to wala kaming gagawin sayo, magkakasama na lang din naman tayo na maglaro eh di sabay sabay na din tayo umuwi.” ang sabi naman ni Von sabay ngiti ulit at ako naman pasimpleng punas dahil baka mamaya pinagtitripan na ko ng dalawang tukmol na to.

        “Oh sige na, sige na sumabay na kayo. Pero teka lang bakit ka pala samin sasabay Russel eh di ba iba ang daan mo pauwi sa inyo?” ang sabi ko ng pumasok sa isip ko na hindi naman namin kalugar si Russel.

        “Ah may pupuntahan kasi ako na doon sa lugar niyo nakatira.” ang mabilis na sagot nito.

        “At sino naman? Huwag mong sabihin na si Drip ang pupuntahan mo?” ang usisa ko at napansin ko na nagkatinginan yung dalawang tukmol.

        “Oo si Luke nga pupuntahan ko, may tatanong kasi ako tungkol sa project na pinapagawa sa amin ni Sir Leo. Oo tama ayon nga, pupuntahan ko si Luke, pero malamang dahil may meeting ay hintayin ko na lang siya dun sa kanila.” ang sagot ni Russel na parang ninerbiyos pa ng kaunti.

        “Hmm...” ang tangi kong nasabi.

        “Oh bakit?” ang tanong naman ni Von.

        “Sige sasama ako sa pagpunta mo kila Drip mamaya eh pormahan mo na naman si Drip mahirap na.” ang sabi ko naman at nangiti na naman ang dalawang tukmol, naku kauntin na lang pagkukukutusan ko tong dalawang to.

        “Eh ano pang hinihintay natin mabuti pa tara na.” ang aya ni Von at sumang-ayon naman kami.

        Sa daan ay panay pindot ni Von sa cellphone niya, nangingiti pa ang loko. Habang heto namang si Russel ganon din dahil nainggit ako ay kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko si Drip pero tinadtad ko na wala man lang reply, siguro nasa meeting pa yung duwendeng yon kaya tiniis ko na lang ang pagka-OP sa dalawang to.

        Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Drip ay nagulat ako ng biglang hawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso ko.

        “Oy anong ibig sabihin nito? Bitawan niyo nga ako.” ang sabi ko pero hindi pa din nila ako pinakawalan hanggang sa makita ko na sila Kris at Francis na palapit sa akin.

        “Oy Kris at Francis anong ibig sabihin nito?” ang tanong ko muli sa kanila.

        “Relax ka lang Papable Arwin, don’t worry di ka namin gagahasain, charot, basta relax ka lang.” ang sabi ni Francis at dahil mas tiwala naman ako kila Francis kesa sa dalawang tukmol na to ay di na ko pumalag. Mayamay pa ay piniringan na ako ni Kris, sa sobrang higpit ng pagkakapiring ay hindi ko na magalaw yung mata ko.

        “Ano ba kasi to? Ano bang meron,? Tiyaka nasaan si Drip?” ang sunod sunod kong tanong pero puro basta lang ang isinagot nila kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila, inalalayan nila akong maglakad patungo sa kung saan na hindi ko alam, hanggang ilang sandali pa ay nakarinig na akong ng tugtog kung di ako nagkakamali ay “Enchanted” ang title ng kantang yon at si Taylor Swift ang kumanta non.

        Nang huminto kami sa paglalakad ay tatanggalin ko na sana ang pagkakapiring ko ng biglang may humalik sa mga labi ko, sh*t alam ko kung kaninong labi itong humahalik sa akin, alam ko kung sino to. Mayamaya pa ay bumitaw si Drip sa halik niya, oo alam ko si Drip yon. Hinawakan ni Drip ang kamay ko nawiwirduhan na ko kung ano ang nangyayari.

        “Drip ano to ha?” ang tanong ko sa kanya.

        “Drop hayaan mong sa gabing ito ay iparamdam ko sayo kung gaano ako nagpapasalamat na ikaw ang binigay sa akin ng Diyos para maging kapareha. Drop hayaan mong sa gabing ito ay maparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin bilang si Arwin na minahal ko. Drop hayaan mong ngayong gabi ay mapasalamatan kita sa lahat ng bagay na ginawa mo para sa akin, hayaan mong pasayahin kita ngayong gabi.” ang sabi ni Drip, na talaga namang ninamnam ko ang bawat salita, mga salita na tumagos sa puso ko.

        Nararamdaman ko ang luha ko noon na umagos dahil sa sobrang saya at pagkasurpresa dahil ginawa sa akin ito nito ni Drip na hindi ko ine-expect. Loko kang duwende ka you don’t know how happy I am right now.

        Ilang sandali pa ay naramdaman kong may nag-aalis na ng pagkakapiring ko at ng tuluyan ng maalis ang pagkakapiring sa akin ay dahan dahan ko pang binuksan ang mata ko at una kong nasilayan agad ay si Drip na nakangiti sa akin. Kinabig ko agad si Drip upang mayakap, isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya na ginantihan din naman niya.

        “Loko ka bakit gumawa ka pa ng ganito, alam mo namang masaya na ko basta alam ko na napapasaya kita, basta nakakasama kita.” ang sabi ko na pilit pinipigil ang pagluha pero hindi talaga kaya umaagos talaga kaya sige iyak pa.

        “Ano ka ba di ba sabi ko sayo na hayaan mo ako, gusto ko lang na malaman mo na sobra kong naaappreciate lahat ng ginagawa mo sa akin mula sa pang-aasar mo sa akin hanggang sa pagsasakripisyo mo at pag-unawa mo sa akin, at yung pagiging una lagi sa priority mo. Alam ko hindi sapat ito pero sana kahit paano ay mapasaya kita ng dahil dito.” ang sabi ni Drop habang magkayakap kami.

        Ilang sandali pa ay tumugtog naman ang “Can I Have This Dance” na tugtog sa movie na High School Musical 3. Kaya naman wala na kaming inaksaya pang oras, isinayaw namin ang isa’t isa. Sabihin niyo nang corny pero kinikilig ako habang sumasayaw kami, ganoon pala ang pakiramdam pag sayo ginawa ng taong mahal mo yung bagay na ginagawa mo sa kanya, pakiramdam ko noon ay nasa alapaap ako, hindi ako makapaniwala na gagawin talaga ito ni Drip para sa akin.

        Ang lahat ay masaya na pinapanood lang kami na sumasayaw habang sumasayaw, habang sila Kris at Francis ay todo sa pagkuha ng picture.

        “Masaya ka ba?” ang tanong sa akin ni Drip habang patuloy na nagsasayaw.

        “Hindi ako masaya, masayang masaya Drip, masayang masaya. Maraming salamat sobrang na-appreciate ko tong surpresa mo. Salamat talaga Drip. Mahal na mahal na mahal kita.” ang sabi ko.

        “Mahal na mahal na mahal na mahal din kita Drop ko.” ang sabi naman ni Drip.

        Nang matapos na ang tugtog ay hinalikan naman ang isa’t isa ng mga ilang minuto din ang tinagal. Pagkatapos noon ay kumain na kami ng mga inihanda na pagkain, masaya kaming nagkuwentuhan at biruan.

        That night was another night to be remembered, hinding hindi ko makakalimutan na may isang duwendeng nagawa akong surpresahin at pasayahin ng sobra, at ang duwendeng yon ang pinakamamahal ko na si Drip, ang pinakamamahal ko na si Luke.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now