Rain.Boys II DripDrop: 15.2

2.2K 105 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Mapayapa akong ini-enjoy ang pamumulot ko ng basura bilang parusa sa amin nila Drop ng biglang may sumulpot na impakto with his alipores sa harap. Ang aga aga pa naman para lumabas ang mga katulad nila.

        “Ano namang ginagawa mo dito?” ang tanong ko sa kanya.

        “Wala naman, bakit may batas na ba na bawal akong bumisita sa university na pinanggalingan ko?” ang sagot naman ni John.

        “Bakit may nabasa ka na ba o nadinig na ganong batas?” ang pambabara kong sagot naman.

        “Wala naman.” ang sagot nito.

        “Oh wala naman pala bakit nagtatanong ka pa.” ang sabi ko dito.

        “Alam mo ang tapang tapang mo na talaga Luke, dati rati tatanga tanga ka pa at ang dali dali mo paikot-ikutin, I’m so proud of you.” ang sabi ni John sa malanding tono.

        “Ah talaga maraming salamat, pero dapat mas maging proud ka sa sarili mo kasi ikaw ang nagturo sa akin na maging palaban, lalo sa katulad niyo.” ang sabi ko naman.

        “Alam mo bagay ka diyan sa ginagawa, mukha kang basurero.” ang sabi ni John at nagtawanan sila ng mga alipores niya.

        “Ah talaga bagay sa akin? Hmm sa tingin ko nga masasayahan ako na mamasura dahil yayaman ako sa mga plastik na katulad niyo, sa tingin ko mabigat kayo pag pinakilo ko dahil purong plastik talaga kayo.” ang sabi ko at nahalata ko na naasar si John sa sinabi ko.

        “Oh wait lang di ba bumibisita ka, dapat pag bisita may pagsalubong.” ang sabi ko at pumunta ako sa naipon kong basura at kinuha ko yung Zest-O na napulot ko na may laman pa at binalikan ko sila sabay piga sa Zest-O at viola instant shower. “Oh ayan ha sosyal pa yang pinampaligo niyo at kung gusto niyo na umuwi may malapit na basurahan diyan kung gusto niyo ihahatid ko pa kayo.” ang sabi ko sa kanila.

        “Sumosobra ka ng bruha ka.” ang sabi ni John na aktong pagtutulungan na ako.

        “Sige lang subukan niyo lang na ituloy yang balak niyo.” ang sabay na sabi ni Drop at Nicco.

        “Subukan niyo lang dumikit yang mga daliri niyo sa kaibigan namin at kukulutin talaga namin kayong mga bakla kayo.” ang sabi nila Kris na biglang sumulpot sa likuran nila John at napatingin sila John dito.

        “Grrrrr, may araw ka din sa akin Luke. Tara na nga guys.” ang sabi ni John na inis na inis at umalis habang pinupunsan nila ang mukha at braso na nabasa ng Zest-O.

        Nanakit ang buong katawan ko noong araw na iyon sa kapupulot ng basura sa buong university, next time talaga na magsuntukan yung dalawang yon ako na ang susuntok sa kanila, pakiramdam ko tuloy nabawasan ang ganda ko ng mga isang kilo, pero masaya ako noong nakita ko na nagkasundo si Nicco at Drop noong nakita nila na susugudin na ako nila John. Siguro kung pagpapatuloy nila yon magkakasundo din yung dalawang iyon.

        Umuwi ako ng pagod na pagod kaya naman pagdating ko ng bahay ay dumiretso din ako agad sa kwarto ko sa sobrang pagod ko ay napadapa na lang ako sa kama ko.

        “Gosh ang sakit ng katawan ko talaga.” ang sabi ko habang nagpapagulonggulong ako sa kama.

        Napatingin ako sa painting na ginagawa ko na kasalukuyang may takip ng puting tela. Bumangon ako at nilapitan ko ang painting na ginagawa ko at inalis ang nakatakip na tela dito.

        “Malapit na kitang matapos.” ang sabi ko ng pabulong at napangiti ako ng makita ko ito na halos kaunting tiyag na lang ay matatapos na.

        Naisipan kong ituloy na ang painting kaya naman kinuha ko na ang mga gamit ko sa pagpipinta at bago ako mag-umpisa ay pumikit muli ako para mai-focus ang sarili ko. Dumilat ako at inumpisahan na ang pagpipinta ko.

        Noong gabi din ng araw na iyon ay di kami masiyado nakapag-usap ng matagal ni Drop dahil sa parehas naming naramdaman ang pagod idagdag mo yung sakit na nararamdaman niya sa mukha dahil sa sapakan nila ni Nicco kanina iniisip ko nga kung anong dahilan kaya ang sinabi niya kay Mommy Lucy dahil tiyak makukutusan yung mokong na ‘yon.

        Nakahiga na ako sa kama ko non, nakikipagtitigan na naman sa kisame. Masiyadong nakakapagod ang araw na to hay Luke paulit ulit mo na sinasabi yang salitang yan oo na alam na ng buong mundo na napagod ka ngayong araw, pero ang kinakabahala ko ay si John, bakit hindi na lang siya manahimik at tigilan kami, bakit ba pinipilit niya pa rin ang sarili niya sa taong alam niya na kahit kailan ay di na niya makukuha pa. Nasa kanya na before si Drop, naagaw na niya sa akin nang wala akong alam pero sinayang lang niya dahil sa kalokohan na siya ang may gawa tapos ngayon heto na naman mukhang nagbabalik siya para ipagpatuloy ang panggugulo niya.

        “Ipangako mo Nicco na aalagaan mo si Luke.” ang sabi ni Drop, nakatayo kami noon nila Drop at Nicco sa ilalim punong mangga, ramdam ko ang malamig na pag-ihip ng hangin.

        “Sandali lang ano bang sinasabi mo Drop?” ang tanong ko sa kanya.

        “Luke pasensiya na hindi ko naman gustoi na iwan ko pero sa tingin ko na iingatan ka naman ni Nicco.” ang sabi ni Drop, at teka Luke na lang tawag niya sa akin? Tama ba itong narinig ko?

        “Hoy Arwin ano bang pinagsasabi mo? Tsaka bakit mo ako pinamimigay ng basta basta ano ang akala mo sa akin bagay lang na pwedeng ibigay sa kung sino ang gusto kumuha o nanghihingi? Tuta na pwede ipaampon sa magkagusto na ampunin ako?” ang sabi ko na tila balewala lang sa kanya ang mga sinasabi ko.

        “Pero heto naman di ba ang gusto mo Luke? Heto naman ang makakabuti sayo di ba?” ang sabi ni Drop at ngumiti lang siya sa akin na ubod ng aliwalas.

        “Anong heto ang gusto ko kailan ko naman sinabi sayo na gusto ko na ibang tao ang mag-ingat sa akin, na ibang tao ang makasama ko? Drop ano bang sinasabi mo? Sagutin mo ko ng maayos.” ang sabi ko sa kanya ngunit ngumiti lamang si Drop, putek nakakaloko na tong nangyayari ah.

        “Tara na Luke.” ang sabi ni Nicco at iniabot niya ang kamay niya.

        “Hindi Nicco, hindi ako sasama, si Arwin lang ang gusto ko makasama.” ang sabi ko at tumingin muli ako kay Arwin ngunit nang tumingin ako ay wala na si Arwin wala na si Drop. Lumingon ako sa buong paligid mula sa kinatatayuan ko ngunit wala akong Drop na nakita. Iniwan na niya ako at ipinaubaya kay Nicco na hindi ko naman alam kung paano niya nasabi na gusto ko ang nangyayaring iyon.

        “Sira ulo ka talaga! Baliw ka! Ikaw lang ang gusto kong makasama!” ang sigaw ko at biglang may tila isang malaking mangga ang bumagsak na sakto pa sa ulo ko at napapikit ako sa sakit. Pagkamulat ko ay nasa kwarto ko ako, napabangon ako bigla.

        “Panaginip lang, mabuti naman at panaginip lang.” ang sabi ko at biglang may pumatak na luha. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin pero nadadalas ako managinip ng mga bagay na hindi magaganda at ang madalas ay iniiwan daw ako ni Drop o kaya ay tila nagpapaalama siya sa akin, kaya di ko maiwasang matakot at isipin kung ano ba ang ibig ipahiwatig sa akin ng mga panaginip na iyon, hinihiling ko na sana naman ay hindi siya mangyari dahil isipin ko pa lang na wala sa tabi ko si Drop ay sobrang kalungkutan na ang nadarama ko.

        Maaga akong gumayak noong araw na iyon, kinontak ko ang mga kaibigan namin para magpatulong sa isang bagay na naisip ko. Hindi katulad ng mga pangkaraniwang umaga naisipan ko na ako naman ang sumundo kay Drop, dahil ngayong araw gusto ko na pasayahin siya at mapasalamatan siya sa mga ginagawa niya para sa akin na itinuring niyang prinsesa niya.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon