Rain.Boys II DripDrop: 4.1

3.5K 144 7
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        "Kapreng hilaw gising na, oy!" ang sabi ko habang ginigisig ko si Arwin, actually alas-kwatro pa lang ng madaling araw noon, bakit ko siya ginigising wala lang excited lang kasi talaga ako na malaman kung saan kami pupunta kasi hanggang sa makatulog kami kahapon ay hindi naman niya sinabi sa akin kung saan kami pupunta ngayong araw.

        "Drop gising na." ang sabi ko ulit. sa kanya pero sa halip na gumising ang mokong ay niyakap niya ako at dinantayan kaya napahiga na naman ako.

        "Gising na Drop." ang sabi ko ulit.

        "Hmm, maaga pa Drip, di mo din mae-enjoy yung pupuntahan natin tulog ka pa muna." ang sabi niya sa antok na antok pang tono.

        "Eh kasi naman excited na ko eh." ang sabi ko na parang nagiging bata na, ilang sandali pa ay binalot na ng katahimikan ang kwarto namin kaya naman dinalaw muli ako ng antok at unti unti na akong nakatulog ulit.

        "Oy duwende gising na!" ang sabi ng nadidinig kong boses ni Arwin.

        "Ano ba, inaantok pa yung tao eh." ang sabi ko naman na kapikit pa dahil antok na antok pa din talaga ako.

        "Anong inaantok at anong sinasabi mong tao, eh duwende ka kaya." ang sabi niya pero hindi ko lang pinansin dahil antok pa talaga ako.

        "Oh sige matulog ka na lang diyan, iwanan ka na lang namin, sayang pupunta pa namin kami sa Strawberry Farm ngayon para mamitas ng fresh na fresh na paborito mong strawberry." ang sabi ni Arwin, O______O teka tama ba yung nadinig ko strawberry farm? Fresh strawberries! noong madinig ko yon literal na nagising ako at napabangon sa pagkakahiga.

        "Totoo ba yan Drop pupunta tayo talag sa siang Strawberry Farm?" ang tanong ko habang tila kumikinang ang aking mga mata at nakakakita ng liwanag mula sa kalangitan.

        "Oo Drip, totoo yon, alam ko na magugustuhan mo kapag pinuntahan natin yon di ba paborito mo ang strawberries kaya ayon napag-isipan namin na dalhin ka don." ang sabi ni Arwin at sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya na akala mo isang bata na nanalo ng isang malaking regalo.

        "Salamat Drop! Super thank you talaga! Hindi ko lang gusto, gustong gusto ko talaga." ang sabi ko. "Oh ano pang hinihintay mo tara na punta na tayo." ang sabi ko at bumaba na ako sa kama at hinila ko siya palabas ng kwarto.

        "Teka lang gumayak ka kaya muna, ano pupunta ka dun ganyan itsura mo?" ang sabi ni Arwin, which is tama siya masiyado kasi ako nadala talaga, I was like a good boy as in literal na boy yung tipong paslit.

        "Strawberry, strawberry, mapula't masarap na strawberry, kakain ako ng starwberry, lalala." ang imbento kong kanta dahil sa tuwa habang gumagayak ako, I was like that the whole time na gumagayak ako hanggang sa makatapos ako.

        Nang okay na ang lahat ay lumabas na ako at agad akong lumabas at nagpatiuna na ako sa loob ng sasakyan ayoko maiwanan talaga, hindi pwede, sa sasakyan habang mag-isa pa lang ako masaya kong iniisip kung gaano kaya kadaming strawberry ang makukuha ko.

        "Grabe ang bilis ah, kanina pa kita hinahanap nandito ka na pala." ang sabi ni Arwin pagkabukas niya ng pinto ng van.

        "Hindi pa ba tayo aalis? Tara na naghihintay na yung mga strawberries ko." ang sabi ko.

        "Hala nasaniban ka ba Drip o nagdedelihiryo ka na? Grabe ang pagka-excite ah." ang sabi ni Arwin, pero totoo yung sinabi niya para talaga akong sinaniban pero walang pakealamanan paborito ko ang usapan dito at walang pwedeng sumira sa pagkakataon na ito!

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now