Rain.Boys II DripDrop: 14.3

2.3K 100 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Nang makarating si Drop upang sunduin ako ay nagpasya kaming umalis na pagkatpos naming magkulitan sandali sa tapat ng gate ng bahay, excited na ako na makapunta ulit ng SM North, matagal na din since ng magpunta ako dun tapos may sandwich pa na baon itong si Drop na gawa ni Mommy Lucy kaya naman super good vibes ako ngayong araw.

        Paalis na kami nang madinig namin si Nicco kaya napalingon kami sa kanya. Nang makalapit na ito ay tinanong kung pwede ba na sumabay na siya sa amin, eh ano pa siyempre pumayag na ako na sumabay siya sa amin pareho lang naman kami ng pupuntahan pero kinakausap pa din niya kami sa English kaya napipilitan ako na magsalita ng English para lang kausapin siya.

        Habang nasa daan kami hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Nicco, gustong gusto ko siya i-confront or tanungin tungkol sa dahilan niya bakit kailangan niya magpanggap na hindi siya sanay magTagalog pero di ko alam kung paano hanggang sa naramdaman ko na umakbay sa akin si Drop kaya naman napatingin ako kay Drop at napangiti sa kanya.

        Nang makarating kami ng terminal at makasakay na sa bus ay di ko pa din naiwasang mapatingin kay Nicco hanggang sa tanungin na ako ni Drop. Napapansin pala ako ng kapre na to, pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit kasi mamaya ano na naman isipin nito sa tao kaya naman sumandal na lang ako sa balikat niya at iniwasan ko na tumingin sa direksiyon ni Nicco dahil ramdam ko na nagseselos na naman itong si Drop.

        Nagsimula ng bumiyahe at nagsimula na ring umariba ang KFC sisters sa pagpapatawa, kami naman kasama ang ibang pasahero ay hindi mapigilang hindi tumawa sa mga kagagahang ginagawa ng tatlo, napagtripan nga din nila biruin yung katabing gwapo ni Clarence, buti na lang sanay si kuya na makipagbiruan.

        Masaya ang naging biyahe namin at siyempre busog din dahil sa sandwich masmadami nga ata ako nakain kesa kay Chini eh ha-ha. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na kami sa destinasyn namin. Sila Kris wala pa ding hinto sa pagpapatawa habang naglalakad kami sa footbridge, pinagitnaan din namin si Nicco dahil sa pansinin ito masiyado ay baka mamaya ay mapaginitan ng masasamang loob.

        Todo kami sa picture taking gamit ang dala naming mga digicam oha di ba lahat kami meronng dala, minsan lang kasi kaya naman parepareho lang namin siguro naisip na magdala para may kanya knaya kaming remembrance noong araw na yon, Holiday season na din kaya naman magagarbo na din ang disenyo ng mall, nasa Sky Garden pa lang kami noon pero ang dami na naming pictures. Medyo marami na din ang tao noong araw na yon kaya nag-ikot muna kami sa Sky Garden bago pumasok sa loob ng mall.

        Nang makapasok na kami sa mall ay halos dikit dikit kami para di mawala ang isa sa amin dahil madami nga ang tao nong araw na yon. Nilibot muna namin ang floor kung saan makikita ang sinehan ng mall. Dahil sa sobrang excitement ng karamihan sa amin na maglibot at sa dami ng tao ay di inaasahang nagkahiwahiwalay kaming magkakaibigan.

        Ako, si Drop, Nicco at si Russel ang naiwang magkakasama. Kaya naman agad naming hinanap ang iba pa. Dahil hindi naman kabisado nang mga nahiwalay sa amin ang mall ay tinext namin sila agad pero wala kaming mareceive na reply mula sa kanila kaya naman tinawagan na namin.

        “Hello?” ang bungad ko nang sagutin ni Francis ang cellphone niya.

        “Uy nasaan na kayo?” ang tanong ko.

        “Ay girl pasensiya na hindi kami nakapagpasabi, nagsabay-sabay ang pag alarm ng mga pantog namin kaya naghahanap kami ng comfort room, jusme ang lawak naman pala ng mall na ito di namin makita yung comfort room.” ang sabi ni Francis.

        “Ah ganon ba sige, magkita-kita na lang tayo sa Sky Garden sa may Starbucks, alam niyo naman yun di ba?” ang sabi ko na lang dahil masmadali namin makikita ang isa’t isa don kesa sa loob ng mall.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now