Rain.Boys DripDrop: 8.1

2.5K 115 14
                                    

VINCENT'S POINT OF VIEW:

        Kakauwi ko lang ng bahay galing sa bago kong university, at nandito ako ngayon sa kama ko at nakahiga habang iniisip ko ang classmate kong si Arwin, shoot unang kita ko pa lang sa kanya ay tinamaan na agad ako, he really caught my attention noong mapabaling pa lang ang tingin ko sa kanya, nakakainis lang dahil taken na siya by this guy named Luke and Arwin doesn't deserve someone like him, Arwin deserve someone like me someone special and better like me, but another problem is everytime naman na kakausapin ko si Arwin ay sumisingit itong si Von, napaka epal niya sobra, hindi ko lang siya mapuna dahil sa bago lang ako at ayoko naman maging rude dahil ayokong pumangit ang tingin o ang reputation ko kay Arwin.

        "Ah basta I'll make a way to take Luke and those trashes out of the picture." ang sabi ko na pabulong sabay pikit to imagine me and Arwin together.

        "Magiging akin ka Arwin, sooner or later you'll be mine." ang bulong kong sabi at dumilat ako ulit at tumitig ako sa kisame.

        Ilang minuto pa akong nakipagtitigan sa kisame ng kwarto ko hanggang sa madinig ko na tumunog ang cellphone ko, agad ko itong kinapa sa ilalim ng unan ko at ng makuha ko na ay chineck ko agad kung sino naman ang tamapalasang umistorbo sa pagmumunimuni ko.

        "Sus akala ko naman kung sino." ang sabi ko nang makita ko na ang pinsan ko lang pala na si John ang tumatawag sa akin at sinagot ko na agad ito.

        "Hello insan?" ang bungad ko sa malatang boses.

        "Hello insan, ano ba yan bakit parang ang lata mo naman ata ngayon?" ang tanong niya sa akin.

        "Wala naman insan, oh bakit ka napatawag?" ang tanong ko.

        "Ah, gusto ko lang mangamusta, gusto ko lang malaman kung kamusta naman ang first day mo sa bago mong university na pinapasukan mo?" ang tanong niya na tila excited na malaman ang sagot ko, ito kasing si John ang nagrecommend sa akin sa university na yon, doon din siya nanggaling bago siya puwersahang i-transfer nila Tita Liz na mama niya sa Pangasinan, pero hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya pinalipat doon sa Pangasinan pero for sure na may ginawang kalokohan itong pinsan ko para danasin niya ang ganong klase ng punishment from Tita dahil knowing Tita hindi niya gagawin yon kung hindi mabigat ang dahilan, but I don't really care na malaman pa yon.

        "Actually, nagustuhan ko agad yung university at salamat sayo insan for recommending this university to me dahil I really got this feeling na mag-e-enjoy talaga ako dito." ang sabi ko naman bilang sagot sa kanya.

        "I know right, masaya naman ako na malaman at madinig yan from you insan. Anyway maiba ako I have some questions to ask insan." ang sabi ni John.

        "Ano naman ba yon insan? Mukhang andami mo itatanong ah." ang sabi ko.

        "Yup, madami nga akong itatanong sayo, first is, hindi ba insan you are taking up civil engineering din? I want to know if ever may nakilala ka na Arwin Dela Cruz sa mga classmates mo." ang tanong niya na agad kong ipinagtaka, bakit naman kilala nitong pinsan ko si Arwin?

        "Yup meron nga, bakit mo natanong insan?" ang usisa ko sa kanya.

        "Ah, I want to know lang insan if this Arwin na sinasabi mo ay may partner na nagngangalang Luke?" ang tanong niya ulit na tila iniwasang sagutin ang tanong ko sa kanya.

        "Oo insan siya nga, teka nga insan bakit mo ba tinatnaong? Do you know them personally?" ang tanong ko sa kanya dahil gusto ko din malaman ang dahilan kung bakit parang kilalang kilala niya ang dalawa well akong pakialam kay Luke but kay Arwin meron.

        "Uhm kasi insan, tanda mo pa ba dati may kinuwento ako sa'yo na best friend ko na hawig mo? Si Luke kasi yon eh." ang sabi niya and I was like, duh? Si Luke kahawig ko? No way hindi ako papayag.

        "Oh tapos?" ang sabi ko.

        "Tapos tanda mo din ba yung kwento ko sa'yo na yung boyfriend ko na inahas sa akin? Si Arwin naman yon." ang sabi niya at tila nawala ako sa sarili ko noong madinig ko yon.

        "OMG with the capital O... M... G... talaga don't tell me insan na this Luke guy is your best friend na umahas dito sa boyfriend mo na which is si Arwin." ang bigla kong sabi.

        "Yes insan tama ka sa sinabi mo." ang sagot niya and I was like hindi pwede, hindi pwedeng mangyari na dagdag pa ang pinsan ko sa mga karibal ko kay Arwin.

        "Pero insan mukang ang sweet nila, nakasama ko na kasi sila kanina and super welcome naman ako sa barkadahan nila, hindi kasi nila alam na related tayo sa isa't isa and I guess ayoko na malaman pa nila na related tayo, sorry insan." ang sabi ko.

        "No that's okay insan, much better nga kung wala silang idea na magpinsan tayo masmadali sa akin na masira silang dalawa." ang sabi ni John na tila may evil plan na naiisip sa tono ng pananalita niya.

        "Anong ibig sabihin mo insan?" ang tanong ko na kunwari ay hindi ko siya ma-gets.

        "I have a favor insan, please help me na paghiwalayin sila Arwin at Luke." ang sabi sa akin ni John.

        "At paano ko naman gagawin yon?" ang tanong ko sa kanya.

        "Simple lang first, kailangan maging close ka muna sa kanila, I must warn you na dapat hindi ka nila mahalata lalo na nung mga kaibigan nila dahil they are their protector kaya naman masmaganda maka-close mo sila, tapos sabihin mo sa akin lahat ng mga ginagawa nila at ako naman ang iisip ng plano." ang sabi ni John sa akin.

        "Madali lang pala insan eh, then pag napaghiwalay ko na sila ano naman ang next step?" ang tanong ko.

        "Tutulungan mo ako kay Arwin, para magkabalikan kami." ang sabi niya, noong sinabi niya yon ay bigla ako natahimik.

        "Hello insan? Nandiyan ka pa?" ang tanong ni John nang hindi na ako magsalita.

        "Ah nandito pa ako insan sorry hindi ko naintindihan yung huli mong sinabai pero anyway insan I'll do my best para mapaghiwalay sila basta ikaw na bahala sa plan tutal you know them naman di ba?" ang sabi ko, "Pano insan bye na muna." ang dagdag ko hinid ko na siya hinintay sumagot at binaba ko na ang tawag.

        "Insan sorry but hindi ako papayag na sayo mapunta si Arwin once na magtagumpay ang gagawin natin against sa relationship nila ni Luke, kakampihan kita ngayon dahil kailangan ko ang tulong mo at ideas mo para sirain sila pero once na matapos na ang papel mo sa pagsira sa relasyon nila, tawagin mo na akong ahas insan pero Arwin is mine, tapos na ang oras mo sa kanya, Arwin only belongs to me." ang sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko na ang wallpaper ay ang stolen picture ni Arwin na kinuha ko kanina habang kumakain kami.

        Nahiga at tumitig ulit ako sa kisame, malalim kong inisip ang mga gagawin kong hakbang para sirain sila Luke, pero ang naisip ko ay kailanagn ko munang sirain ang mga protectors nila dahil sa tingin pag wala na ang mga protector nila madali na lang sila sirain.

        "Humanda kayo, dahil nandito na ako, nandito na si Vincent." ang sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo na sa isip ko ang mga plans ko.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now