Rain.Boys II DripDrop: 19.1

2.1K 106 2
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Noong araw na iyon pilit kong pinigilan si Drop para kausapi ko siya at makapagpaliwanag ako pero alam ko na sobra siyang nasaktan sa paglilihim ko. Ang tanga tanga ko bakit ko ba naisip na hindi niya ako maiintindihan, ang tanga tanga ko para maglihim sa kanya, at ang tanga tanga ko para saktan ko ang taong nagmamahal at nagtitiwala sa akin ng lubos, ang tanga tanga ko para saktan ko ang taong mahal ko.

        Kinausap ko din ang mga kaibigan ko noon at nakakagaan ng loob na naintindihan nila ako, nakakagaan na naunawaan nila na mahirap sa akin na sabihin ang pag-alis ko sa kanila. Pumunta kaming lahat sa rooftop ng building ng department namin para doon kami mag-usap. Pagtapak ko pa lang sa sahig ng rooftop ay di ko na napigilang hindi umiyak, dahil nakikita ko Drop sa lugar na iyon. Parang ang OA pero yung pakiramdam ko noon ay kulang ako, pakiramdam ko ako ang dahilan bakit mas nagulo kung anong meron kami ni Drop.

        “Tara maupo muna tayo dito.” ang yaya ni Von sa amin at sabay sabay kaming naupo na hugis pabilog na animo’y isang meeting ang gagawin.

        “Tahan na Luke.” ang sabi ni Russel habang hinahagod naman ni Chini ang likod ko.

        “So-so-sorry talaga guys, hindi ko na-naman talaga gustong maglihim sa inyo. Ka-ka-kasi kahit ako hindi ko din gusto na umalis ako at iwan kayo... La-la-lalo na si Drop. Ka-ka-kaso...” ang sabi at nagpatuloy ako na umiyak, napayakap ako kay Chini at humagulgol ng iyak.

        “Girl tama, wag ka ng umiyak, hindi naman kami galit sa’yo, nauunawaan ka namin kung bakit mo nagawa itago sa amin na napili ka, kaya tahan na girl.” ang sabi ni Francis para patahanin ako pero tuloy lang ako sa pag-iyak ko.

        “Girl naman eh sige ka mawawala na yung ganda mo niyan.” ang biro ni Kris ngunit gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko magawa lalo na’t alam kong nasaktan ko ang taong pinakamamahal ako at pinakakamamahal ko.

        “Si Drop, si Drop anong gagawin? Di ko kaya na ganito kami, hindi ko kaya na mawala at magalit siya sa akin. Pero kasalanan ko.” ang sabi ko na may paninisi sa sarili.

        “Ano ka ba Luke, huwag mong sisihin ang sarili mo pero on the other hand nauunawaan namin si Arwin bakit naging ganoon ang reaksiyon niya, masakit sa kanya na aalis ka pala pero wala siyang alam pero it doesn’t mean na galit na siya sayo nabigla lang yung tao kaya ganon. Unawain mo na lang muna siya bigyan mo siya ng panahon na mag sink in sa kanya ang lahat sa ngayon kasi nabigla pa yon.” ang sabi ni Von.

        “Tama yun girl, wag mo sisihin ang sarili mo ang dapat sisihin dito ay yung taong may makating dila na nagsabi kay Papable Arwin.” ang sabi ni Francis.

        “Korek ka diyan sis dapat talaga yun ang sisihin masiyadong pakialamera naku pag nalaman ko kung sino papalamunin ko ng lupa yon.” ang sabi naman ni Clarence.

        “Pero kung sinabi ko agad kay Drop ang lahat hindi na siguro nauwi sa ganito. Wala akong magandang rason para maging excuse kung bakit ako naglihim sa kanya. Ang tanga tanga ko.” ang sabi ko habang umiiyak pa din at yakap ni Chini.

        “Tahan na Luke, tahan na ano ka ba, sa tingin mo mas matutuwa si Arwin sayo pag nakita ka niya na umiiyak? Sa tingin mo gugustuhin niya na makita ka niya na umiiyak ng ganito?” ang sabi ni Chini at bigla ako napaisip sa sinabi niyang iyon. Tama siya baka masmainis sa akin si Drop pag umiyak lang ako, isa sa mga natutunan ko kay Drop ay lahat ng problema ay may solusyon, lahat ay magiging ayos din basta susubukan.

        “Sa-salamat sa inyo guys, salamat sa pag-unawa.” ang sabi ko habang nagpapahid nang mga luha ko.

        “Ayan dapat ganyan, ngumiti ka lang girl. Hayaan mo tutulungan ka namin na, tutulungan namin kayo na maayos niyo ito.” ang sabi ni Francis.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon