Rain.Boys II DripDrop: 12.1

2.6K 117 3
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi naman sa excited ako na surpresahin ang desperadang higad na kakatagpuin ko mamaya, maganda ang mood ko noong umagang iyon, tinignan ko ang cellphone ko este ni Drop at naisipan ko na tawagan si Drop.

        “Ano ba yan ang tagal ng sumagot nung kapreng ‘yon, tulog pa din siguro ‘yon” ang sabi ko dahil ang nakailang tawag na ako ay wala pa ding sumasagot kaya naman nagtext na lamang ako ng morning greeting ko. Pagkatapos ko na maitext siya ay pumunta na ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko, pagkatapos ay lumabas na ako ng aking kwarto at dumiretso agad ako sa kusina para magluto na ng almusal pero pagdating ko doon ay isang all set breakfast table na ang bumungad sa akin.

        Nilapitan ko na agad yung mesa at nakakita ako ng note sa table at binasa ko ito:

        ‘Good Morning sa Mahal Kong Drip,

        Alam ko kagigising mo pa lang tulog mantika ka kasi kaya naman pinaghanda na kita ng almusal mo para naman hindi ka na mahuli sa pag gayak mo para pumasok. Kung iniisip mo kung paano ako nakapasok ng bahay, isa lang ang sagot diyan, nakalimutan mo na i-lock yung pinto. Lagot ka sa akin dahil nandito na ako sa likod mo.

        Super In Love Sa’yo,

        Drop’

        Nang matapos ko basahin iyon ay agad akong napalingon sa likuran at isang halik ang binigay sa akin ni Arwin at isang sampal naman ang dumapo sa mukha niya.

        “Aray ko naman, ganyan ka ba magpasalamat sa naghain sayo ng almusal.” ang sabi ni Drop na naghihilot ng pisngi niya.

        “Eh ikaw kasi bigla bigla kang nanggugulat.” ang sabi ko naman.

        “Hmp gustong gusto mo talaga ako inaabuso.” ang sabi niya, “pero okay lang na-rape naman kita kanina ng di mo alam.” ang pang-aasar niyang sabi at ako naman ay napayakap sa sarili ko na para bang isang babae na nikawan ng dangal at namula ako.

        “He-he biro lang, hindi ko gagawin sa’yo yun tiyaka tumutulo pa nga laway mo kanina eh.” ang pang-aasar nito.

        “Ah tumutulo pala laway ah.” ang sabi ko sabay sipa ko sa binti niya.

        “Aray!” ang pasigaw niyang sabi at napaluhod siya sa sakit.

        “Buti nga sa’yo.” ang sabi ko sabay yuko at halik sa kanya.

        “Next time wag mo kakalimutan na hindi nakalock ang gate at pinto ng bahay, paano kung hindi ako ang pumasok dito eh di nagahasa ka na.” ang sabi nito sa akin.

        “Opo hindi na po, tsaka kung maka-rape ka naman diyan sino naman gagahasa sa akin eh ikaw lang naman ang may pagnanasa sa akin.” ang sabi ko pang pabiro at napansin ko na medyo namula ang mokong ha-ha.

        “Ah basta wag mo na kalimutan next time, nasa paligid lang ang kalaban.” ang sabi nito na halos pabulong.

        “Opo na po, tara na at kumain na tayo.” ang sabi ko sabay hila sa kanya at magkatabi kaming naupo at kumain ng niluto niyang almusal para sa akin. Pagkatapos naming mag almusal ay pinagayak na ako ni Drop at siya na ang naglinis ng pinagkainan, pagkatapos non ay umalis na din kami agad ng bahay.

        Maaga kaming nakarating sa university at siyempre sakay ng suki naming jeep at nakuwento pa nga nito ang blooming na love life ng anak niya, si manong talaga nakakatuwa sana one time ma-meet namin yung anak niya. Bago kami bumaba ay binigyan namin ng sandwich si manong na pinabaon ni Mommy Lucy kay Drop at malugod naman itong tinanggap ni manong.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon