Rain.Boys II DripDrop: 23.2 [FINALE]

2.6K 119 36
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        December 31, 2013, 10:00PM nang makabalik ako sa hospital, pumasok ako na umiiyak at pinagtitinginan ng mga taong naroon pero wala akong pakialam. Mabilis akong tumakbo patungo sa kwarto ni Drop, sa labas ng kwarto ni Drop ay nakita ko si Mommy.

        “Mommy nasaan si Drop, nagising na siya di ba? Nagising na siya di ba at binibiro niyo lang ako kanina di ba po?” ang sabi ko habang patuloy na umiiyak dahil hindi ako makapaniwala.

        “Wala na si Win Luke wala na siya.” ang sabi ni Mommy Lucy na tuloy pa rin sa pag iyak.

        “Pero pano pong nangyari yon? Sabi po ng doktor na stable na siya di ba po? Na ligtas na siya. Kaya paano pong nangyari na wala na siya?” ang tanong ko dahil di ko matatanggap na wala na si Drop.

        “Nagkaroon ng internal bleeding sa ulo ni Win at namuo dahilan para pumutok ang ugat niya sa ulo.” ang sabi ni Mommy Lucy.

        “Hindi, hindi po totoo yan, Mommy hindi pwede, gigising pa si Drop, gigising pa siya, Mommy hindi pwede sabihin niyo sa akin na hindi ito totoo. Mommy pakiusap, Mommy di ko kaya na wala siya.” ang sabi ko at mabilis na binuksan ang pinto ng kwarto ni Drop umaasang binibiro lang ako nila Mommy Lucy, pero pagbukas ko ay madilim na ang kwarto ni Drop, lumapit ako sa kama kung saan nakahiga si Drop, pero wala na siya dito maayos na ang kama niya, tila handa na para sa susunod na hihiga dito.

        “Hindi Drop, bakit, di ba gigising ka pa? Ang daya daya mo naman eh, di mo ko pinaalis tapos ngayon ikaw tong aalis, nakakainis ka Drop. Pakiusap Drop bumalik ka na nalulungkot na ko.” ang sabi ko habang umiiyak, napaluhod sa gilid ng kama niya na tila nanlambot ang aking mga tuhod.

        “Paano na yung pangako natin sa isa’t isa na walang iwanan Drop, paano yung tayo? Paano na ako, alam mo namang ikaw ang kasiyahan ko di ba? Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko makasama, pero bakit ganito, bakit iniwan mo ko.” ang sabi ko tuloy pa din sa pag iyak.

        “Tahan na Luke, tahan na, tanggapin na lang natin, mahirap pero dapat nating tanggapin.” ang sabi ni Mommy Lucy na lumapit sa akin.

        “Hindi Mommy, hindi ko kayang tanggapin, at kahit kailan hindi ko makakayang tanggapin na wala na siya, Mommy Lucy hindi ko kaya. Si Drop lang ang dahilan bakit ko nabuhay, alam ko siya lang pero ngayong wala na siya hindi ko alam kung paano pa ko mabubuhay.” ang sabi ko at pinilit kong tumayo kahit na nanlalambot pa ang mga tuhod ko ay umalis ako sa kwartong, sa kwarto na huli kong nakita si Drop na mahimbing na natutulog.

        Tumakbo ako hanggang sa makalabas ako ng hospital, tumakbo lang ako ng tumakbo habang patuloy ako na umiiyak, takbo lang, takbo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung saan. Drop nasaan ka na ba bakit mo ko iniwan ng mag-isa?

        Sa pagtakbo ko ay dinala ako ng mga paa ko sa tulay kung saan minsan akong dinala ni Drop, doon ay tumigil ako, tinanaw ko ang kalangitan na may mangilan-ngilang makikitang paputok. Malamig ang hangin na umiihip at dumadampi sa akin, patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Pumikit ako at tila parang palabas na aking nakita nang bumalik sa akin lahat ang alaala namin ni Drop. Ang asaran namin, ang unang pagkakataon na pinasukob niya ako sa payong niya habang nakaakbay sa akin ito.

        Bumalik din sa alaala ko ang pagkanta ko habang kasama siya sa waiting shed noong umulan ng mas malakas at sinabihan niya ako na cute. Ang paghatid niya sa akin sa bahay.

        Naalala ko ang lahat lalo na ang araw na naging kami May 23, 2013 at simula noong araw na iyon nagsimula ng magkakulay ang buhay ko, ang buhay ko na kasama siya pero ngayon wala na siya ang lahat ng iyon ay tila mga salaming unti-unting nababasag.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now