Rain.Boys II DripDrop: 6.2

3.2K 121 3
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Nang makarating kami sa MOA ay agad akong hinila ni Arwin palabas at pababa ng sasakyan, pero gentle na hila naman.

        "Sigurado ba kayo na okay lang na iwan namin kayo?" ang tanong ni Chini kay Arwin.

        "Yup okay lang kami, don't worry ako ng bahal sa duwendeng ito." ang sabi ni Arwin sabay akbay sa akin, "Tito, salamat po ulit." ang dagdag na pasasalamat ni Arwin kay Tito Henry.

        "Wala yon, basta mag-ingat kayong dalawa, at mag-text kayo kung need niyo magpasundo ah." ang sabi ni Tito Henry at tumango lang itong si Arwin kaya nakitango na din ako, "Oh siya sige aalis na kami, ingat kayo diyan." ang dagdag na sabi ni Tito Henry.

        "Bye Luke!" ang paalam ni Chini at nagpaalam din ako sa kanya.

        "Bye din sayo Arwin, ingatan mo yang kaibigan namin ah. Enjoy the date." ang sabi ni Chini kay Arwin.

        "Oo naman ako pa." ang sabi ni Arwin at sabay na nagpaalam kay Chini, pagkatapos non ay umalis na sila Tito Henry at Chini, hinintay muna namin na mawala sa paningin namin ang sasakyan nila, ayon yung tinatawag na hatid ng tingin.

        "Oh anong plano mo?" ang tanong ko sa kanya.

        "Wala." ang sagot niya kaya bigla ko siyang hinampas sa balikat niya.

        "Anong wala? Akala ko ba may plano ka kaya nagpababa tayo dito?" ang sabi ko sa kanya na medyo naiinis.

        "Ha-ha biro lang yon para pumayag ka na magpaiwan tayo." ang sagot ng mokong, akala niya ba nakakatuwa di niya ba alam na I still got the sad feeling sa pag-alis nila Mama at Papa?

        "Che! Ewan ko sayo." ang sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Chini at magpasundo na pero bago ko mabuksan ang cellphone ko ay naagaw na sa akin ito ni Arwin.

        "Hoy kapreng hilaw ibalik mo yang cellphone ko." ang sabi ko pero ngumisi lang ang adik at sabay hila sa akin.

        "Hoy bitawan mo ko at ibalik mo yung cellphone ko, magpapasundo na tayo kila Chini." ang sabi ko habang naglalakad kami at hila hila niya pa din ako.

        "Ayoko nga, gusto ko na umuwi tayo na masaya ka, ayoko na umuwi ka ng malungkot kaya pipilitin ko na mapasaya ka, although hindi ako sigurado na magiging masaya ka sa mga gagawin natin, pero I still hope na sumaya ka." ang sabi ni Arwin at noong madinig ko yon ay natahimik ako, so inaalala niya pa din ako, alam niya na nalulungkot pa din ako sa pag-alis nila Mama at Papa, ikaw talagang mokong ka.

        Well bilang hindi ako tunay na gala ay napanganga na naman ako ng makapasok ako sa mall na yon, ha-ha first time ko na naman ulit eh, super luwang pala talaga nitong mall na to pero sabi nila masmalaki daw ang SM North kesa dito and hindi ko na aalamin kung totoo ayoko magsukat okay?

        "Itikom mo yan baka pasukan ng langaw yang bibig mo, ha-ha." ang sabi ni Arwin na pabiro sa akin dahil literal akong napanga-nga eh bakit ba first time nga di ba?

        "Uy ano yon?" ang tanong ko kay Arwin sabay turo sa parang exhibit ng mga poon.

        "Ah mukhang Marian Exhibit yan." ang sabi ni Arwin.

        "Ay tara punta tayo tignan natin." ang sabi ko sabay hila sa kanya, "Oh nagsuot ka ba ng magic coat mo baka malusaw ka ha." ang sabi ko sa kanya ng pabiro.

        "Sira, mabait kaya ako." ang sabi niya sa akin.

        Nagtanong muna kami sa isang babae na lumabas mula sa exhibit kung may bayad ba ito o wala at nung sinabi nung babae na free admission lang yung exhibit ay hinila ko na agad si Arwin, at ayun nga isa-isa naming tinignan ang bawat imahe ni Mama Mary na naroon.

Rain.Boys IIWhere stories live. Discover now