Rain.Boys II DripDrop: 3.1

3.4K 142 5
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        Nagising ako sa mga huni ng ibon na nagmumula sa terrace, medyo masakit pa ang ulo ko at medyo nanlalata pa ako pero sa tingin ko ay mabuti na ang pakiramdam ko, inalis ko ang bimpo na nakalagay sa noo ko at dahan dahan ako bumangon sa pagkakahiga ko upang hindi magising si Arwin na tulog na tulog pa din at hawak pa din ang kamay ko noong mga oras na yon.

        Pinagmasdan ko si Arwin habang natutulog siya ng ganoon, nakakatuwa talaga siyang tignan pag tulog, dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero biglang humigpit ang hawak niya dito.

        "Wag ka mag-alala Drip di kita bibitawan, kaya wag kang bibitiw, nandito lang ako, babantayan kita." ang sabi ni Arwin, tinignan ko siya kung gising pero tulog na tulog pa din siya marahil ay nananaginip ang mokong at halata ding kasama ako sa panaginip niya.

        Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin at pumasok si Mama at ngumiti siya agad noong makita niya ako na nakabangon na pero bago pa siya magsalita ay sumenyas ako na wag maingay sabay turo kay Arwin at tumango si Mama sabay ngiti. Dahan dahan na lumapit sa akin si Mama at dahan dahan din siyang naupo sa kama.

        "Kamusta ka na my son, okay na ba ang pakiramdam mo?" ang mahinang sabi ni Mama sabay salat sa noo at leeg ko to check if may lagnat na pa ako.

        "Ayos na po ako, medyo nanlalata lang pero pahinga na lang katapat nito Ma." ang mahina kong sagot at ngumiti si Mama sabay tingin kay Arwin na natutulog pa din.

        "Talagang hindi siya umalis sa tabi mo, talagang binantayan ka niya." ang sabi ni Mama.

        "Oo nga po eh, hanggang sa panaginip niya sinama pa ako, heto nga ayaw bitawan ang kamay ko." ang sabi ko na pabiro.

        "Alam mo anak, nakita ko sa kanya kagabi ang sobrang pag-aalala niya sayo, naramdaman ko kung gaano ka niya kamahal talaga at kung gaano ka kahalaga sa kanya." ang sabi ni Mama habang nakatingin pa din kay Arwin.

        "Oo Ma, may pagka OA din kasi tong si Arwin pagdating sa akin." ang sabi ko.

        "Sorry ulit anak." ang sabi ni Mama at tumingin siya sa akin.

        "Sorry para saan Ma?" ang tanong ko.

        "Sorry dahil sa nagawa namin kayo na guluhin, na hindi ka namin pinakinggan muna ng Papa mo." ang sabi ni Mama.

        "Ma, tapos na yon ang mahalaga naayos na ang lahat." ang sabi ko at ngumiti sa kanya.

        "Kung alam mo lang anak, hindi naman niya talaga gusto iwan ka noon, pero nakipagkasundo siya sa Papa mo na makikipaghiwalay siya sayo pansamantala hangga't hindi niya napu-prove na karapat dapat siya sayo at hangga't hindi niya na pu-prove na mali kami sa pagkakakilanlan namin sa kanya." ang sabi ni Mama.

        "Talaga Ma? Kung ganon tama ako na napilitan na lang siya makipaghiwalay sa akin noon?" ang tanong ko.

        "Oo anak, napahanga ako ng batang ito, hindi niya sinabi sayo ang lahat, he take the blame na dapat sa amin ng Papa mo, sa tingin ko ayaw pa din niya na sisihin mo talaga kami sa mga nangyari noon, kaya naman gusto ko na siya para sayo, pati ang Papa mo botong boto na sa kanya." ang sabi ni Mama.

        Napatingin ako bigla kay Arwin noong sinabi ni Mama yon, ang mokong na to hindi ipinaliwanag sa akin ng mabuti ang lahat, hindi pa sinabi na napilitan lang siya bagkus pinagtakpan pa niya ang Mama at Papa ko, sa kabila ng lahat inako niya ang sisi, sobrang mali ang sinabi ko sa kanya, hindi siya duwag dahil ginawa niya yon para sa akin, ginawa niya yon kahit ang kapalit non ay ang posibilidad na magalit ako sa kanya, he risk everything para lang mapatunayan niya ang sarili niya sa akin at sa parents ko, ikaw na talagang mokong ka, ikaw na.

        "Oh siya anak, lalabas muna ako at ipaghahanda ko kayo ng almusal niyo." ang sabi ni Mama at niyakap niya ako at humalik sa noo ko, pagkatapos ay dahan dahan tumayo at naglakad palabas ng kwarto si Mama.

        Ilang oras ko ding tinitigan si Arwin hanggang sa dahan dahan niyang binuksan ang mga mata niya, nang makita niya ako ay napatayo siya at bigla niya akong niyakap.

        "Oy anong nangyari sayo?" ang tanong ko.

        "Okay ka na ba? Magaling ka na ba? Ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Oy magsalita ka." ang sabi niya habang mahigpit niya akong niyayakap.

        "Pano ako makakasagot ng maayos eh halos di ako makahinga, sira ka." ang sabi ko.

        "Ay sorry." ang sabi niya sabay bitaw sa pagyakap sa akin at naupo siya sa tabi ko, "ano okay ka na ba?" ang tanong niya sabay salat sa noo.

        "Oo okay na ako, medyo nanlalata at masakit pa ulo ko pero okay na ko, ang galing kasi ng doktor ko." ang sabi ko at binigyan ko siya ng isang halik sa labi.

        "Para saan yon?" ang tanong ni Arwin.

        "Bayad ko, da ba lahat ng doktor binabayaran?" ang sabi ko.

        "Ah ganon ba, eh heto ang sukli mo." ang sabi ni Arwin sabay halik sa akin ng matagal.

        "Oy sobra na yung sukli ko." ang sabi ko.

        "Eh di ibalik mo." ang sabi ni Arwin na nakangiti.

        "Ha-ha gusto pala hindi sinabi." ang sabi ko, "pero salamat talaga Drop." ang dagdag ko.

        "Salamat para saan?" ang tanong naman ni Arwin.

        "Salamat sa pagbabantay at pag-aalaga sa akin, salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo para sa akin." ang sabi ko at bigla ako piningot sa ilong ng mokong.

        "Aray ko naman, mamapapango ako." ang sabi ko.

        "Ang aga aga kasi drama drama mo, wala yon, asawa kita di ba?" ang sabi naman ni Arwin, at tumango ako sa kanya sabay ngiti.

        "Kaya mo na ba lumabas para mag almusal?" ang tanong ni Arwin.

        "Oo naman no, strong yata to." ang sabi ko.

        "Ayan ka na naman sa strong strong mo eh kagabi lang nakaplakda ka sa sahig." ang sabi ni Arwin, "mabuti pa pumasan ka na lang sa akin." ang dagdag niya.

        "Hala, ayoko nga, kaya ko na nga tumayo, kakagaling lang kaya ni Mama dito." ang sabi ko sa kanya.

        "Ano gusto mo bubuhatin kita o papasan ka sa akin?" ang tanong ni Arwin.

        "Heto na nga eh papasan na nga eh, bilis na umayos ka na." ang sabi ko at ngumisi ang mokong sabay talikod.

        "Oy wag mo akong sisinghutin ah, pwede ako amoyin pero bawal singhutin." ang sabi ni Arwin na pabiro.

        "Ano ka hindi kita aamoyin ah." ang sabi ko pero nang makapasan na ko jusmeow hindi ko naiwasan na hindi siya amoyin.

        "Hindi pala ah." ang sabi ni Arwin at nagsimula na siya maglakad papunta sa pinto na pasan ako.

        Nakapasan ako kay Arwin na lumabas sa kwarto, infairness namiss ko to last time na pumasan ako sa kanya ay nasa Star City pa kami, I miss smelling this mokong habang nakapasan ng ganito, I'm happy na hindi siya nagbago after all this time he still the same Arwin na nakilala ko at minahal ko.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon