Rain.Boys II DripDrop: 16.1

2.5K 106 1
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:

        “Mommy may nailuto ka na po bang almusal? Dadalhin ko po kay Luke at tiyak po kasing di pa nag-aalmusal yon.” ang sigaw ni Drop, wow grabe makisagaw tong Hilaw na kapreng to. Hindi niya alam na nasa kusina na ako at tinutulungan ko na si Mommy Lucy sa paghahain kaya hindi din namin maiwasan na magkangitian ni Mommy Lucy dahil alam naming parehas na magugulat siya pag nakita niya ako dito sa bahay na sobrang aga at ako naman ang nanunundo.

        “Mommy?” ang tawag ulit ni Drop nang hindi siya sagutin ni Mommy Lucy. Mayamaya pa ay sumilip na si Drop sa kusina at tulad ng inaasahan nagulat nga ang mokong noong nakita niya ako dun.

        “Good morning!” ang bungad kong pagbati sa kanya.

        “Te-te-teka bakit nandito ka ha?” ang tanong niya sa akin.

        “Eh di ano pa sinusundo ka at para makialmusal na din. Gulat ka ‘no?” ang sabi ko na super proud sa sarili ko dahil nagawa kong ako naman ang sumundo sa kanya.

        “Mommy?” ang sabi ni Drop na tila iniisip na si Mommy Lucy ang may pakana ng nangyayari.

        “Oh bakit? Wala akong alam diyan ah, nagulat na lang ako na kumakatok na siya dito sa bahay at susunduin ka daw.” ang sabi naman ni Mommy Lucy ng nakangiti, “Uy kinikilig siya.” ang biro pa ni Mommy Lucy.

        “Ah si Mommy naman eh. Hindi kaya ako kinikilig.” ang depensa ni Drop pero halata naman sa kanya.

        “Kunwari pa ang anak ko, ayieh, kinikilig siya dahil sinundo siya ng asawa niya. Ayieh bilog na utot niya. Ha-ha!” ang pang-aasar ni Mommy Lucy sa kanya at unti-unti ng namula si Drop.

        “Opo na nga, oo na kinilig akong kaunti. Pero kaunti lang.” ang sabi niya, in denial pa ang Hilaw na Kapre eh halata namang sobra siyang kinilig.

        “Maupo ka na.” ang sabi ko sa kanya at hinila ko ang upuan sa tabi ko para makaupo siya.

        “Hala siya oh anong meron at bakit parang ang bait mo ha? May kasalanan ka siguro no?” ang usisa ni Drop sa akin.

        “Wala ‘no ako magkaroon ng kasalanan sa’yo, ikaw kaya tong laging gumagawa ng kasalanan sa akin.” ang sabi ko sa kanya, “sige na bilis na maupo ka na.” ang sabi ko sa kanya.

        “Ayoko nga ikaw muna ang maunang maupo.” ang sabi naman niya at hinila niya ang upuan sa tabi ng upuan na hinila ko.

        “Bilis na kasi ikaw na maupo.” ang pamimilit ko sa kanya.

        “Ayoko nga ikaw muna maupo sige ka hindi tayo makakapasok pag di ka naupo, sayang naman yung pagsundo mo sa akin.” ang sabi niya sabay ngisi at ano pa nga ba eh di natalo ako, ako din ang unang naupo.

        “Ano kaya yon? Nagpunta nga ako dito para ako naman umasikaso sayo Drop eh tapos ikaw pa din nag-aasikaso sa akin dito.” ang sabi ko dahil sa siya ang naglalagay ng sinangag sa plato ko pati na din ulam.

        “Ayoko nga gusto ko ang nag-aasikaso sa’yo, ayoko masiyado ka napapagod.” ang sagot naman niya.

        “Ano naman nakakapagod dun eh ikaw na lang palagi nag-aasikaso sa akin, gusto naman siyempre na asikasuhin ka din.” ang sabi ko.

        “Oo nga Win, anak pumunta pa man din si Luke dito para pagsilbihan ka.” ang sabi naman ni Mommy Lucy.

        “Alam nyo po Mommy, masaya na ako na makita ko si Drip ng ganito kaaga dito sa bahay at kasabay ko na mag-almusal kasama niyo po. Tiyaka di ko naman po katulong tong duwendeng to para pagsilbihan niya ako. Masaya na ko na malamang gusto niya ako asikasuhin pero mas gusto ko ako pa din ang mag-asikaso sa kanya.” ang sagot ni Drop na talaga namang nagpakilig sa akin at kay Mommy Lucy.

Rain.Boys IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon